Wednesday of the First Week in Lent

Gospel
Lk 11:29-32

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them,
"This generation is an evil generation;
it seeks a sign, but no sign will be given it,
except the sign of Jonah.
Just as Jonah became a sign to the Ninevites,
so will the Son of Man be to this generation.
At the judgment
the queen of the south will rise with the men of this generation
and she will condemn them,
because she came from the ends of the earth
to hear the wisdom of Solomon,
and there is something greater than Solomon here.
At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation
and condemn it,
because at the preaching of Jonah they repented,
and there is something greater than Jonah here."

Signs… Magarang damit, naggagandahang alahas, makinis na kutis at marami pang iba; ito ang mga signs kapag mayaman ang isang tao. Kadarating ko lang noong araw na iyon galing sa dalawang araw na biyahe. Ang damit ko lang na pagpipilian ay mainit na long sleeve (medyo malamig kasi sa airplane) at t-shirt na kupas. Siyempre, iyong t-shirt ang pinili ko dahil hindi naman kalamigan ang klima noon sa Pinas. Masaya kaming lahat na namili sa SM. Nang magbabayad na ako gamit ang credit card, bigla akong hinanapan ng international I.D. Dahil wala naman akong maipakita, napilitan tuloy akong magbayad ng cash. Nagjoke ang nanay ko sa cashier, “Galing sa ibang bansa iyan, hindi lang halata.” Naisip ko na kung nakaporma ako na parang mayaman baka dali-dali niyang kinaskas ang card ko. Nakakalungkot na kapareho rin sa pang-araw-araw na buhay, minsan bago tayo tumulong sa kapuwa natin titignan muna naitn kung kapamilya o kamag-anak ba at kapag hindi related sa atin binabalewala na natin. Let’s not wait for the signs. Start helping anybody now.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?