Ang pangalawang pamilya ni Shiela

Hello bloggers! Malapit na akong umuwi. yahoo. matagal ko ring hindi mabibisita itong blog ko kaya mamimiss ko kayo. Eto pala iyong huli kong ginawa. Sila ang aking pangalawang pamilya. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naging tagasunod ni Lord.

God bless you all!


Nagsimula ang lahat sa isang seminar na binansagang Pintig sa panahon ni Fr. Orly. Ewan ko ba kung bakit kami ang dumalo. Dahil siguro active ang mga nanay namin sa simbahan kaya napilitan kaming pumunta nina Emma, Kuya Ryan, Chat at Memey. (Hindi talaga ako sigurado kung nakasama sina Chat and Memey) Tapos, bigla na lang na nagmimeeting na kami linggo-linggo. Bawat meeting ay may pakulo kami. Ang isang naaalala ko ay iyong period, comma, semi colon at exclamation na activity. Nakapagrecruit kami ng maraming bata at kabataan. Palaging ganoon, nagmimeeting at talaga namang napakasaya nang biglang sinabihan kami ng isang leader ng youth group din na hindi raw kami dapat humahawak ng grupo. Kami raw ang nataguriang CORE kaya sakop daw namin ang lahat ng youth at hindi lang dapat magconcentrate sa maliit na grupo.

Kaya nagkahiwalay-hiwalay kami pansamantala. Para kaming mga tupang pinaglayu-layo. Mabuti na lang at nagsama-sama kaming muli. Sa aming muling pagbabalik lalo kaming tumibay sa pangunguna ni Emma at lalo na nang dumating si Fr. Jayson (dumating din si Fr. Rolly “Bitoy”). Napakasaya dahil magkakabarkada rin kami kaya ang gaan-gaan magtrabaho. Habang naglilingkod sa Panginoon, nageenjoy kaming lahat. Hinubog ni Fr. Jayson ang talento ng bawat kabataan lalo pa’t nang magkaroon ng theatre workshop. Natouch ng bawat nagsiganap ang puso ng mga parishioners sa Huling Pitong Wika na pinangunahan nina Tiyo Rey at Suzanne. Halos gabi-gabi ang practice at meeting namin. May mga instances nga na napagkakamalan kaming “pasaway na tambay” dahil tumatambay kami sa labas ng bahay. Kapag nakita na nilang kami iyon, ngingiti lang sila at sasabihin na “kayo pala.” Makalipas lang ang ilang buwan pagkatapos ng Holy week, napagkasunduan naming magkaroon ng variety show na ipapalabas para sa Fiesta. Naappreciate ng lahat ng nanood ang ginawa namin. Salamat kay Minda sa pagtulong sa choreography lalo na ng kantang “Thank you for the music.” Lalo pang naging abala ang mga kabataan sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte. Dahil love na love naman kami ni Padre, palagi kaming may swimming pagkatapos ng every big event.

Iyan ang aming mga first steps – Pintig, unang Huling Pitong Wika, unang variety show, unang Buhay ni San Isidro, unang barkada, unang grupo ng kabataan, unang swimming… Nagpatuloy ang lahat ng nakagawian namin hanggang sa pag-upo ni Fr. Luke, Fr. Mike at ngayon nga ng bagong pari. Hindi matatawaran ang ang naitulong ni Fr. Luke sa paghubog ng spiritual life namin. Kaya bukod sa mga social activites nahaluan din kami ng spiritual development na talaga namang mas kaaya-aya.

Nang mag-asawa na si Emma, akala ko katapusan na rin namin. Nawala rin kasi ako pansamantala dahil nagconcentrate ako sa pag-aaral. Mabuti na lang at nagshine ang tropa ni Hilda at naging presidente nga si Bilog habang si Emma naman ang tagapayo. Kahit hindi ako active sa simbahan, nagtuloy-tuloy naman ang aming BEC kasama ang coolethz. Nagbalik lang ulit ako sa paglilingkod noong nagkaroon ng PREX Seminar at isa si Tito sa mga kabatch ko. Sino ba namang mag-aakala na si Tito pala ang tinawag para maging presidente ng PYM sa loob ng mahabang panahon matapos naming pagsanibin ang BEC coolethz at Hilda’s troop.

