Iba na ang sikat


"And at once his fame spread everywhere throughout all the surrounding region of Galilee." Mk. 1:28

Hello mga kablog! As promised mas maaga ngayong week. Simula kasi Friday ng gabi hanggang Sunday ng gabi makikipagbuno ako. Sumali ako sa 25th Bermuda International Chess Tournament sa ika-400 years ng Bermuda. Swabe no. Dumalo naman ako kagabi sa opening (cocktail party) na kinabilangan din ng mga participants galing sa iba’t-ibang bansa. 2 Grand Masters, 8 International Masters, 2 Fide Masters, mga papunta pa lang sa masters at siyempre ako - master sa sariling paraan. Hehehe. Sobrang saya sa pakiramdam na nakakasalumaha ko ang mga taong sikat sa larangan ng Chess. Lalo akong naiinspire na pagbutihin pa lalo para balang araw maging sikat din ako kagaya nila. At makilala sa buong mundo gaya ng pagkasikat ni Jesus dahil sa Kanyang mga gawa.

And at once his fame spread everywhere throughout all the surrounding region of Galilee.

Palagi ko ngang tinitignan sa internet ang mga sikat sa Chess pati na rin ang ibang celebrities at nangangarap na someday mailagay din don ang pangalan ko. Alam niyo bang madalas ko ring sinisearch ang pangalan ko – MARIA SHIELA CANCINO sa google? Siyempre lalabas iyon. Top of the list ay friendster at salamat na inilagay din iyong article re board passers. Masaya pala kapag feeling sikat.

Naiisip ko rin ano ba talagang katangian ko ang gusto kong matanim sa mga mahal ko sa buhay? Iyong hindi na kailangan pang maigoogle o maiyahoo pero nakatatak sa puso nila. Ano kaya ang agad na papasok sa isip nila kapag narinig nila ang pangalan ko? Marami sa atin, kasama na ako, ang nais ay maging sikat sa mundo. Nakakalimutan natin na all those things will fade away. Ang pinakamahalaga sa lahat ay nakalista ang pangalan natin sa website ni God dahil sa ating mga gawa like pagpapadama ng love Niya sa ating kapwa. In my little ways, nais kong maalala nila ako; ng Nanay ko - sa paghilod ko ng likod niya kapag naliligo sya, ng mga kapatid ko - sa pagiging sweet ko, ng mga pamangkin ko - sa piknik na pasalubong, ng PYM - sa aking mga ala-hitler na pagdidisiplina pero mabait pa rin, sa mga katrabaho ko - sa pagiging mahinahon ko (ching), sa mga friends ko - sa pagiging makulit ko at kung anu-ano pa. Bow. Oo nga pala, my father passed away when I was 13 years old pero palagi ko syang naaalala dahil sya ang nagturo sa aming magkakapatid ng larong chess. Thanks Tay! Isa pa, kapag brown out sasabihin nya sa amin magbilang kayo ng 50 at magkakapower na. Hindi kami nagbibilang syempre tapos nagkakauryente nga. Ang galing nyang manghula. Love u tay. miss ka na namin. :_(

Ano ang gusto mong magoogle sa puso ng mga mahal mo sa buhay? Sa munting paraan, simulan mo ng gumawa ng mga bagay para ikaw ay kanilang maalala ayon sa nais mo.

Next week ulit. Ipopost ko ang mga pictures ng Chess Tournament soon.
Happy Birthday pala sa aking kaibigan na si Neneng – isa sa mga idols ko.


P.S.


all PYM, I congratulate you sa lahat ng mga nagagawa nyo. Sa mga bagong facilitators, isa lang ang technique ni Ate Shel kaya successful ang kinakalabasan ng mga bukluran. Let God speak through you. Unang-una sa lahat, instrument ka lang Nya para maihatid mo sa ibang PYM ang message Nya. Magpray lang kayo na whatever He wants na sabihin Nya, gamitin ka Nya para mangyari iyon. Also, tagapagpadaloy kayo kaya malaking bagay din ang mga sharing ng bawat isa. Actually, ang lahat ay nagtutulungan para maachieve niyo ang objective.




God bless u all!

Comments

"Shel" said…
Ginawa ko itong blog na ito 2 or 3 weeks ago. Feb 3 na ngayon at alam niyo bang Jade got a nice job in Dubai? Salamat sa lahat ng nanalangin para sa kanya.

