Tara na biyahe tayo, tara na subok tayo!
You shall love the Lord, your God, with all your heart, with all your soul and with all your mind. Mt. 22:37
Hello my dear supporters! Kamusta naman ang week niyo? Sana kasing productive at kasing saya rin ng naging week ko, though hindi pa tapos dahil Sunday morning pa lang dito. Marami pang nakapilang activities gaya ng pagsisimba, pagtambay sa Hamilton park, panonood ng basketball, pagtambay ulit sa isang restaurant sa St. George at ang pilgrimage. Whew. In one day lang yan ha. Sa ngayon, I'm busy doing this blog at itutuloy ko pagbalik mamayang hapon.
Ang aking blog for this week ay tungkol sa RISK and THRILL sa buhay. Isa sa mga sinubukan ko this week ay ang pagdrive ng car. Pauwi na kami galing sa pagfishing tapos bigla ko na lang sinabi sa kaibigan naming South African na kung puwede kong idrive iyong kotse nya. Bago ako umupo sa driver's seat 3 beses niyang tinanong, "Are you comfortable?" Walang hesitant na sinagot ko siya ng "Yes, I am comfortable but can you please sit next to me?" (dugo!) Habang nakakalahati na kami galing sa fishing area hanggang sa bahay namin, tinanong nya ako kung may license raw ako sa Pilipinas. Sabi ko naman wala at dito lang ako natuto sa Bermuda. Nagulat siya at sinabi rin nya na nakakabilib daw iyong guts ko. Wahaha. Kunwari konting hiya pero deep inside natutuwa ako. Sa mga librong nababasa ko at sa mga naging experiences ko narealize ko na hindi ko malalaman kung anong kaya kong gawin kung hindi ko susubukan, hindi ko malalaman na hindi pala masarap kung hindi ko titikman. Kagaya rin ng mga pangyayari sa buhay mo. Para sa iyo, malalaman mo bang masarap ang kwek-kwek (itlog ng pugo with coating) kung hindi mo tinikman? Para sa mga PYM, malalaman niyo bang masaya ang grupo na iyan kung hindi kayo nagpapilit na magparecruit sa mga lumang PYM? Malalaman niyo bang marami palang activities ang PYM na ang akala niyo lang ay puro dasal kung hindi kayo sumali? Para naman sa mga nasa ibang bansa kagaya ko, malalaman ba nating kaya pala nating makipagsabayan sa mga ibang lahi kung hindi tayo pumirma ng Employment Contract abroad? Para sa mga nag-aaral, malalaman niyo bang sisiw lang pala ang course na napili niyo (HRM, Nursing, Accountancy, Med. Tech, etc) kung naniwala ka sa nambubuyo sa iyo na mahirap yan kaya iyong madali ang kunin mo? Para sa mga nagtatrabaho, malalaman mo bang ang buhay-empleyado ay masaya rin pala kung hindi ka nagsuot ng magarang damit with matching brown envelope at isa sa mga pumipila for your turn para sa interview? Para sa mga nagmamahal chorba, malalaman mo bang may ngiti ang buhay kung hindi mo sya sinabihan ng "Oo, mahal din kita." Hehehe. At maraming-marami pang iba na nalaman lang natin dahil sinubukan natin. Siguro tatanungin mo ako, pa'no naman Ate Shel kung magfail?, pa'no kung hindi pala masarap? Oks lang iyon, try mo ulit at kung talagang hindi para sa'yo after enough trials saka mo lang tantanan. Para sa akin ang mahalaga sa buhay ay gawin mo kung anong magpapasaya sa'yo at malalaman mo lang iyon kung susubukan mo. Tapos, ang pinakasecret (sssshhh secret yan ha) ko talaga ay Siya ang center ng buhay ko; pinapaupo ko Siya sa tabi ko at hinahayaan ko Siyang magcommand kung kailan tatapakan ang break, kung kailan ako liliko o dapat bang nakaapak lang sa gas para tuloy-tuloy ang biyahe... bow!
Kapag isinuko natin ang lahat kay God, lahat ng biyahe ay makakarating nang maayos sa destination. Tara na biyahe tayo. Tara na subok tayo! Kung anuman ang pinag-iisipan mong gawin ngayon, do it now!
Comments
Hindi pa ako nakapagdrive sa Pinas, nagbisikleta at scooter, oo. :-)
Gusto kong itry, truck naman. haha.