Nagpapasalamat din kami sa mga naging adviser namin na sina Kuya Arthur at Nanay Precy. Sa ngayon ay si Tiyo Rey na ang aming matiyagang adviser na nakakaintindi sa trip ng PYM.

Hindi kumpleto ang kasaysayan na ito kapag hindi nabanggit ang ibang youth na dumapo sa PYM. Isa na dyan ay ang tropa ni Joel. Sobrang maaasahan ang grupong ito at talaga nga namang namiss namin nang nagbakasyon sila. Naging part din ng PYM sina Jelyn, Analyn. Sheryl, Joy B., Joy O., at Tin-tin. Sila ang aming guest performers sa unang variety show at sa iba pang variety shows lalo na ang Ong sisters. Siyempre suportado rin ang aking mga pinsang sina Kulit, JR, Eng-eng, Totoy, Delat, Pido at Cat-cat. Sila naman ang aking tinatawag kapag may bubuhating upuan pangharang sa mga tao. Sino ba namang hindi makakaalala kay Kuya Fred na siyang tagaayos ng sound system at palagi naming kinanakatok kapag tapos na kaming magpractice para magsara ng gate ng simbahan.


Nakakatuwa talagang balikan ang nakaraan. Dahil sa mga taong ito kaya patuloy na nakakapaglingkod ang mga kabataan ng Parish Youth MInistry.

Maraming-maraming salamat sa inyong lahat!

Samahan niyo akong kilalanin ang PYM noon, ngayon at bukas.











Youth Night - Back to School














Variety show preparation







PYM with Fr. Mike











Youth Formation









Laguna swimming with Conrad










PYM Carollers















Youth jamboree with Fr. Jayson










***PYM143***



***PYM143***



***PYM143***













Crichelle Acedera

2007 ng pumasok si Chel sa PYM. Isa sa Bomboyz. Makulit, mabait, mapagkakatiwalaan, masarap kasama kasi tawa ng tawa. Kapag may activity sa court ang PYM siguradong kasali siya sa sayawan. Galing kasi niya gumiling. Magaling din siya kumanta. Siya iyong pinaka-talented sa mga Bomboyz. Siya rin iyong nag-drums noong Viva Sto. Nino. Isa siyang member ng Creative Liturgy.















Barbie Alfonso

Sa kabila ng kaabalahan nagkaroon ng chance na makapasok sa PYM noong Nov. 2007. Mabait, sweet, thoughtful at higit sa lahat sobrang jolly. Makikita din ang suporta niya sa mga event ng PYM. Sumasayaw at kumakanta. Nag-host na rin siya sa isang malaking event ng PYM ang saRAP ng Pag-ibig. Siya ay kabilng sa Social Action Committee.


















Mark Angelo Drio Bartolome

Kilala siya bilang “Kuya Mc” o “Mc2x”. Tahimik, magaling makisama sa katunayan marami siyan kaibigan sa PYM mapabago o maging sa mga old PYM. Pagdating sa mga activities ng PYM kahit na may trabaho siya pinipilit niyang magkaroon ng participation. Minsan nga siya ang nagsisilbing choreographer sa mga dance number ng PYM. Gumanap na rin siyang Jose sa Panuluyan. Kabilang siya sa Social Action Committee.

















