Happy 30th Birthday Kuya Ryan!

"Just as Moses lifted up the serpent in the desert, so must the Son of Man be lifted up, so that everyone who believes in him may have eternal life."

Hello bloggers! Para sa week na ito, medyo nahirapan akong i-link ang item ko sa pagbasa ngayon. Tapos, bigla kong naisip iyong ginawa ni Memey sa assignment niya at connected don ay… (basahin nang malaman)




March 22, 1979 nang ipinanganak ang Kuya Ryan kong pogi. Kaya ngayong araw ay 30 na siya. Wow. Dapat maraming handa iyon kasi 30 na. Dahil sa recession blog ang kapalit ng maraming handa. Hehehe. Siya ang pangatlo sa aming magkakapatid. Napangasawa niya si Ate Bam at si Shing naman ang naging bunga. Mabait at maaasahang Kuya! Ang kakaiba lang sa ugali niya ay iyong pagiging isip-bata. Sobra kasing nabunso nina Tatay at Nanay kaya hanggang ngayon feeling niya bata pa rin siya. Naaalala ko nong nagkaproblema siya, ang ginawa lang niya ay umiyak nang umiyak. Kami pa ang nagsabi sa Nanay ko ng problema niya. Tinawanan nga lang namin ang problema at kami na rin ang nagsolve. Hehehe.

Kakaiba ang pananaw niya sa buhay dati. Hindi masyadong nagboom ang career niya as Computer Scientist kaya sa iba’t-ibang pabrika nakapagtrabaho. Si God ang no. 1 sa buhay niya kaya I think ninais talaga ng Diyos na maging ganoon ang career niya kasi nagkaroon siya ng pagkakataon para lalong mapalapit sa Panginoon. Ibinuhos niya ang oras niya sa pagsisilbi sa Panginoon habang wala pang trabaho. Naimpluwensyahan din Niya ang mga kabarkada niya sa pagsisimba. Parang si Moses at si Jesus si Kuya na talaga namang tinitingala ng mga barkada niya. Makikita mo ang barkada nilang sama-samang nagsisimba. Hanggang ngayon ay dala-dala na ni Kuya ng pagiging religious niya. Hindi ko inanaasahan na siya ay makakabuo ng sarili niyang BEC group. Sa ngayon 2 pa lang sila ni JR pero naniniwala ako na darating ang panahon na mahihikayat niya na rin ang iba pa niyang tropa. Through this group lalo niyang maitataas ang Panginoon. bow


Another connection pero literal (thanks sa assignment ni Mey). Isa pa sa gig ni Kuya nong PYM days niya ay ang sumali sa mga play. Nakakasurprise diba na 3 kami nina Memey na kasama sa PYM officers pero siya ang sumasali sa teatro. Mayroon na may ginanapan siyang sobrang nakakaiyak. Mayroon namang ginaya niya si Poncio Pilato. Ginaya rin sa Jony at ang pinakagusto ko ay ang paggaya niya kay San Isidro. Iyong sinasabi kong literal kasi mayroon sa play na binuhat niya ang asawa niya. During the play, touch na touch ang mga tao tapos biglang magtatawanan kasi nga bubuhatin si Casey. I’d like to reminisce those days. Nakakamiss talaga.



Kuya Ryan, happy happy birthday! Salamat sa palagi mong pag-alala sa akin. Kung alam mo lang how much I pray para magkasama na tayo. My loved ones, ilang tulog na lang matutulog na ulit.
Points to ponder: Anu-ano ang puwede nating gawin para maitaas ang Panginoon?
Hanggang sa muli. Attend kayo sa mga lenten activities.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?