Maybe so, maybe not




"Therefore, return... to God what is God's." Mt.22:21



Nakakatuwa iyong nabasa kong book ni Richard Carlson entitled "Don't sweat the small stuff..." Gagayahin ko sa pamamagitan ng isang kuwento.

Si Grace ay anak ng mag-asawang teacher kaya habang nagmamartsa siya noong Grade 6 graduation nila maraming nagsasabing kaya siya nagkahonor ay dahil sa mga magulang niya. Sabi niya kay God, "Heto na yata ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko, may honor nga ako pero marami namang hindi naniniwala na magaling talaga ako." Sabi ni God sa kaniya maybe so, maybe not. Dahil sa mga bulung-bulungan na iyon, lalo pang nagsikap si Grace para mapatunayan sa lahat na kaya pa rin niyang magkahonor kahit wala ang mga magulang niya sa high school. Nagtapos siya bilang 1st honorobale mention. Sobrang pasalamat siya kay God, "Lord, ito na yata ang pinakamagandang nangyari sa akin? Mapapaakyat ko ang nanay ko sa stage para sabitan ako ng medalya." Sabi na naman ni God maybe so maybe not. Nagtataka si Grace sa sagot ni God tapos isang araw lumabas ang resulta ng UP Entrance Exam niya. BAGSAK! Nag-exam kasi siya sa UP at kinuha ang course na Social Worker para makapasok sa pinakasikat na school na un. Umiyak siya kay Lord, "Binigyan mo pa ako ng honor hindi naman pala ako makakapasa sa UP. Nakakahiya kaya dahil iyong mga sumunod sa akin ay nakapasa. Sasabihin mo na bang OO kapag sinabi ko na ito ang pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ko?" Walang pag-aalinlangang sinagot na naman siya ni God ng maybe so maybe not. Lungkot na lungkot si Grace na lumapit sa Ate para humingi ng tulong na ipasok siya sa Letran. Nakapagtapos siya ng Accountancy at nakapasa rin ng Board Exam. Taas noo siyang nagtanong ulit kay God, "Diba ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko? Kung hindi ako bumagsak sa UP, makakapag-aral ba ako ng libre sa Letran at makakapasa ng Board Exam? Diba?" Sabi na naman ni God maybe so maybe not. "Naku, nakakakaba na naman itong sagot ni God ha" bulong ni Grace sa sarili niya. Kaya pala... kasi hindi siya nahire ng mga sikat na auditing firms sa Pilipinas. Nakagawian na after makapasa, ideal kung sa auditing firm makakapagtrabaho ang isang CPA para pagkatapos ng ilang taon na training managerial na ang position. "God, gusto mo ba talaga akong pahirapan? Paaano ako magiging manager eh hindi nga ako matanggap sa mga auditing firms?" sabi ni Grace. Sabi na naman ni God, maybe so maybe not. Kaya nauwi siya sa pagtatrabaho sa private companies. Nahasa ang galing sa mga bossing na sina Bossing Grace, Maam Nanny, Maam Cecille, Ms. Lelet, Ms. Lelen at Ms. Dez at nagkaroon ng maraming-maraming kaibigan. Isang araw, may offer letter na siya galing sa ibang bansa. "Lord, ok ka rin eh no? Hindi nga ako naging manager pero makakapunta pala ako sa ibang bansa. Di'ba ito na ang pinakamalaking biyayang natanggap ko?" sabi ulit ni Grace. Guess what anong answer ni Lord... maybe so maybe not. Mahirap ang buhay sa ibang bansa, mahirap mapalayo sa mga mahal sa buhay. Dumaing ulit sya kay God, "Lord, nalulungkot ako na mapalayo sa pamilya ko. Mahal na mahal ko sila. Mas gusto ko na nasa Pilipinas ako. Ito na ba ang pinakamalungkot na part ng buhay ko?" "Maybe so maybe not," siyempre iyon na naman ang sagot ni Lord. Sa pag-alis niyang iyon lalong naging bonded ang pamilya ni Grace sa Pilipinas. Mas madalas silang nagrereunion kaysa nong nasa Pilipinas sila at bawat pag-uwi niya sa Pilipinas siguradong bonding to the max. Kailangang iparanas sa atin na mapahiwalay sa mga mahal natin para malaman ng lahat kung gaano kahalaga ang bawat isa. Siya ang naging susi para lalong maging buo ang pamilya C. bow

Realization lang na akala natin negative ang effect ng isang pangyayari sa buhay natin. Nalulungkot agad tayo kapag namiss natin ang train/fx, hindi nakapasa sa exams, nawalan ng trabaho, nakipagbreak sa mga fafa at kung anu-ano pa. Bilang tao, nakikita lang natin iyong small picture. Nakakalimutan natin na mayroon palang Diyos na Siyang nakakaalam ng lahat. Kung ipagkakatiwala natin sa Kaniya ang ating buhay HE makes all things beautiful. Bilang pasasalamat sa lahat ng iyon, ang maari nating iganti ay ang pagbabalik ng lahat ng biyaya sa Kaniya gaya ng pagsisimba tuwing linggo, constant communication through prayer at pagtulong sa kapuwa natin.

"Therefore, return... to God what is God's."

Natutuwa ako sa mga PYM. Handa silang mag-alay ng time para turuan ang mga bata sa parokya namin. Gagawin nila iyon every week. Maliit man na bagay pero after years malaking bagay ang magagawa nila sa paghubog sa mga batang iyon. PYM, saludo ako sa inyo! Hahanap pa tayo ng mga sponsors para tulungan tayo sa mga projects natin. Di'ba mga Blogs readers, susuportahan niyo kami? maybe so maybe not....

Bow!

Comments

this is inspiring...its nice to have found your blog...GOd bless...

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?