Next In Line

"Your faith has saved you; go in peace." Lk. 7:50
Hello mga kablogs! 4:21am. Kadarating ko lang galing sa isang kasiyahan. Ako iyong tipo ng taong medyo seryoso at bihirang-bihira mong makikita sa mga kasiyahan. Sige na nga, sabihin na nating KJ. hehehe. Pero alam ko kung kailan din dapat hindi paganahin ang "KJ." Halimbawa, takot ako sa space shuttle pero sinubukan ko kahit natatakot ako dahil sabi ko minsan lang mangyari iyon sa aking buhay at minsan lang akong mabubuhay...
Lately, maraming mga pumapanaw na malapit sa akin at hindi man malapit sa akin, kakilala ko. Iyong dalawang malapit sa akin ay sina Tatay Asiong at Tatay Totoy. May mga sakit sila pareho at mga alagain kaya somehow parang napabuti na rin na natapos na ang paghihirap nila sa mundo. Natapos na rin ang paghihirap ng mga nag-aalaga sa kanila. Kahit parang alam mo na na doon papunta, nakaramdam pa rin ako ng lungkot at naiyak pa nga ako lalo na noong mabasa ko iyong mga shoutouts ng mga kaibigan ko (para ko ng mga kapatid). Nakakalungkot. Tapos, naalaala ko pa iyong malakas na si Tatay Asiong na maraming susi sa katawan, may balbas at mataba as opposed sa huling mga taon niya na namayat na at kakaibang-kaiba talaga noong malakas pa siya. Dati, kapag may fiesta, siya ang nangunguna sa pagkakabit ng mga banderitas. At kapag may mga namamatay, siya ang tumutulong para makakuha ng mas murang ataol.
Iyong isang kakilala ko, kakaiba naman ang dahilan ng pagkawala niya sa mundo. Sabi nila, marami raw problema ang taong ito kaya ang napiling solusyon ay wakasan ang sarili niyang buhay. Nakakalungkot din kasi siguro hindi siya nakahanap ng kapuwa na makikinig sa mga hirap niya sa buhay.
Kakakuwento lang ng katrabaho ko, may 2 bata raw na natangay ng tubig ulan at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan. Sana ay buhay pa sila...
May kakilala naman ako na kakapanganak pa lang namatay na agad iyong sanggol.
What's the point of all of these? Mapalad tayo kasi nabigyan tayo ng pagkakataon na mabuhay at hindi tayo nagaya sa sanggol na pagkalabas pa lang sa mundo namatay agad. Kung nalagpasan mo na ang 12th/15th o 20th year mo, mapalad ka rin kasi binibigyan ka pa ng chance to enjoy life. Makapagtapos ng high school o college o magkaroon ng pamilya. At dahil sa nababasa mo ito ibig sabihin buhay ka pa, mapalad ka dahil hanggang ngayon pinapahiram ka pa rin ng buhay.
Dahil sa hiram lang natin ang ating buhay hindi rin guaranteed kung kailan babawiin ito unless gagaya ka sa kakilala kong kusa mong ibabalik (sana tanggapin pa ni Lord). Maging matalino sana tayo kung paano natin gagamitin ang hiram nating buhay. Gamitin din natin ang ating puso at pairalin palagi ang pagmamahal sa kapuwa. Higit sa lahat samahan natin ng pananampalataya sa Diyos dahil Siya ang magliligtas sa atin at sa Kanya tayo babalik kapag tapos na ang ating mission dito sa mundo.
At palagi sana nating tandaan na ang kamatayan ay walang exemption. We will all be next in line... Kaya kung ako sa iyo, simulan mo ng magdecide how you will spend your life.
bow.
Hindi yata effective magblog ng lasing at puyat.... Sana may napulot pa rin kayo. God bless everyone!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?