Comment - Monday of the First Week of Lent

Tama ka mahal naming author, sa maliliit na bagay, pwede nating mapangalagaan ang ating relasyon sa Panginoon. Sa pamamagitan ng maliliit nating pagmamahal din sa kapuwa natin pwede nating mapatunayan ang ating sincerity sa pagmamahal natin kay God. May naalala na naman akong quote na nabasa ko pero yung thought lang yung tumanim sa akin kaya yung thought na lang din ang ishashare ko ha. Sabi doon, parang ganito yung pagkakaintindi ko, ihahalintulad ko sa pagbibigay ng regalo. Hindi mahalaga kung gaano kaexpensive yung gift na ibibigay mo. Ang mahalaga ay kung gaano kaexpensive yung time and effort na ibinigay mo para mabili kahit yung pinakamurang gift. Ibig sabihin, gaano man kaliliit yung mga bagay na ginagawa natin, kapag bukal naman sa ating mga puso ang pagmamahal sa ating kapwa, sobrang napakalaki nito sa mga mata ng ating Panginoon.
Isa sa pinakamaganda kong gustong tularan at sobrang hinahangaan ko talaga nang buong puso ay yung isang taong napakamalapit sa akin. Gusto nya na tumulong sa mga nangangailangan palagi. Nature kasi nya yung pagiging mabait at matulungin. Kilalang-kilala sya sa pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ditto. At mahal na mahal sya ng Panginoon dahil sa lahat ng mga kanyang ginagawa sa kanyang kapwa. Alam nyo ba kung bakit ko sya sobrang hinahangaan at gustong tularan? Dahil sobrang napakamaliliit na bagay lang yung kanyang ginagawa. Pero dahil sobrang marami na syang natulungan kahit na sa maliliit na paraan, sobrang ang laki-laki na ng balik sa kanya ng kanyang pagtulong. At yun ay ang respeto at pagmamahal ng kanyang kapwa sa kanya.

Mayroon din akong kakilala na gustong magtayo ng isang foundation na tutulong sa para sa mga estudyanteng may potensyal ngunit hindi makapag-aral dahil sa kagipitan. Hindi pa man ito naitatayo, marami nang nagmamahal sa kanya dahil sinimulan niya ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng oras para turuan sila sa kanilang lessons. Kapag ang isang kaibigan ay may problema, nariyan sya palagi para making at magbigay ng payo. Ang kanyang pagshishare ng sarili every week sa pamamagitan ng isang counseling ay isa ring maliiit na bagay pero nakakatulong nang tunay sa kanyang maliliit na kapwa.

Kaya ba natin iyon? Aba syempre. Kayang-kaya nating maging mabuti at matulungin sa pamamagitan ng kahit na maliliit na bagay. Hindi lang sa pamamagitan ng pera ha. Sa maraming maraming paraan ay magagawa nating magbahagi ng sarili sa ating mga kapwa.

Bowowow.

Author naming mahal na mahal. Ikaw rin ha. Saludo kami sa iyo sa paggawa mo ng mga nakakatouch mong mga blogs. Hehehe. At sa maraming marami pang ibang mga bagay.
God bless us always. J

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?