Dreams mean work and praise



"Follow me... they abandoned their nets and followed Him." Mk.1:17-18



Good morning mga kablog! Heto na naman ulit ako para sa isang nangangatok na blog.

Isang araw, bigla ko na lang naisip ang sarili ko sa iba't - ibang sets ng mga nadaluhan kong BEC. Naalala ko iyong mga mukha ng mga kabataan na nakasama ko simula noon. Nagsimula ang lahat nang umattend kami ng BEC seminar. Matagal din bago namin napagdesisyunang iapply ang natutunan namin sa aming sariling barkada (Emma, Chat, Kuya Ryan, Memey, ako, Lorein atbp.) Para sa kaalaaman ng iba, ang BEC o bukluran ay pagtitipon ng mga tao at pagbabahaginan tungkol sa pagbasa. Parang ginagawa ko sa blog na kumukuha ako ng phrase sa gospel tapos palalawakin ko through my own experience. Masarap sa pakiramdam kasi nagkukuwentuhan kami pero si God ang nasa center. Ayun nga, doon nagsimula tapos hanggang sa lumaki nang lumaki ang grupo. May mga nawala at may mga nadagdag din. Naaalala ko sa isang batch ng PYM, napag-usapan namin ang aming pangarap sa PYM. Marami kaming nangarap na sana magpatuloy ang PYM kahit wala na kaming mga founder at maipasa namin sa aming mga anak at mga apo. Nakakatuwa kasi ganoon ang nangyayari ngayon, ipinagpapatuloy nila ang nasimulan. Nagpapasalamat ako sa mga namunong magpatuloy ng mission namin (Tito Juner, Bok, Hilda, Enong, Alvin, Pie, Analyn etc.) Winiwelcome ko naman ang mga bagong PYM at sinisigurado ko na magiging masaya ang stay niyo dyan gaya ng naramdaman ko at ng marami pang iba.

Follow me... they abandoned their nets and followed Him. Natutuwa ako sa sarili ko kapag nananalo si God over sa ibang bagay ng buhay ko. Marami na akong tinakasang overtime work para makaattend ng misa, makaattend sa mahahalagang activities ng PYM gaya ng recollection, taize at mga social activities KAPAG kailangan nila ng advice/support. Naniniwala ako na kapag inuuna ko si God sa ibang bagay, Siya na ang tutulong sa akin para matugunan ang mga bagay na iyon. Naniniwala ako na gaya ng nangyari kay San Isidro, nagpapadala rin Sya ng mga anghel para tulungan ako sa aking pag-aaral/pagtatrabaho.

Para sa mga PYM na nakapansin ng presence ni Ate Shel sa lahat ng activities natin; palagi akong nasa BEC at spiritual activities except sa mga unavoidable circumstances at sa highlight na lang during social activities. Yes, one of the reasons ay sa planning nageexcel si Ate Shel at hindi pang kantahan or sayawan. Another reason din ay alam ko na may gagawang iba in behalf of me. Siguro tinatanong niyo kung anong connection... Totoo na kapag inuuna natin si Lord HE will help us pero dapat kumikilos din tayo. Gaya ng ending sa nabasa kong book ni Paolo Coelho, sabi niya "Dreams mean work." Active ako sa PYM pero nagpapatuloy ang ibang bagay sa buhay ko. Nag-aral pa rin akong mabuti kaya ang resulta ay kahit wala ako sa PYM physically, nakakapaglingkod pa rin ako sa pamamagitan ng ibang bagay. Sa palagay ko, lubos na matutuwa si God kapag maayos ang ating buhay habang nagsisilbi sa Kanya. bow.

Nasimulan mo na bang kumilos para matupad ang mga pangarap mo? Nakakapagpuri ka pa rin ba sa Panginoon habang tinutupad ang mga iyon?

PYM, nagpapatuloy ba ang ibang areas ng buhay mo habang successful ang buhay PYM mo?

Welcome back Hilda. Ganyan talaga ang PYM, nakakaaddict at magnetic. Siguradong hahanap-hanapin at babalik-balikan. wahahaha.

next week ulit. :-) mas maaga next week kasi may pupuntahan ako sa weekend. Abangan niyo yan.

Comments

Anonymous said…
Mahal naming author, hello ulit sa iyo at sa iyong mga masusugid na tagapagbasa! Nariyan na naman ang nakakainspire mong blog, kaya nanditto na naman ang medyo nahuling ka-chokaran. Hehehe.

Habang binabasa ko yung blog mo, naalala ko rin yung mga unang BECs na nakasama ako. Nakakatuwang balik-balikan sa alaala lahat ng mga masasayang napagdaanan. Nakakatuwang isipin na ang dating maliit lang na grupo, ngayon ay malaki na at patuloy na nagsisilbi kay God. Nakakatuwa rin isipin yung mga bagong members, dahil pinapaalala nila na matatanda na tayo. Ayk. Hehehe. Pero ang pinakanakakatuwa sa lahat ay yung makita na ang dating buto ay unti-unting yumabong. May panahon na hindi mabunga, minsan nalagasan ng dahon pati sanga, minsan naranasang matuyot, minsan sobrang mayabong at punung-puno ng prutas. Pero kahit kalian, hindi namatay ang puno at kahit kailan, hindi ito mamamatay dahil sa tibay ng mga ugat at sa kagandahan ng butong pinagmulan. Syempre, sobrang mahal din kasi ito ng tagapag-alaga kaya patuloy na dinidiligan at inaalagaan.

Dreams mean work and praise… Masayang masaya ako sa puso ko na ang pangarap ng datihan na magpatuloy at maging matatag ang PYM ay unti-unti nang naaabot. Dahil sa pagtitiyaga, pagtatrabaho at syempre dahil ito ay para sa kapurihan ng Panginoon. Ang PYM na dati ay buto lamang, ay unti-unti nang yumayabong at sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, nariyan palagi ang tagapag-alaga nitong si God para diligan ng maraming biyaya hindi lang as a group, pati na rin bilang mga kabataang may pananalig at pananampalataya sa Diyos. Nakangiti ako habang ginagawa ko ito sa sobrang kaligayahan na naging bahagi ako ng maituturing ko nang makasaysayang grupo at lingkod ng Panginoon.

Tama ka mahal na author na dapat sa paglilingkod natin, hindi pa rin natin dapat kalimutan ang ating mga responsibilidad – sa pamilya, sa pag-aaral, sa trabaho, sa iba pang mga kaibigan, at sa iba pang mga bagay. Masarap maranasan na makapagtapos ng pag-aaral habang naglilingkod sa Kanya. Masarap din na magtrabaho habang naglilingkod kay God. Masarap na tuparin ang ating mga pangarap habang Siya ay ating kasama.

Dreams mean work and praise. Mahirap kung puro work lang. Hindi rin pwede na puro praise lang. Dapat kayanin natin na pagsabayin ang pag-abot ng ating mga pangarap sa pamamagitan ng ating pagtitiyaga at pagsisikap habang naglilingkod sa Kanya. At kapag naabot natin ang ating mga pangarap sa pamamagitan nito, malalasap natin ang tunay na tamis ng tagumpay.

Bowowow.

Muli at palagi, nagpapasalamat ako sa pinakamamahal nating author, sa patuloy na pagbibigay ng kanyang panahon para mainspire tayong lahat. God bless you always. God bless us always. J

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?