Feels Like Heaven








"This is the time of fulfillment.The kingdom of God is at hand. Repent, and believe in the gospel."




Hello bloggers! Another week na naman ang nakaraan at gaya ng dati sira pa rin ang internet sa bahay. Mabuti na lang puwede kong maaccess ang http://msmcancino.blogspot.com/ dito sa office. Maayos naman ang nagdaang week at handang-handa na ulit ako sa panibagong weekend at panibagong buwan. Yahoo!

The Kingdom of God is at hand
- Ang ganda-ganda ng homily ni Fr. Luke Dobles kapag tungkol sa kingdom of God ang topic. Palagi niyang pinapaala-ala sa lahat na ang kaharian ng Diyos ay hindi lang makikita sa langit. Sa lupa pa lang mararanasan na natin ang kaharian ng Diyos kung gugustuhin natin at bubuksan natin ang ating mga puso.

Sa kabila ng crisis na nararanasan ng buong mundo, minabuti ko pa ring magbakasyong muli sa Pilipinas kahit katiting ang baon kong pera. Warning message ito na walang pasalubong ha. Hehehe. Makuntento na kayong makita akong malusog at ang aking sweet smiles. Noong una kong bakasyon, taong 2008, maraming nagtataka kung bakit daw ako uuwi. Una, 6 mos pa lang ako. I started September 2007 tapos nagbakasyon agad ako noong March 2008. Pangalawa, sobrang mahal ng pamasahe na kung ipinadala ko na lang sa Pinas nakabili pa sila ng magagandang appliances like electric fan, electric fan at electric fan. Hehehe. Ang gara nga. Pinilit ko talagang umuwi dahil sa kagustuhan kong makasama ang pamilya ko at maicelebrate ang Holy Week sa Pilipinas. Para sa akin it feels like Kingdom of God kapag kapiling ang pamilya. Balewala ang pamasahe at kung anu-ano pang sagabal. Gagawin ko ang lahat makasama sila every year except unavoidable circumstances. Pumasok tuloy sa isip ko noong nagtatrabaho pa ako sa Pinas. Kailangan naming magpa-iwan sa office kahit na walang gagawin dahil any time puwede kaming bigyan ng trabaho. Una pa lang sinabihan ko na ang bisor namin na may lakad ako sa Sabado at hindi ako mag-o-overtime. Pilit niya akong binigyan ng gagawin para mag-stay. Natapos ko naman agad kaya’t ipinilit kong muli na kailangan kong umalis na dahil on the way na ang mga ka-appointment ko. Ayaw niya talaga akong payagan pero sinabi kong “Minsan lang kaming lumabas ng nanay ko kasama ang kapatid ko. Magalit na kayo sa akin pero mas mahalaga ang pamilya ko kaysa sa trabaho ko.” Tapos, larga na. Nandoon na nga sina Nanay at Memey sa SM, matiyagang naghihintay sa akin. Inenjoy namin ang time na iyon. Bumili kami ng sandals at kumain sa Burger King. Feels like heaven talaga.

Anu-anong mga bagay ang nagpapasaya sa’yo na nararamdaman mong parang nasa langit na? Buksan ang mga mata. Gawin ang lahat para makamtan sila.

See you all soon!

Next week ulit. Subaybayan niyo rin ang daily Lenten short blog ko with aid from my number one commentator.

God bless you always!

Comments

"Shel" said…
Hello na naming muli sa ating pinakamamahal na author at sa iyong mga masusugid na kabloggers!

Narito na naman ang isang nakakantig-pusong blog ng author nating mahal, kaya nanditto na naman ang makulit nyang no.1 avid commentator. Hehehe.