Elisa Orosco Bognot

Madalas naming siyang ka-kwentuhan tuwing nakatambay kami bilang “bonding” ng barkada. Naisip namin siyang isama sa mga gawain ng PYM hanggat sa naging isa sa mga miyembro ng PYM Dahil sa kanyang kagustuhang makatulong sa kanyang pamilya, siya ay nagtrabaho. Maaaliw ka sa tuwing kausap mo siya. Mapapagaan niya ang loob mo. Hindi man siya ganon katagal naging aktibong miyembro ng PYM, nakakasama pa rin namin siya hanggang ngayon.

















Neil Boncato

Isa sa napaka-talentadong miyembro ng PYM. Tahimik pero makikita mo na maraming alam. Hindi rin siya mahilig makisalamuha. Artist, drummer ng PYM sa mga variety show at higit sa lahat ang utak sa website ng PYM. Isa sa maituturing na napakalaking kontribusyon niya sa ministry. Hinding-hindi ko makakalimutan iyong nagkaroon siya ng kaaway. Sa sobrang pag-aalala namin sa kanya tumawag pa kami ng rescue and the rest is history at doon nagsimula iyong 40 katao. Hanggang ngayon kapag naaalala ko iyon hindi ko maiwasang mapangiti. Neil, peace. Siya ay miyembro ng Documentation Committee.


















Catherine Caballero

Naging miyembro ng PYM noong November 2007. Mabait, marunong makisama at maunawain. Mahilig siyang magbigay ng opinyon at tulong kung kinakailangan at kapag may oras. Natuto na rin siyang humarap sa maraming tao dahil sa pagganap niya sa Seventh Heaven.

















Alvin Tiong Caminong

Nagsimula si Alvin sa Parish Youth Ministry (PYM) sa pagsali sa mga sumasayaw sa Variety Show ng PYM. Nasama sa aming grupo na pinangalanang “Cooleth’z”. Inupuan kami ng BEC sa pamumuno ni Ate Cielah Cancino. Dahil dito, mas lumalim pa ang aming pagsasamahan bilang magkakaibigan. Nakilala namin ang mga ugali ng bawat isa at nang lumaon nagturingan na parang tunay na magkakapatid. Makikita kay Alvin ang determinasyon sa lahat ng bagay – sa kanyang pag-aaral at sa pagiging miyembro ng PYM at pagiging head ng Creative Liturgy Committee. Marami siyang pangarap sa buhay tulad ng maraming kabataan. Kahit na ganon ka-busy sa school, he makes sure na may time pa rin siya sa PYM. Ganyan siya ka-active sa PYM.

















Guilbert Ryan M. Cancino

He was the partner in crime of Emma. As her Vice President, Ryan wasn’t that dependable in terms of leadership but, when things got to fall apart, he’s always to the rescue with his gang. He’s the Kuya of the group and boys used to look up to him so much. He’s very versatile. Like Emma, who used her directing prowess, Ryan was one of our best actors. He impersonated
Fr. Orly, San Isidro Labrador, Jony, Pontious Pilate and many more. He was a tough guy, tall, dark and handsome but has a very soft heart when it comes to serving God. Very touching sharing was always expected from him during our BECs.



















Mary Grace M. Cancino

Si May ay isa sa mga nagpasimula ng PYM. Naaalaala ko ang dating record book ng PYM na lagi niyang dala-dala sa meeting dahil sya nga ang Secretary ng PYM sa mga panahong iyon. Siya rin ang tagagawa ng mga reflection para sa play katulong ang nanay ko at siya na rin ang tagabasa kaya naman lalong naiiyak ang mga tao dahil nakakadala ang boses niya. Gumanap din siyang Mama Mary at si Jun naman ang naging Jose. Buong-buo pa sa isip ko ang ginawa niyang PYM mail box, kung saan naipaparating namin ang aming mga secret messages sa kapuwa namin PYM. Sobrang talented at creative si May kaya naman malaki ang naging bahagi niya sa PYM. Sa ngayon, kahit hindi na aktibong member si Memey, palagi pa rin siyang nakasuporta sa mga activities ng PYM.













