Ang blog na ito ay dedicated sa lahat ng OFWs lalo na sa Kuya ko...
Hello all! Kadarating ko lang galing sa 2 weeks na bakasyon. Maiksi man sulit naman. Bibigyan ko kayo ng background bago ako umalis dito. Bukod sa mag-isa lang ako sa bahay (ang lungkot non ha), hindi pa ako masaya sa trabaho ko. Mag-isa lang akong pinoy at sobrang pagod pa lagi ako sa trabaho. Idagdag pa na kakabagsak ko lang ulit sa isang exam na mag-aangat sana sa akin. Hindi ko nga nafeel na magbabakasyon ako dahil up to the last minute aligaga pa rin ako sa trabaho. Tapos, hayun na nga, nagbakasyon ako with my brother. Sobrang saya na makapiling ulit ang aming pamilya. Ang nanay kong miss na miss ko na, mga kapatid kong kainuman ko, mga pamangkin na makukulit atbp. Nagpunta rin kami sa mga kamag-anak namin. Nakihalubilo sa mga kaibigan at sa iba pang mahahalaga sa aking buhay. (Peace po sa mga hindi ko na napuntahan, sobrang gahol talaga ng schedule. 2 oras nga lang ako natutulog). Bawat segundo ay sobrang sulit talaga.
Anong aasahan mong mararamdaman ko o ng kuya ko na nakaranas ng ganitong saya ay muling babalik sa "hindi masayang" lugar? Haaaay. Ang hirap-hirap, ang bigat-bigat. Noong Monday ng gabi, halos ayaw kong matulog kasi ayaw kong mag-umaga. Tapos noong Monday morning naman, pilit kong pinapabagal ang mga sandali dahil nga tamad na tamad ako.
Sa mga panahong ganito, nakakatulong iyong mga inspirasyon kung bakit kailangan kong tiisin ang lungkot at hirap. Sa mga panahon na napakadaling sabihin na "susuko na ako," mas lumalakas iyong tinig ng mga taong umaasa sa akin/amin na nagsasabing KAYA MO YAN.
Sa lahat ng bagay, palagi tayong mayroong choice. Puwede naman akong umuwi na lang sa Pinas at makuntento sa sahod ko habang pinapanood na nahihirapan ang mga taong nangangailangan ng tulong. O kaya ay i-identify ang issues na kinakaharap ko at solusyonan ang mga iyon para maging masaya ako kung nasaan ako. Sa palagay niyo ano ang napili ko? Correct! Uuwi na lang este iyong choice no. 2 syempre. Nag-isip-isip ako kung ano ba talaga ang gusto kong gawin. Nag-isip-isip ako kung anu-ano ang mga bagay na nagpapabigat sa akin. Naalaala kong hindi nga pala ibibigay ni Lord ang mga pagsubok kung hindi ko kakayanin.
Marami tayong issues na kinakaharap sa trabaho. Marahil hindi mo gusto ang bisor mo, namomroblema ka sa iyong bike, nahihirapan ka sa trabaho, pakiramdam mo ay pagod na pagod ka palagi, hindi ka masaya sa mga kasama mo, maraming nag-uutos sa 'yo at kung anu-ano pang issues. Kung ikaw ay minsang naging tambay, i-compare mo ang sarili mo ngayon sa noong tambay ka pa. Gugustuhin mo bang bumalik sa pagiging tambay o magiging masaya ka sa ginagawa mo? Kung sumasahod ka ng minimum dati, i-compare mo ang sahod mo ngayon na above minimum na. Gugustuhin mo bang bumalik sa dati o gagawa ka ng paraan para maging masaya ka? O kaya, isipin mo iyong ibang tao na gustong gawin ang ginagawa mo pero wala silang opportunity kagaya mo. Maraming-marami pang halimbawa dyan para mahikayat tayo na i-enjoy ang present kaysa dati.