Kaiba sa main topic ng author nating mahal yung homily ng Indian Parish Priest ditto. Nagfocus kasi sya sa temptation kay Jesus ni Satan. Kahit na nasa stage ng matinding pagdadalamhati si Jesus ng mga panahon na yun, kahit na sobrang magaling mang-akit si Satan, hindi pa rin nagpadala si Hesus sa lahat ng temptations sa Kanya. Minsan sa ating mga buhay, nariyan yung matitinding panghihina natin tapos bigla tayong susubukan ni Satan. Halimbawa na lamang, ditto sa lugar na ito, ngayong panahon ng global crisis, maraming Pilipino ang walang mga trabaho. Isa itong time na mahina ang ilan sa ating mga kababayan dahil sa sobrang naghihirap sila ditto dahil sa kawalan ng trabaho. Sa panahong ito, darating ang ilang mga temptations kung kakapit ba sila sa patalim. Ditto masusubok ang kanilang pananampalataya. Dapat hindi kumapit sa patalim sa kahit na anong kagipitan. Katulad na rin ng sinabi ko sa comment ko dati sa isang blog ng ating mahal na author, magpapadala at magpapadala si God ng mga taong tunay at wagas na tutulong sa atin. Buksan lang natin palagi ang ating mga puso sa maliliit na grasya ng Panginoon at wag nating pairalin ang “pride” na dapat hindi tayo magpakumbaba dahil nasa abroad tayo. Halimbawa, naiisip ko, kapag dumating ang time na mawalan ako ng work dahil sa crisis, sasabihin ko agad sa bahay para malaman nila ang sitwasyon ko at maipagdasal ako at hihingi ako ng tulong sa Papa ko na nasa abroad din. Hehehe. Isa pa, naniniwala ako sa kasabihang, “No one will manufacture a lock without a key. Similarly, God won’t give problems without solutions.”
Minsan natutuwa akong balik-balikan yung pagkakataon na kasama ko ang isa sa mahal ko sa buhay na mamasyal tapos wala kaming kapera-pera. Pumunta kami sa isang park nang walang pera tapos nang nagutom na kami, binilang namin yung pinagsama namin pera kung makakain ba kami. Tapos, natawa na lang kami sa sitwasyon namin. At sa kabila noon, naging masaya pa rin yung pamamasyal namin. Narealize ko simula noon na hindi mahalaga ang pera sa lahat ng pagkakataon. Although, kailangan sya, pinakamahalaga pa rin na sa kahit anong kagipitan, kasama natin palagi ang ating mga minamahal, nasa malayo man sila o nasa malapit, basta alam natin na nasa puso lang natin sila palagi. It feels really heaven kapag kasama natin ang mahal natin sa buhay. Gusto ko rin palagi ng Sabado. It also feels heaven for me kapag Sabado. Ito kasi madalas ang time na nakakapagsimba ako. At nagkakaroon ako ng time para sa sarili ko sa pamamagitan ng pagiging masaya sa araw na ito. Hehehe.

Pero syempre, automatic rin para sa akin na maging maligaya kapag kasama ko ang pamilya ko. Lalo na sa ganitong pagkakataon na malayo ako sa kanila, naroon na marinig lang natin ang kanilang mga boses na nasa maayos sila, talagang masaya na ako. Simpleng bagay, pero parang langit na sa pakiramdam na makasama ang mga mahal natin sa buhay.

Naghihirap man ang mga nasa ibang bansa, sa pagpapatuloy magtiis, makakamtan palagi ang sarap ng kalangitan. Ganoon din, sa pagtitiis natin ngayong araw ng kuwaresma at paghihirap na malagpasan lahat ng mga temptations at pagsubok, sa bandang huli, malalasap naman natin ang kaligayahan ng kaharian ng Diyos.

Bowowow.

Mahal naming author, salamat nang marami muli sa iyong mga blogs. Palagi naming ipinagdarasal na nawa ay pagpalain ka pang lalo ni God sa pagshishare mo sa amin ng iyong talino, panahon at puso sa pamamagitan ng pagpapalalim ng mabuting balita. Mag-ingat ka palagi.

God bless us always. J

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?