Sakit sa Bato, Sakit sa Puso, Sakit ng Pagkatao


"If You so will, you can make me clean." Mk. 1:40


Hello mga kapuwa ko bloggers! Happy Valentine nga pala. Sana nabasa niyo ang most commented blog ko - ang Pag-ey-blog http://msmcancino.blogspot.com/2009/02/another-bonus-blog-pag-ey-blog.html. Syempre namuwersa ako ng mga pips para magcomment sa nakakatuwang blog na ito.

Back to present tayo... Ang blog ngayong week ay tungkol sa "clean." It's bizarre kasi sabi sa isang reading this week ang nagpaparumi raw sa tao ay hindi ang pumapasok sa kanya kundi ang lumalabas (?). Paexplain na lang natin kina Padre para mas malinaw. Ang interpretation ko kasi - ang mga pumapasok din sa katawan ang nagiging sanhi ng mga inilalabas. Aha! Siguro kapag ginamit na sa masama saka lang hindi nagiging mabuti. Halimbawa, ang group of friends ko ay panay ang mura na sa lahat ng sasabihin palaging may P.I. (Pusang Inagaw) or Gg (Gatas ng goat); though pumapasok sa tenga ko kung hindi naman ganoon ang lumalabas sa akin oks pa rin. hehehe. Hindi pa rin e. Siguro mas ok kung sa mga ganoong sitwasyon umaaksyon din tayo like pagsabihan sila na hindi maganda iyon. Sa gayon, natulungan na natin sila, mababawasan pa ang maruming papasok sa tenga natin.


Bukod sa ibinigay kong example re pagmumura, kagaya rin kung magtatanim tayo ng galit sa kapuwa. Hindi natin napapansin kapag may lihim tayong galit, naipapakita at naipaparamdam natin kapag nakikitungo tayo sa kanila. Isa pa ay ang pagkakasala sa Diyos. Kagaya ko for example, kapag may nagagawa kasi akong kasalanan nahihiya akong itabi ang bible sa pagtulog ko. Para bang imbes na napapalapit sa Kanya, napapalayo ng dahil sa kasalanan.


Salamat dahil sa makabagong mundo maaari nating linisin ang dumi ng ating katawan, puso at kaluluwa. Isang flush lang tanggal na ang bacteria. Kung may sakit sa bato, mayroon na ngayong dialysis. Process kung saan ilalabas lahat ng dugo tapos ibabalik sa katawan kapag nalinis na. Kung may sakit sa puso, napakadaling humingi ng tawad. Sorry note or kiss sabay hug with teary-eyed. Kung may kasalanan sa Diyos, para sa mga Katoliko mangumpisal tayo lalo na at nalalapit na ang kuwaresma. The best time para magvacuum.


Anu-ano ang mga germs ang nais kong linisin? Sama-sama nating ihanda ang ating mga sarili sa panahon ng kuwaresma. Magdiet muna tayo sa mga kasalanan. bow.


next week ulit.

http://msmcancino.blogspot.com/

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?