Maria Shiela M. Cancino

Ako ito. Simple lang pero matinik. Palaging nasa likod ng stage pero nag-iisip. Mabait ako pero kapag nagalit siguradong ika'y manliliit lalo na kapag may itutuwid ako sa PYM. Hindi niyo siguro makakalimutan ang mukha ko sa tuwing BEC. Kasi palagi ko ring naaalala mga mukha niyo. Kung ano ang nakikita ko sa mukha niyo, iyon ang nagrereflect sa akin. Lastly, isang pangarap na aking palaging ipapaalala ay ang tuloy-tuloy na PYM hanggang sa mga kaapu-apuhan natin.

















Raymond Pana Capuz

Naging miyembro ng PYM noong Nov. 2007. Maaasahan sa mga gawain at makikitaan ng potensyal na maging mahusay na lider. Gumanap na rin siyang Jose sa panuluyan at Juan Bautista. Active sa mga activities ng Diocese. Sa katunayan, miyembro siya ng Spiritual Committe sa Diocese. Umattend din siya ng Paralitaw, three days workshop. Sa kasalukuyan, siya ang Assistant ng Spiritual Committee sa PYM.
















Rachel Clapis

Matagal na niyang gustong sumali ng PYM ngunit hindi niya alam kung paano. Noong Nov. 2007, nagkaroon siya ng chance kaya hindi na siya nagdalawang-isip na sumama.
Sulat dito… sulat doon… at laging pakikinig ang inaatupag…’yan si Che tuwing kami ay nasa meeting. Maganda, tahimik, mapagbiro at masipag. Hindi siya mahirap pakisamahan. Isa siyang aktibong miyembro ng Documentation Committee.




















Casey Lann C. Creencia

Siya ang original na alaga. Alaga? Alagain kasi ang ugali niya nong nagsisimula pa lang siya. Masyado siyang papansin na ang bilis ding magchange ng moods. Style lang pala niya iyon para maging close sa mga kaibigan nya. The other side of her naman is very excellent. Nakakabilib ang leadership skills niya na talaga namang sinusunod ng lahat. Kapag siya ang nagbantay sa gate siguradong mapapaaway. Siya rin ang naging tagagawa ng lahat lalo na nong umalis ako. Tagaprint, tagaphotocopy, tagadikit at lahat ng iba pang taga. Ang isa naman sa mga hindi ko makakalimutang ginawa niya ay nang magcostume sya as Jang-geum. Ganoon siya kadevoted sa PYM, gagawin niya ang lahat mapasaya lang kami. Siya ay chairman ng Social Committee.


















Chazell Joy C. Creencia

July 2006 ng maging PYM si Cheng. Mabait, maaasahan at makikitaan ng kooperasyon sa mga activities ng PYM. Sa halos dalawang taon niya sa ministry makikita mo iyong dedikasyon niyang magligkod kay God. Aktibo din siya sa mga event. Ganado sumayaw. Manang-mana sa Ate Kissey. Ilang beses na rin siyang gumanap sa mga play. Siya ay kabilang sa Creative Liturgy.




















Juner Torrejos Creencia

Naging miyembro ng PYM noong May 2003. Mahilig magpatawa yan kahit corny na pero nakakatuwa pa rin siya dahil sa kanyang mukha(joke).,pero hindi ka niya gugutumin dahil siyang manlibre. Si Dok habang tumatanda lalong bumabait pero minsan tinotopak. Pero hindi niya pinapabayaan ang PYM kahit hindi niya trabaho ginagawa pa rin niya para sa ikagaganda ng PYM. Da best talaga si Dok! Sa tagal ng pananatili niya sa PYM sobrang dami na ng naibahagi niya baka kulangin ang isang buong papel para ilagay ang lahat ng iyon. Isa ang siguradong-sigurado ko na sobrang laking contribution niya ay ang pag-oorganize niya ng mga events ng PYM. Although event iyon ng buong ministry pero halos lahat siya ang kumikilos. Hindi kasi siya mahilig mag-utos. Minsan or madalas feeling niya siya superwoman siya. Isa siya sa maituturing na haligi ng Parish Youth Ministry. Sa ngayon siya ang aming masigasig na Coordinator.
