Sa akin ding pagninilay, narealize ko na lahat ng may mabuting idudulot ay mahihirap sa simula. Isang halimbawa ay ang ampalaya na hindi masarap pero masustansya. Isa ring halimbawa ay ang pagsusunog ng kulay pero sobrang luwag sa pakiramdam kapag nakagraduate na. At ang gusto ko ngang tumbukin ay ang trabaho na mahirap pero bumubuhay naman sa pamilya. Mahihirap ang mga ito pero may ways para mapagaan sila. Let's give ourselves a break at alamin natin ang solutions para mas makapaglakbay tayo ng mas masaya. Palagi rin nating tandaan na laging nandyan si Lord para tulungan tayo kapag hirap na hirap na tayo.
Nawa'y may natutunan kayo at tulad ko bumangon tayong muli at hanapin ang mga magpapasaya sa atin.
bowowow.
God bless everyone!
"For to all those who have, more will be given, and they will have an abundance; from those who are unproductive, even what they have will be taken from them." Mt. 25:29
Hello! Hello! Hello! Napakasaya kong makachat nong Saturday (up to 12 mn sa Phil at 12 nn naman sa Bda) ang aking 2 kapatid na sina Ate Nym at Mey. Bigla kong naalala iyong dati na sobrang ate ang tingin namin kay ate. Bukod sa malayo ang agwat ng age namin sobrang strict nya na mas nakakatakot pa kina nanay at tatay. Peace ate. Pinilit nya kami ni Mey na kainin iyong gulay, hindi nya talaga kami tinantanan hanggat hindi namin nauubos. (nakakasuka). Yep... correct... strict sya in a way na makakatulong sa amin. Ngayon, super open na kami sa isa't-isa. Wala na iyong malaking gap kasi... mas matangkad pa kami sa kanya ni Mey kaya para na lang kaming nasa same age. hehehe.
Well, hindi pa sina Ate at Mey ang topic ko (abangan niyo yan). Ang topic natin ngayon ay tungkol sa trabaho. Umalis lang ako saglit sa computer ko tapos ang dami na pala nilang napag-usapan. Nagkoconfide si Memey tungkol sa trabaho niya. Hindi niya maimagine na from Customer Service mapupunta sya sa broadcasting. Ang pinakanagstruck sa akin ay dapat sa lahat ng ginagawa mo, ibinibigay mo ang best mo. Nabanggit din ang tungkol sa pagmeasure ng success. Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang kinikita mo. Ang mahalaga ay kung masaya ka ba sa ginagawa mo.
Kagaya rin ng sinasabi ng How to Stop Worrying... para raw maiwasan natin ang worries at boredom sa trabaho dapat daw inienjoy natin ang bawat ginagawa natin. Ikaw man ay tagasagot ng telepono, talk with smile in your face. Ikaw man ay tagahatid ng mga pasahero, drive safely and happily. Ikaw man ay guro, share your knowledge to your students with enthusiasm. Ikaw man ay palaging nakatutok sa computer at panay ang pindot ng keyboard (like me), challenge yourself na mamemorize ang keys. Ikaw man ay nag-aaral, improve your grades habang nag-eenjoy at kung anu-ano pang linya ng trabaho. Bakit kailangan mong inejoy ang trabaho? Unang-una sa lahat, 1/3 ng buong araw natin ay napupunta sa trabaho. Ikalawa, ang sahod natin ang nagiging way para mapakain natin pamilya natin. Kaya make the most out of it. Kung nabobore ka make a way para maenjoy mo ginagawa mo. Ano namang reward kung ieenjoy ko ang work ko? Hindi mo napapasin kapag mas nagenjoy ka sa ginagawa mo, nagiimprove ang performance mo. Malay mo may appraisal bonus pala kayo. Remember kung sino ang pinakaproductive sya ang bibigyan ng pinakamalaki. bow.
"For to all those who have, more will be given, and they will have an abundance; from those who are unproductive, even what they have will be taken from them." Mt. 25:29
Magakakaiba man tayo ng ginagawa, magkakaiba man tayo ng bansa, magkakaiba man tayo ng nakakasalamuha, magkakaiba man ang halaga ng ating kinikita, iisa lang ang ating sukatan... MASAYA KA BA SA IYONG GINAGAWA?
Thoughts to ponder: Paano ko papasayahin ang sarili ko sa ginagawa ko ngayon?
bow.
Comments