Posts

Add as a Friend

Image
Come Holy Spirit I Need You! Hello to all my friends, relatives, family especially to all the readers of my blogs. I started my blog by writing Come Holy Spirit because that's what I need now. I don't have good sleep yet since I started commiting myself to support another foundation. That is also applicable because this will be my first time to write my blog in English. I am one of the founders of recent launched scholarship foundation in the Philippines called 4S (Share A Secret Spread Success). I'm not a type of person who will ask help from my friends for any financial assistance or any help. So what I am doing to invite them indirectly is to write blogs, post pictures and encouraging words on my page almost everyday. And I'm very thankful when someone will respond. Having scholarship foundation is not easy. You have to ensure that you have enough money to fund all the expenses of the students. (We only have two right now). Also, there are many youths who want to be...

Ang BASWIT ni Bien!

Image
picture was taken from google My sheep listen to my voice; I know them, and they follow me. Hello mga kablogs! 10:53pm. Medyo nakakapagod na sa mga oras na ito pero sobrang sulit talaga ng weekend. Sobrang saya! Father's Day pa... Kapag wala ka ng Tatay since 1996 tapos hindi naman masyadong close sa tatay, parang balewala lang iyong araw na ito. God will always make something para magkaroon ng kulay ang lahat. Sa dinami-dami ng araw na puwede akong magpunta sa bahay ng katrabaho ko, Father's day pa ang napili ko. Sobrang close siya sa tatay niya kaya parang nakaramdam din ako ng pagkamiss sa Tatay ko. Kanina ko pa gustong maiyak habang naiisip ko sya. Sabi ko, siguro sobrang masaya sya sa mga nangyayari sa aming mga anak niya, sa aming lahat. Siya iyong tipo ng tatay na matigas sa panlabas pero sa tingin ko mabait sya at malambot ang puso. Hindi lang talaga showy sa pagmamahal kaya hindi nagclick ang relationship naming lahat. Siya iyong tatay na mamamalo ng sinturon kapag na...

Next In Line

"Your faith has saved you; go in peace." Lk. 7:50 Hello mga kablogs! 4:21am. Kadarating ko lang galing sa isang kasiyahan. Ako iyong tipo ng taong medyo seryoso at bihirang-bihira mong makikita sa mga kasiyahan. Sige na nga, sabihin na nating KJ. hehehe. Pero alam ko kung kailan din dapat hindi paganahin ang "KJ." Halimbawa, takot ako sa space shuttle pero sinubukan ko kahit natatakot ako dahil sabi ko minsan lang mangyari iyon sa aking buhay at minsan lang akong mabubuhay... Lately, maraming mga pumapanaw na malapit sa akin at hindi man malapit sa akin, kakilala ko. Iyong dalawang malapit sa akin ay sina Tatay Asiong at Tatay Totoy. May mga sakit sila pareho at mga alagain kaya somehow parang napabuti na rin na natapos na ang paghihirap nila sa mundo. Natapos na rin ang paghihirap ng mga nag-aalaga sa kanila. Kahit parang alam mo na na doon papunta, nakaramdam pa rin ako ng lungkot at naiyak pa nga ako lalo na noong mabasa ko iyong mga shoutouts ng mga...

Magtanim ay 'di biro

"You yourselves give them something to eat." Lk. 9:13 Hello mga kablogs! Naku, late na as in madaling araw. Katatapos ko lang kasing gumawa ng video kaya sabi ko magbablog na rin ako. Ang sarap ng buhay kapag bahay-trabaho-bahay lang, iyong tipo bang wala kang ibang iisipin kapag nasa bahay ka na kaya naman nakabalik ako sa pagbabasa ng inspirational books. Matatapos ko na iyong pangalawang book ni Bo Sanchez entitled "How to turn thoughts into things." 2 bagay ang gusto kong ishare this week. Una ay related sa pagbasa ngayon about sharing. Obserbahan mo ang paligid mo. Bakit iyong ibang mayayaman na hindi nagshashare, hindi masaya? Bakit iyong hindi mayayaman na hindi nagshashare, hindi nagiging mayaman? Bakit ang nagshashare na mayaman, lalong nagiging mayaman? Bakit iyong hindi mayaman na nagshashare, unti-unting gumiginhawa? Isa iyan sa topic ni Bo sa book nya. Ang law raw ng pagbibigay ay space. Ibinigay niyang halimbawa ang isang lalagyan na puno ng bato, ordi...