Jazmine Grace Crisologo

Isa rin sa mga Bomboyz at kilala sa tawag na “Garah”. Mabait, makulit at maaasahan din. Cute siya kapag nakangiti, medyo singkit. Sobrang kulit tumawa. Natatandaan ko noong Seventh Heaven kaeksena ko siya dun. Ako iyong pumapalo sa kanya ng paddle. Lagi kaming pinapagalitan kasi hindi maganda iyong performance. Pero noong judgement day na, ang galing niya, sobra. Kabilang siya sa Human Development.

















Arcee Crisostomo

Nov. 2007 ng nagsimulang pumasok sa PYM. Masayahin,masipag at chubby. Isa sa nagturo ng voice lesson sa grupo noong nagpapraktis para sa karoling ng PYM. Ilang beses na rin siyang umarte sa entablado tulad na lang ng isang batang mentally retarded noong Semana Santa at nanay sa Seventh Heaven. Member siya ng Documentation Committee.




















Jasmin Dela Cruz

Mas kilala sa tawag na “Menggay”. Siya iyong pasimuno at nakaisip na sumali kami sa PYM noong 2007. Sobrang bait, understanding, magaling magpayo, mapagmahal pero sobra kung magalit. Sabi nga nila, “Small but terrible.” Natatandaan ko noong Christmas Party ng PYM last 2007, per BEC iyong sayawan. Todo praktis kami, doon ko din siya unang nakitang sumayaw. Kahit medyo hirap na siya sa steps pinilit pa rin niyang kayanin para sa BEC namin. Nakakabilib din siya noong Seventh Heaven kahit sobrang haba ng script niya nakabisado niya. Kahit nabubulol na siya, go pa rin siya. Member siya ng Human Development.
















Emma Ruth V. Degocena

Si Emma ang isa sa mga founding members ng PYM. She was the most active and dedicated member who gave everything, from her talents, skills and passion to serving God. She used to be a member of a theater group who also shared the desire to serve both the parish and the community. And the learnings she got from her ate’s and kuya’s in the group made her closer to the newbies who also had the same passion. She was a very effective leader. Though very strict, she managed to befriend all of us and develop our then hidden talents. We had an innovative way of reaching to the youth back then. Through acting workshops and performances, we made people cry, reflect and touch their hearts as God touched and healed ours. Her directing skills were exceptional. It was her who first used the “pampukpok” method queuing the actors and readying them for the act. She is now missed by everyone especially her batchmates.




















Eshelle Chat V. Degocena

She was the shy girl of the group, but her dedication to service was an open fact. She used to work hand in hand with Shiela in all the technical aspects of the activities we had. She was the opposite of her sister, Emma being extrovert, but also leveled in the same passion, which is their desire to inspire other youth and encourage them to know God better. Hindi ko makakalimutan nang muntik na siyang maiyak kasi hindi tumunog iyong master tape ng 7 Last Words.
Sobra talaga ang dedication niya sa PYM.
















Melanie Melo Dominguez

Mahaba na ang pinagsamahan namin ni Apol mula pagkabata hanggang sa ngayon. Para na nga kaming tunay magkakapatid at kabahagi ng kanyang pamilya. Nagsimula siya sa paglilingkod bilang isa sa mga Junior Lector and Commentator’s Guild (JLCG) a choir ng Children’s Mass nong si Fr. Jason pa ang aming parish priest. Nang lumaon ay naging isa sa mga miyembro ng PYM bilang isa sa mga umaarte tuwing may ginagawang play tuwing Mahal na Araw at kasama naming sumasayaw sa aming Variety Show. Hanggang ngayon kahit hindi na siya aktibong miyembro, parati pa rin siyang handang tumulong sa ministri sa lahat ng pagkakataon.


















