Simbang gabi! ang saya-saya!

"Make straight the way of the Lord." - John 1:23


Hello mga kablog! As promised, heto na naman ako para magbigay ng cheese. :-) Bukas pa ng Sunday night ang second Christmas celebration ko rito pero minabuti kong gumawa na ng blog. Check niyo na lang ang mga pictures para makita niyo ang saya sa aking mukha kapiling ang Bda family.

"Shel, Shel, Shel, gising na. Bahala ka hindi mo makukumpleto ang simbang gabi." Ganyan ang tawag ng mga kabarkada kong sina Chat/Emma/Baby pati si bunsoy Memey tuwing simbang gabi. Bata pa lang ako pinipilit ko ng makumpleto ang simbang gabi dahil sa paniniwalang kapag nabuo ko iyon igagrant ang aking 3 wishes. Believe it or not, lahat ng mga big and small achievements ko ngayon like mapaakyat ang nanay ko sa stage, makagraduate, makapasa sa Board, magkaroon ng magandang trabaho, healthy and loving family at maraming-marami pang iba ay itinaas ko kay Lord sa simbang gabi. Sa ika-9 na mass, pagkareceive ng communion, nakapikit kong dinadalangin na tuparin ang requests ko.

Bigla ko tuloy naalalala si Tatay Tano (SLN). - Hindi ko man kadugo malaki ang naging part niya sa buhay ko. Palagi niyang sinasabi noon na ako raw ang magpapaginhawa ng pamilya ko. Dahil siguro nalusutan ko ang butas ng karayom when I was 1 yr. old. Hindi raw ako kumakain, iyak lang daw ako nang iyak. Hindi nga makapaniwala si Nanay Franz (2nd mother ko) na healthy ako ngayon. Tinatapalan niya raw ng balat ng saging ang tiyan ko dati. - Sabi ni Tatay Tano, bago raw magsimbang gabi dapat dinarasal mo na raw iyong mga wishes mo. Heto raw kasi ang magiging inspirasyon mo para gumising ng maaga. Nine days kang magsasacrifice pero alam mo na kapag natapos na may reward kang matatanggap. Kaya simula noon, malayo pa ang simbang gabi ready na ang wishes ko, paulit-ulit kong dinarasal sa communion at maniniwala na ang lahat ay dinidinig ni Lord. Ngayong mas malalim na ang faith ko kay God, nagsisimbang gabi ako hindi lang para igrant ang requests ko kung hindi para ipakita sa Kanya kung gaano ako kadevoted, na kaya kong gumising ng maaga para papurihan Siya. Halata naman siguro ang results. He finds ways para matupad ang lahat ng hiling ko - hiling na makakabuti sa akin at makakabuti sa lahat. bow

Paano mga ka-blog, hanggang dito na lang ulit. Parting words natin ngayon ay anu-ano ang 3 wishes mo ngayong simbang gabi 2008? Handa ka bang magsacrifice sa pamamagitan ng paggising ng maaga upang matupad ang hiling mo at higit sa lahat ay mapapurihan Siya?

Good news mga kablog. Alam mo ba na maaari kang maging instrument ni God para matupad ang hiling ng iba? Let's make straight the way of the Lord. Sa sobrang dami ng humihiling sa Kanya, tulungan natin Siya. I'm sure, isa sa mga requests ng PYM ay ang kumita ng marami sa carolling para pangfinance ng upcoming projects nila. Sigurado rin na nagdarasal ang mga nanay/taytay na sana ay may panghanda sila sa Noche Buena. At hindi rin mawawala ang hiling ng mga chikiting na makatanggap ng regalo. All in one! puwede nating tuparin ang requests nila. Magvolunteer lang kayo na makapangarolling sa mga bahay niyo ang PYM, request granted na.

Uulitin ko po ulit, annual na nagpapasaya ang mga kabataan ng SIL sa mga pamilyang kapus-palad sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangnoche buena. Nangangarolling naman sila para magkaroon ng pangfinance. Nadagdag ngayong taon ang pagbibigay ng regalo sa mga inaalagaan nilang bata. Anumang tulong ay malugod naming tatanggapin. Please contact Juner or Bok or transfer to SIL bank account number 12345678. chika lang. wala pa kaming account pero malapit na para madali kayong makatulong. hehehe.

Comments

Anonymous said…
Hello na naman din ulit sa pinakamamahal naming author pati sa lahat ng masugid mong readers. Medyo late na ako nakapaginput ngayon. Pero syempre, hindi ko mapapalagpas na hindi
magrespond sa napakaganda mong mga blogs. Merry Merry Christmas! Maligayang maligayang pasko na sa ating lahat!

Malamig na talaga ang simoy ng hangin. Lalo na ditto. Sobrang mararamdaman mo talaga na sobrang napakalamig. At syempre, nariyan na naman ang palagi nating kinukumpletong simbang gabi. Nung bata ako, palagi akong nagsisimbang gabi. Pero madalas, hindi ko nakukumpleto dahil sa palagi akong antukin. Hehehe. Kahit hanggang ngayon naman e. Antukin pa rin ako. Hehehe. Pero simula nung naging active ako sa simbahan, palagi ko nang nakukumpleto ang simbang gabi. Although naroon yung kagustuhan kong makapagwish, para sa akin, naging pasasalamat na yung pagsisimba ko tuwing simbang gabi.

Ngayong paskong ito, malayo ako sa mga minamahal ko. Unang simbang gabi na hindi ko sila kasama. Unang simbang gabi na sobra talagang napakalamig para sa akin. Literally na talagang napakalamig, at napakalamig na malayo ako sa init ng kanilang pagmamahal. Kahit na nasa malayo akong lugar, regular pa rin akong umaattend ng masses. Madalas, ang naaattendan ko ay English mass. Ngayong simbang gabi, first time kong naranasan makaattend ng Tagalog mass ditto. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Tagalog songs, tagalog na homily, tagalog lahat, at syempre kasama mo ang kapwa mo Filipino. Maikukumpara mo talaga ang mga pinoy sa ibang mga lahi. Maipagmamalaki talaga natin ang pagiging pinoy. Sa misa, talagang may halong saya lalo na sa homily. Masayahin kasi tayo. At may narinig pa ako habang lumalabas sa simbahan na sabi daw ng mga indiano, ang koclose daw ng mga pinoy dahil sabay-sabay lumalabas nang siksikan. Hehehe. The best talaga ang pinoy! Sobrang masaya ako na malungkot nung unang mass para sa simbang gabi. Masaya, dahil naramdaman ko na parang nagsisimba lang ako sa Pinas, at malungkot dahil naramdaman ko ang sarili ko na mag-isa. Syempre, physically lang. Dahil sa puso ko, naroon ang mga mahal ko sa buhay.

Napapatunayan ko ngayon ang tunay na kahalagahan ng pasko. Mapamalapit man tayo sa minamahal natin o mapamalayo, kapiling lang natin sila sa ating mga puso. Isa itong panahon na ginugunita natin ang pagsilang ni Hesus. Isang panahon ng pasasalamat lalo na ng mga pamilya. Isa lang ang hiling ko ngayon sa Kanya – Sana dumating na yung panahon na sama-sama ulit kaming magsicelebrate ng mga mahal ko sa buhay ng Kapaskuhan.

Merry Christmas sa inyong lahat! Salamat nang marami sa yo aming mahal na author. Miss na miss ka na naming lahat! Naaalala ko yung simbang gabi last year. Magkakasama tayo kahit thru phone. Hehehe.

God bless us all always! Bowowow. J

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?