Bukluran

It was not you who chose me... I chose you and appointed you to go and bear fruit that will last. Hello ulit mga kablogs. Minabuti ko ng magblog para iparating sa mga kabataan ang aking nararamdaman. Nagpapasalamat ulit ako sa PYM sa isang napakagandang performance noong 4S launching. sa pagmamasid ko sa kanila, namiss ko ang panahon namin nina Emma, panahon namin ng mga Coolhetz, panahon namin ng iba. Marami na kasi sa amin ang hindi na kasapi ng PYM dahil mga nag-asawa na. Ang nakakatuwa lang hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin at nagpapatuloy sa pamumuno ni Dok, Hildz, Bok at Alvin. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang gusto ko lang hilingin ay sana mabuhay ang bukluran. Ano ang bukluran? Ito ay pinasimulan ni Fr. Jayson. Buklod means pinag-iisa. Naalaala ko nong pinadala kami nina Sr. Donna, Hilds at ako sa isang seminar about Bukluran. Mabuti na lang at nagamit ko ang mga natutunan ko noong nasa Pinas pa ako. Nagsimula ang aming bukluran sa aming magkakabar...

continuation - Unang hirit

The moment your greeting sounded in my ears, the baby within me suddenly leapt for joy. Lk. 1:44 Hello mga kablogs. In relation sa last blog, nachallenge ako sa response ng isa kong officemate/friend na ang idiscuss ko raw sa susunod ay solutions naman sa issue about work. Noong una, sabi ko parang hindi pa napapanahon kasi hindi pa ako retiring period at hilaw pa ako in terms of work. Pero siyempre, kung gusto may paraan kaya samahan niyo akong himayin ang aking job experiences simula 2003 hanggang ngayon. Bago ang lahat, ang pagbasa ngayong Monday ay tungkol sa pag-visit ni Mary kay Elizabeth. Sa tuwing umuuwi ako palagi ko talagang dinadalaw ang mga katrabaho ko. Nagiging masaya ako sa tuwing nakikita ko sila at muling nakakakuwentuhan. Ilang oras tayong nagtatrabaho sa isang araw? 8 kung normal kang empleyado at para sa iba ay 10-12 naman. Natutulog tayo siguro 6-8 hours, bumabiyahe ng ilang oras at kaunti na lang ang time para makasama ang pamilya. Sa weekend na lang ...

Unang hirit makalipas ang unos

Image
Ang blog na ito ay dedicated sa lahat ng OFWs lalo na sa Kuya ko... Hello all! Kadarating ko lang galing sa 2 weeks na bakasyon. Maiksi man sulit naman. Bibigyan ko kayo ng background bago ako umalis dito. Bukod sa mag-isa lang ako sa bahay (ang lungkot non ha), hindi pa ako masaya sa trabaho ko. Mag-isa lang akong pinoy at sobrang pagod pa lagi ako sa trabaho. Idagdag pa na kakabagsak ko lang ulit sa isang exam na mag-aangat sana sa akin. Hindi ko nga nafeel na magbabakasyon ako dahil up to the last minute aligaga pa rin ako sa trabaho. Tapos, hayun na nga, nagbakasyon ako with my brother. Sobrang saya na makapiling ulit ang aming pamilya. Ang nanay kong miss na miss ko na, mga kapatid kong kainuman ko, mga pamangkin na makukulit atbp. Nagpunta rin kami sa mga kamag-anak namin. Nakihalubilo sa mga kaibigan at sa iba pang mahahalaga sa aking buhay. (Peace po sa mga hindi ko na napuntahan, sobrang gahol talaga ng schedule. 2 oras nga lang ako natutulog). Bawat segundo ay sobrang sulit ...