Amar Escoto

June 2007 nang siya ay maging miyembro ng PYM. Si Emar ang Pintasera ng PYM grabe to the max yan mamintas, manliliit ka sa kahihiyan at super madaldal yan kapag may meeting. Kapag hindi mo nga siya kilala nang lubos maiinis ka sa kanya na parang gusto mo siyang awayin. On other side, masipag naman si Emar sa PYM lalo na kapag may activity nandoon siya lagi at puwede mo siyang ilagay kahit saan basta hindi makakasira sa career niya. Siya ay tinagurian ding Marianne at na-justify naman niya iyon kasi napakagaling niya talaga sumayaw. Mahusay din siyang artista. Sa katunayan umarte na siya sa isang play na ipinalabas sa Vicariate. To the highest level ang drama ng batang ito. Siya ay kabilang sa Creative Liturgy.



















Jomar Escoto

November 2007 noong pumasok siya sa PYM. Si Mcdo ang muse ng PYM…hehe(joke). Masaya kasama lalo na kapag maraming tao palong palo siya. May pagka-mataray din lalo na kapag may meeting ang PYM or practice naiirita siya kapag walang nakikinig. At maasahan din siya sa mga activity ng PYM. Naaala ko nga noong unang pasok niya sa PYM napaka-mahiyain niya pati sa BEC. Nahihiya siyang mag-share pero ngayon palong-palo na magshare kahit wala sa topic iyong pinag-uusapan pero at least nagsha-share sya. Isa rin sa mga dancers ng PYM. Nakita na rin siyang umarte sa gitna ng entablado.Sa ngayon, siya ay miyembro ng Human Development.











Lorena Cabidoy - Laylay

God is so good that He makes use our abilities not just to praise and give thanks to him but to motivate others as well. This He did with Lorena, who was the singer of the group. Nakasama rin namin si Lorein sa BEC at inuman. Ang paborito niyang kantahin ay Love is sweeter the second time around at If I'm not in love with you. Magaling din siyang actress. Sobrang talented.




















Mark Angelo Santiago Linsangan

Si Elo ay isa sa maituturing na heartthrob ng PYM. Mahiyain kung minsan, marunong makisama at madaling lapitan. Marami na rin siyang naibahagi sa PYM tulad na lang ng pag-arte sa mga play ng PYM bilang Isidro, pagkanta at pagtugtog sa mga variety show. Naaalala ko pa iyong biro niya niya noong unang tumugtog sila, simula na daw ng pagsikat niya. Makikitaan din siya ng kooperasyon sa mga activities ng PYM. Sa kasalukuyan, siya ang Head ng Finance Committee.















Miekko Magundayao

November 2007 pumasok sa PYM si Maiko. Masayahin, makulit at marunong makisama, sobrang saya kasama. Nakatulong ang PYM para mag-grow siya. Nawala ang pagiging mahiyain niya. Natuto siyang humarap sa maraming tao. Naaalala ko pa nga noong gumanap siya na Angel Gabriel sa panuluyan. First time niya iyon, hindi man perfect at least nakapag-deliver siya ng lines niya. Creative Liturgy member siya.



















