WALANG HANGGAN
When I write nanggagaling sa puso. Ngayong gabi ay sobrang antok na antok na ako. Kanina pa actually. Kaya, ang blog na ito ay galing sa nguso. nyahaha. Pantanggal ko ng stress ang Walang Hanggan kaya kahit late na hinihintay ko pa rin...
Kagabi, nakaplano na akong matulog pero nakatanggap ako ng text message galing sa kaibigan. Dumaraan sya sa unos ngayong mga araw na 'to. Hindi ko pinapatulan kasi may kaibigan akong nanggaling na rin sa ganoong sitwasyon. Kapag pinatulan mo, lalo lang iiyak kaya parang sa akin "malalagpasan mo rin yan" type of thing.
Ikukuwento ko nga ang istorya ng kaibigan kong iyak nang iyak sa akin gabi-gabi dahil sa sinapit nyang WALANG HANGGANG pag-ibig.
First time lang syang (A) magmahal at iyong mahal niya (B) binaby sya masyado. Iyong akala mo hindi mabubuhay si B na wala si A. Feeling-feelingan naman 'tong si A kaya akala niya sa kanya lang umiikot ang buhay ni B.
Nagmahalan naman sila I believe pero masyado kasing career-oriented 'tong si A kaya so-so lang kung nandyan si B o kahit wala.
Nalaman ni A na may nakajoin na pala sa WALANG HANGGANG pagmamahalan nila. Syempre, umiyak si A ha. Iyak nang iyak :_( Marerealize mo lang na mahalaga ang isang bagay o tao kapag nawala siya sa 'yo. Kapag hindi na sya sa 'yo. Kahit ano pang focus mo sa buhay, career, community service, etc... To Love and To Be Loved ay sobrang mahalaga.
Pinakamahirap gawin sa lahat ay magmove on... magmove forward.
Dahil career oriented nga ang kaibigan kong 'yon, kunwari hindi affected sa nangyari pero umiiyak ang puso at sa aming mga close friends lang niya nagpapakita ng tunay niyang kahinaan.
Paano nga ba magmove on? Lalo na iyong sa mga pag-iibigang akala mo'y WALANG HANGGAN. Iyon pala'y isang MALAKING KAHANGALAN.
- acknowledge mo iyong pain. Talagang masakit yan 'no. Nakasama mo iyong mahal mo nang matagal. Kapag itatago mo iyong tunay mong nararamdaman, sarili mo lang niloloko mo.
- Cry out loud! Call a friend. Punta kayo sa park na kaunti lang makakakilala sa inyo para doon ka umiyak nang umiyak. Kung ikaw iyong kaibigan, kahit hindi ka magsalita. Hayaan mo lang siyang umiyak nang umiyak. Malaking tulong na 'yon.
- Puwedeng magmura. Murahin mo sya. Lahat ng masasamang side niya alalahanin mo para magalit ka imbes na mangibabaw pa iyong love.
- Magising ka. Neng, bumuo ka ng taong hindi naman sya. Ikaw ang may kasalanan non.
- Hanap ka ng outlet. Makipag-usap sa mga kaibigan. Mag-aral. Mangibang bansa.
- Rejoice! Ngayon pa lang nalaman mo nang hindi sya iyong para sa 'yo. Kaysa naman nag-aksaya ka pa ng maraming oras at panahon.
- Forgive and Forget.
- Magmahal ulit.

Comments