Comment - Friday after Ash Wednesday
Natutuwa ako kapag naaalala ko palagi yung dating ako sa pamilya ko. Hindi kasi ako expressive dati sa pagsasabi ng "Sorry" o kaya "I love you" pagdating sa pamilya ko. Alam ni God kung gaano ko kamahal ang family ko. Hindi lang talaga ako expressive at showy noon. Palaging indirect kung ipaparamdam ko na mahal ko sila. Halimbawa, sa pagiging honor dati noong bata ako, at sa pagkakaroon ng matataas na grades. Although tama naman yun pero iba pa rin kapag directly nating sinasabi na mahal natin sila.
Meron akong pangalawang family na sobrang malapit sa puso ko. Marami akong natutunan sa kanila. Naroon yung sinasabihan palagi ng "I love you" at kinikiss yung nanay nila at sobrang showy sila sa kanilang pamilya. Natutuhan ko sa kanila na kailangang maging showy at expressive pagdating sa pagmamahal natin sa ating pamilya. Minsan kasi, dahil palagi natin silang kasama, akala natin okay na yun. Pero iba pa rin kapag maririnig nila at maipapakita natin kung gaano natin sila kamahal. Ngayon, wala na akong pakundangan kapag sinasabi ko sa lahat ng mahal ko sa buhay, na namimiss ko sila at mahal ko sila. At lalo rin namang tunay na masarap sa pakiramdam kapag sinasabihan ka nila ng "ako rin". Hehehe. Kaya kung ako sa inyo, itatry ko na gawin ito. Dahil tunay na kaligayahan ang ating mararamdaman.
Bowowow.
Miss na miss ka na naming lahat mahal naming author. At mahal ka namin palagi sa kabutihang ibinibigay mo sa lahat.
God bless us always. J
Comments