The Passion of Vission and Secret of Happiness




"... for from you will come a leader, the one who is to shepherd my people Israel." Mt. 2:6


Happy New Year ulit mga kablog! Kamusta ang new year niyo? Sobrang saya ng sa akin. Marami akong ginawa by myself at kasama ng mga kaibigan ko rito. Ang pinakagusto ko ay nong ginamit ko ang gift voucher na natanggap ko sa JPM Christmas party. Bumili ako ng libro, kumain ng tinapay with matching coke at tumambay sa store rin na iyon habang inienjoy ang katapusan ng napakagandang novel ni Mitch Albom entitled Tuesdays with Morrie.

Sa ngayon binabasa ko ang First Things First by Covey and Merrills at The Alchemist by Coelho.

Naka4 days na ang 2009 pero matanong kita alam mo ba kung ano ang objective mo for this year? Alam mo ba kung ano ang gusto mong mangyari sa sarili mo bilang kapuwa, bilang kaibigan, bilang kaempleyado at bilang kapamilya? Sabi sa First Things First Vision is the best manifestation of creative imagination and the primary motivation of human action. Gaya rin ng sinasabi na dapat daw bago ka magsimula alam mo kung anong kakalabasan. Kaya nga si Jesus Christ nagampanan Niya ang mission niya kasi sa simula pa lang alam Niya na ang layunin Niya

... for from you will come a leader, the one who is to shepherd my people Israel. Mt. 2:6

Marami akong gustong mangyari sa sarili ko. Bilang kamag-anak, gusto kong iinspire ang mga pinsan ko para magsikap sila lalo at gumawa sila ng paraan na paginhawain ang mga pamilya nila. Bilang kaibigan, papanatilihin ko ang aming connection. Saan man ako mapunta palagi pa rin sila sa aking puso (naks). Bilang PYM, papakinggan ko pa lalo ang sinasabi ng aking inner soul para magsuggest ng mga projects at activities na makakahubog sa mga bata at kabataan ng SIL. Bilang empleyado, huhusayan ko pa lalo para mas kumita ng malaki at magamit sa mabubuting bagay. Bilang anak, bilang kapatid, bilang tita, mas ipapapadama ko pa lalo ang aking pagmamahal at ilalaan ang maraming time ng aking vacation kasama sila. These are general objectives pero siyempre meron din akong specific objectives. Saka ko na sasabihin sa inyo kapag naachieve ko na. Ang point ko lang ay dapat alam natin lahat ang "end" bago tayo magsimula. Maiba man tayo ng daan kung alam natin ang patutunguhan siguradong hahanapin natin ang direction papunta roon.

Palagi ko ring sinasabi na enjoy your journey. Tama na nakafocus sa goals mo pero magmasid ka rin sa lahat ng dinadaanan mo. Don't miss the fun. - The secret of happiness is to see all the marvels of the world, and never to forget the drops of oil on the spoon (The Alchemist). Alam ko ang mga goals ko pero sinisigurado ko na nag-eenjoy ako sa bawat araw. Tinitreasure ko ang mga bagong kaibigan at natututo sa bawat lesson ng buhay. bow.

What are your objectives for this year? Habang inaachieve mo ang mga iyon siguraduhin mong nag-eenjoy ka rin.

God bless us all!







Comments

Anonymous said…
Hello na naman sa pinakamamahal naming tapakasipag na author at pati na rin sa mga masusugid mong tagapagbasa. Narealize ko sa sarili ko na hindi ako magaling na author pero kapag nababasa ko yung mga sharings ko sa blogs mo, may tuwa akong nararamdaman sa puso ko. Para bang masterpiece na sa akin yun. Hehehe. Iba kasi talaga kapag binabahagi mo ang sarili mo sa iba syempre with God’s guidance. Kaya nanditto na naman ulit ako para magshare. Hehehe.
Hindi ba parang Begin With The End In Mind yung Visioning mahal naming author? Dapat alam na natin yung gusto nating maachieve bago natin simulan yung mga bagay na gagawin natin para maachieve yun. Naisip ko syang ikumpara sa isang puzzle (puzzle nga ba yun? Yung may kalat-kalat na pieces tapos bubuuin? Basta alam nyo na yun. Hehehe) na hindi pa nabubuo. Ang pangarap natin, mabuo yung puzzle. Dapat alam na natin yung hitsura ng mabubuo natin bago natin buuin yun. Kasi mahihirapan tayong makabuo kung hindi natin alam yung hitsura.
Ganun din sa totoong buhay. Dapat alam natin yung gusto nating makamit bago tayo magsimulang kumilos. Kasi yung Vision na yun ang magiging guide natin kung saan tayo pupunta. Sabi nga ng author nating mahal, kahit anuman yung path na tahakin natin, okay lang, basta alam natin palagi kung saan tayo pupunta.
Gusto ko na makita ang sarili ko na masaya at maginhawang kasama ang mga mahal ko sa buhay, mga kaibigan, at iba pang mga kakilala habang tumutulong sa iba pang mga nangangailangan na palaging may takot at pananalig sa Diyos at patuloy na maglilingkod sa Kanya habangbuhay.
Simple man yung Vision ko, galing naman yun sa puso ko. At malaki ang aking pananalig na makakamit ko itong lahat through God’s guidance in His blessed time.
Bowowow.
Maraming salamat sa iyo mahal naming author! I believe na itong blog na ito ay nakapagpaalala sa mga avid readers mo sa kani-kanilang mga visions. At syempre, isa ako dun. Mawawala ba naman ba ako sa list? Kahit na palagi ako winawalist. Hehehe. God bless you always. J

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?