Ako naman, ayos lang din. Umaasa kaming makakuha ng mga bagong funds para magpatuloy ang trabaho namin dito sa JP.

God bless us
Anonymous said…
Hello na naman ulit sa pinakamamahal naming author! Ang Grand Master at International Master para sa aming lahat. Hindi lang sa Chess, kundi pati na rin sa pagiging sikat sa pagiinspire sa buhay ng iyong mga tagapagbasa at mga mahal sa buhay. Tunay yun! Hindi ka pa man nakakapagpublish ng book, sikat ka na para sa amin. Sikat, sa pagtouch sa aming mga puso. At ang pagiging sikat na yun ang highest level sa lahat ng mga sikat. Hehehe.
Katulad mo, katulad ko at ng iba pa, lahat ay nangangarap na maging sikat o popular. Iba kasi talaga yung feeling kapag kilala ka. Habang ginagawa ko itong comment ko, iniisip ko kung gusto ko ba talaga ang maging sikat. At narealize ko na hindi. Gusto kong ianalyze ang sarili ko. Sa pag-aaral ko nung bata ako, gusto ko palagi akong nasa honor. Hindi dahil gusto kong maging sikat, kundi dahil ayoko na mapagiwanan ako ng iba. Hehehe. Tsaka natutuwa ako kapag nagkakaroon ako ng medal tapos pupunta yung daddy at mommy ko sa recognition day. Kapag nasa top kasi ako, dati dinadala nila ako sa Jollibee (Bakit ngayon hindi na? Hehehe). Nung bata din ako, pinipilit ako palagi na sumali sa mga beauty contests – Little Miss Capri, United Nations, Miss SILP, at mga sagala. Pero naisip ko ngayon, pumayag ako hindi rin dahil sa gusto kong sumikat kundi dahil gusto nila na sumali ako at akala ko normal lang yung pagsali. Hehehe.
Natutuwa ako ngayon sa sarili ko, kasi yung mga way ng pagsikat na nasalihan ko ay hindi dahil sa gusto kong maging sikat. Kundi dahil gusto kong pagbigyan ang mga mahal ko sa buhay. Bonus na lang yung nakilala ako (ng konti lang naman.hehehe). Ibig sabihin, although masarap ang maging sikat, pinakamasarap na makilala ka ng mga mahal mo sa buhay. Mas masarap yung pakiramdam na makikita mo sa kanilang mga mukha yung pagiging proud sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Sila ang pinakamakakaappreciate ng lahat nga mga pinagpapaguran mo. Kaya bago natin isipin na maging sikat sa paningin ng iba, let’s first make it sure na napaligaya at nasatisfy na natin ang ating mga mahal sa buhay. Na nakatatak na tayo sa puso nila no matter what. Dahil sa bandang huli, sila pa rin ang karamay natin sa lahat ng mga mangyayari sa atin. Sumikat man tayo, lumubog o malaos, hanggang sa huli, sila pa rin ang ating magiging loyal fans.
Bowowow.
Sana sa mga mahal ko sa buhay at sa iba pang mga kaibigan, nakatatak na ako sa kanilang mga puso kahit sa maliit mang paraan. Patuloy ko pa ring gagawin ang lahat ng aking makakaya para tumatak pa akong mabuti sa kanilang mga puso.
Salamat ulit nang marami sa ‘yo mahal naming author! Patuloy kang magiging sikat sa amin. Sikat na hindi popular lamang, kundi ikaw ang magsisilbi sa iyong mga tagapagbasa bilang sikat ng araw, sa pagbibigay palagi sa amin ng liwanag.
Cheng, mahal na mahal ka ni Ate! Thank you so much nang marami sa youtube mo. Talagang sobrang touch ako bhe. I lab u so much and Ate will always be proud of you sa lahat ng mga magiging achievements mo pa. Idol din kita Cheng! Sikat ka sa puso ko. For being the sweetest and loving sister in the whole world!!! Lab u and miss you so much Cheng!
PYM, miss na miss ko na kayong lahat! Naniniwala ako na ang mga bagong facilitators ng BEC ay makakaya ring maging sikat ng araw sa iba pa through the Holy Spirit and God’s guidance. Lab u all PYM!
God bless us all always. J

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?