Jennifer Rae Corbadura MaƱibo

Si Bok o Bokie as we fondly called her ay isa sa mga maituturing na nagpasimula ng PYM. Bata pa lang siya nong mga panahong iyon pero sobrang aktibo na siya sa mga activities tulad ng Block Rosary tuwing Linggo, BEC at higit sa lahat sa mga play. Kapag nasa harap na siya ng entablado at umaarte mararamdaman mo talaga iyong karakter niya at sinseridad. Tatagos talaga sa puso mo. Sobrang galing din niyang magdasal kapag nagdasal siya para bang nakapaloob na doon lahat-lahat ang gusto mong sabihin. At siyempre ang pagiging Master of Ceremony niya sa mga event . Napakahusay ni Bok mag-host. Magaling siyang magdala ng programme at buhay na buhay kung magsalita. Marami na siyang contribution sa PYM. Minsan nga mas inuuna pa niya ang mga activities ng PYM kaysa sa mas mahahalagang bagay sa buhay niya. Halos malaking bahagi ng buhay niya umiikot sa PYM. Ganun niya kamahal ang PYM. Hinding-hindi talaga matatawaran ang dedikasyon niya sa PYM. Sa ngayon, siya ang Assistant Coordinator ng PYM at patuloy niya ibinabahagi ang kanyang
3T’s (Time, Talent, Treasure) para sa PYM.






















Renie Rod Lagamson Nunga

Matagal na ring nagbabahagi ng kanyang sarili si Tutoy. Masipag at maaasahan. Nakakatuwa siya kapag nagsasalita kasi ang laki ng boses niya. Gumanap na siyang Kristo sa play ng Semana Santa. Maraming beses na rin siyang nag-perform sa mga variety show ng PYM. Hindi ko makakalimutan sa kanya iyong nag-beat box siya sa isang event kasi ang cute niyang tingnan at in fairness, ang galing niya. Siya ay kabilang sa Finance Committee.

















Ednor Torrefranca Oballes

Nagsimula sa PYM noong 2002. Si Ednor ay isang mataray na tao hindi lang halata. Siya talaga ang laging nakikipaglaban sa bawat problema ng grupo. Isa siyang responsableng lider ng PYM. Marami na rin siyang contribution sa PYM lalo na sa Spiritual na aspeto ng PYM. Si Enong ang isa sa mga Enong Apple Pie Team. Bata pa lang siya alam kong magiging effective leader siya. Siya ang isa sa mga BEC leaders na naging productive. Teacher Enong ng Carnation gang!






















Edry Anne Torrefranca Oballes

July 2006 ng maging miyembro ng PYM si Annie. Magaling makisalamuha, minsan patawa at makulit. Kapag may pinapagawa sa kanya lagi niyang sinasabi, “ala, bakit ako?” pero ginagawa naman niya. Maraming beses na rin siyang umarte sa gitna ng entablado at ang isa sa hindi ko makakalimutan ay ang pagganap niya bilang Maria. Manang-mana sa Ate Enong niya at hindi ako magtataka kung mahawaan ang mga susunod pang kapatid. Siya ay aktibong miyembro ng Creative Liturgy.
















Marilyn Arcilla Osabel
Nagsimulang maglingkod sa PYM taong 2000. Siya ay isa sa mga responsableng lider kabataan at isa din sa tinatawag na “palo”. Tahimik lang pero once na nagsalita tatamaan ka talaga.
Matagal na niyang ibinabahagi ang kanyang oras at panahon sa ministry. Kapag kulang ng mga aarte sa play maaasahan mo ang presensiya niya.
Siya ay kabilang sa Documentation Committee.





















Jollysel Picana

Naging miyembro si Jolly ng PYM noong November 2007. Tahimik , pero sobrang kalog din pala. Madaling pakisamahan, friendly. Madali syang pagkatiwalaan. She’s one of my shoulders to cry on. Isa sa nakikitaan kong may potensyal para maging second liner ng PYM. I really admire her dedication with the ministry. Maraming beses ko na ring nakita ang kanyang husay sa pag-arte. Isa din siya sa singer ng PYM kapag may mga event. Aktibong miyembro ng Spiritual Development.





















