The Treasure Principle
Salamat sa nagcomment (kilala mo na kung sino ka). hehehe. Saktung-sakto kasi gagawa ulit ako ng blog. Nakakadagdag inspirasyon kapag may nagkocomment. Thanks Jenny Arungay.
The Treasure Principle by Randy ALcon... katatapos ko lang basahin kanina. Nakakatuwa kasi related sa Gospel ngayon tungkol kay God as generous. Pinasahod Nya ang mga vineyard workers, mga magkakaibang oras nagsimulang magtrabaho pero pare-pareho ng sinahod kaya sabi ng iba unfair daw. Sabi naman ni God:
"Don't I have the right to do as I please with my money?..."
Sa book naman, ang pinakanakastruck sa akin ay:
"We are the MANAGERS of the assets God has entrusted - NOT GIVEN - to us"
Mayroon akong Accounting teacher na sobrang galing at sobrang tiyaga sa pagtuturo. Magaling din syang mang-encourage ng mga students. After 1 o 2 years nagdecide din syang iwanan ang academe. Hindi ako makapaniwala na pinigilan ko sya at sinabi ko na ipagpatuloy pa rin nya ang pagtuturo. Sabi nya, matagal na raw niyang hinintay na magapagtrabaho sa dream company niya. (sa isip-isip ko siguro nga mas malaki talaga ang kikitain) Ang nasabi ko lang, mas marami po kasing magiging CPA kapag pinagpatuloy niyo ang pagtuturo kaysa sa 1 private company na makikinabang ng talent niyo. (Shiela, ikaw ba yan?) hehehe. Itinanim ko na sa isip ko na babalik ako sa Alma Mater kong iyon at magiging isang dalubhasang Professor with matching big eyeglasses para makapagproduce ng maraming CPAs. Hindi pa nangyayari pero kasama pa rin sa mga goals ko. After few years, isa na sa blogs ko ay tungkol sa mga students ko na nagkakacrush sa akin dahil sobrang galing ko o binabato ako ng crumpled papers dahil walang natututunan sa akin. (ano kaya sa 2?) hehehe.
Ang main point ng book ay sa lahat ng ipinagkaloob sa atin, si God daw ang owner at steward lang tayo. At bilang steward, dapat daw ginagawa natin kung anong gusto ng may-ari. Binibigyan tayo ni God para sa basic needs natin at iyong sobra ay para ipamahagi sa mga nangangailangan.
Parang ganito...
Nay, mukhang ikaw na naman example ko ha. hehehe. Dati, kapag niyaya kasi siya ng mga coteachers nya sa Jollibee, hindi nya kakainin ang binili nya, babalutin ng napkin at ibibigay sa amin ni Mey. Ngaung matatanda na kami, kapag ililibre sya ni Mey sa McDonalds, hihirit pa sya ng 1 meal para sa mga pamangkin ko. At eto pa, kapag nagpapadala ako ng allowance nya dadaan lang sa palad nya dahil nahiram na ni ganito at kung anu-ano pang nakakatuwang reasons gaya ng may naghingi sa simbahan, kailangan ng pambili ng bulaklak, tithe nya, naawa sa nagwawalis ng kalsada, may namalimos sa bahay na in the end ay ubos na ang pera dahil naipamigay na nya. Nanay ko talaga, nakakatuwang steward. Alam niya kung anong responsibility nya bilang steward ni God. Kaya marahil sobrang pinagpala sya ng Diyos na ibinibigay sa kanya ni Lord ang mga pangangailangn nya at higit pa. Hindi nya hinihiling, pinapangarap lang nya pero dahil sa sobrang ginintuan ang puso nya ipinagkakaloob ni God.
Magkaibang nilalang... ang isa ay inuuna ang sarili, ang isa naman ay inuuna ang iba. Doon ako pupusta sa nanay ko, si God naman ang owner kaya alam din Nya kapag ang bank account ni Nay ay magzezero balance na. Gagawa Sya ng paraan para dagdagan iyon dahil alam Niya na ginagawa nya ang responsibilty nya at nagiging instrument para ispread ang blessings.
Mt. 20:16. So will it be: the last will be the first, the first will be last.
Mga kaibigan ko sa iba't-ibang sulok ng mundo, baka puwede niyo na akong bigyan ng mga libro niyo. Please. Ibebless na sa October 4 wala pa iyong mga libro. hehehe.
God gives us more money that we need so we can give - GENEROUSLY.
Bow.
P.S.
Hindi lang sa 4S ang nirerequest na maging generous kayo (pag may extra lang), puwede rin kayong magbigay sa mga parishes niyo o sa mga batang kalye o sa mga foundation at sa lahat ng bagay na puwede niyong ishare ang blessings niyo.
God bless you all

Comments