Jayson SeƱores Quintana

Si Jayson Senores Quintana sa sobrang tagal na naming magkasama hindi ko na matandaan kung kailan siya nagsimula sa PYM. Medyo may pagkamayabang siya kasi naman napaka-talented na tao. Magaling kumanta, marunong sumayaw pati pag-acting ay career din niya kulang na lang kumain siya ng bubog. Walang activities, variety show na hindi siya nag-share ng nalalaman niya. Isa din siya sa pinakamasipag, mula sa pagiging Coordinator, lider ng Choir, Vice-President ng PYM at marami pang iba. As in to the highest level (Palong-palo talaga!) Hanggang ngayon kahit medyo busy sa kanyang trabaho, ginagampanan pa rin ang tungkulin bilang Asst. ng Human Development. Ssa munting paraan, malaki ang naitulong niya para mas mapatatag pa ang Parish Youth Ministry.




















Jinkie Reyes

June 2006 nang maging miyembro ng PYM si Jinkz. Mabait, maaasahan at masipag na miyembro. Makikitaan mo din siya ng kooperasyon sa mga event. Minsan naiinis siya kapag hindi siya nakaka-attend sa PYM dahil na rin sa trabaho niya. Isa din siya sa mga dancers ng PYM. At in fairness, magaling siyang sumayaw. Ilang beses na rin siyang umarte sa mga play. Siya ay miyembro ng Spiritual Development.





















Hilda Villarin Samoranos

Hmmm…akala ko magiging madali sakin na gawan ng autobiography si Ate Hilda. Pa'no ba naman isa siya sa mga pinakaclose at Ate ko sa PYM. Pero hindi pala! Masyadong marami akong gustong isulat pero hindi ko maumpishan. Haaay…
Sa pagkakaalala ko isa sya sa pinakaunang batch sa PYM, meron din silang sariling grupo noon - ang HRS. Close na kasi sila ni ate Ciel so hindi na kami nahirapang pagsanibin ang aming mga pwersa. Si Ate Hilda, super seryoso siya kaya medyo ilag ako sa kanya nong umpisa pero may paraan nga ang Diyos para ilapit tayo sa mga dapat nating mahalin. Hindi ko namamalayan na isa na rin siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Alam nyo may kakaibang power si Ate Hilda kasi nagagawa nyang kunin ang tiwala ng lahat. Halos lahat ng naging part ng PYM nag-oopen up sa kanya. Talent nya ata yun eh, ang mabuting tagapakinig. Kaya alam niya ang secret ng bawat PYM. Asset talaga siya ng PYM. Maswerte ako dahil nakilala ko siya at naging part siya ng buhay ko. Kahit na minsan, ay madalas pala, taliwas kami ng paniniwala kaya minsan hindi kami nagkakaunawaan. Pero kahit gano man kalaki ang tampuhan na iyon, hindi pwedeng hindi kami magkakabati. Kaya kahit mabuwag ang PYM siguradong mananatili ang magandang pagsasamahan naming pinagtibay na ng panahon.



















Angelo Yno Sumagay

Marso 2005 noong siya ay pumasok sa PYM sa paanyaya ng mga aktibong miyembro nito. Sa loob ng apat na taon nakitaan naman siya ng potensiyal na mamuno at mamahala. Isa siya sa mahusay na performer ng PYM. Marami siyang mga ideyang ibinabahagi sa BEC na nakakatulong sa paglilingkod sa ministry. Makikita mo sa kanya ang hangaring magampanan ang kanyang tungkulin sa PYM. Sa ngayon, siya ang Assistant ng Social Action Committee.















Rose Ann Superio

Naging miyembro ng PYM noong July 2006. Makulit at masayahing tao yan. Gusto ko din siya kapag nagkukuwentuhan kami kasi kapag tutulo na iyong luha mo bigla niya akong papatawanin. Magaling sumayaw at naipakita na rin ang talent sa pag-arte.






















Rey MaƱibo

Si Tiyo Rey ang aming ever supportive na adviser. Malapit siya sa puso ng mga kabataan kaya nasasabayan niya ang mga gig at trip namin.

MSMC note: Marami pang hindi nakalagay rito. Sa susunod ko na lang iaupdate.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?