Bakasyon 2009 - Change? I don't think so


This is my commandment: love one another as I have loved you. There is
no greater love than this, to give one’s life for one’s friends; and you are my
friends if you do what I command you. John 15:9-17


Hello mga kablog! Namiss niyo ba ito? Namiss niyo ba ako? Mag-assume raw ba. Hehehe. Ang hirap kung saan ako magsisimula kasi marami akong gustong ishare sa naging bakasyon ko. Bukod pa diyan ay feast din ni San Isidro. Dahil hindi ko rin ginawa last 3 weeks kaya parang nakakapanibago. Hmmmm. Adjustment o change - puwedeng maging topic ito ha.

Halos lahat ng kapamilya, kamag-anak, kaibigan at mga kakilala ko ay palaging nagsasabi na “Wala kang pinagbago, ganoon ka pa rin.” Totoo namang wala akong pinagbago bukod sa mahaba kong buhok. Hindi ko talaga pinaputulan para maiba naman dahil simula nang pinangak ako palagi akong kalbo o kaya ay maiksing buhok dahil nga may allergy ako. Basta mayroong kuwento iyon tungkol sa paglilihi ni Nanay. Nakapagpahaba lang ako ng buhok rito sa Bda. Back to the topic…

Ewan ko pero nasa Pinas pa lang ako at alam ko nang makakapagtrabaho ako sa ibang bansa, itinanim ko na sa puso at isipan kong aalis akong si Shiela at babalik na Shiela. Kaya lahat ng mga kaibigan at mga kamag-anak ko na naging part ng buhay ko, tinagpo ko. Nagkaroon kami ng reunion ng mga kaklase ko noong Elementary, High School at College. Pinuntahan ko rin ang mga dati kong officemates. Siyempre, gumawa rin ako ng paraan para makajamming ang aking original barkada (childhood friends) at mga kapitbahay na para ko ng kapamilya. Isa pa sa mga nakakatuwang nangyari ay naging saksi akong mabuo ang pamilya ni Nanay na ginanap naman sa Mindorp. Nakapunta rin kaming lahat sa reunion sa Pangasinan sa side naman ni Tatay (SLN). After 8 years sa annual gathering na ito, ngayong taon lang kami nakadalo.

Siyempre, ang higit sa lahat ay ang bawat minutong na-spend ko sa aking pamilya. Nasa Bda pa lang ako, nakaplano na ang mga gusto kong iparanas sa kanila. Gusto ko silang pagsilbihan- ipagluto, ipaghugas ng plato, igawa ng sandwiches at marami pang iba. Naging successful naman kasi nagawa kong lahat iyon. Pinipilit ko talagang gumising nang maaga sa kabila ng puyat para wala akong mapalampas na sandali na puwede ko silang makabonding. Sobrang saya talaga. Ngayon ko narerealize ang saya ng bawat OFWs sa tuwing magbabakasyon sila at makakapiling ang pamilya. Namimiss ko na kayo. Salamat sa high technology kaya parang ang lapit-lapit niyo lang.

Oops. Kahit na puro saya kami nakapagsimba pa rin kami. Salamat kay Kuya Bong na panata ring makapagsimba linggo-linggo kaya bago kami gumala nagsisimba muna kami. Ganitong ganito ang ugali ni San Isidro. Sa araw-araw ng kanyang buhay, nagsisimba/nagdadasal muna siya bago magtungo sa bukid. Maniniwala ba kayong habang nagsasaka siya, katulong niya ang mga anghel? Patunay lang na kapag si God ang inuuna natin sa lahat ng bagay, HE will guide us sa ibang mga gawain natin.

Ipinapaalala sa pagbasa ngayon na magmahalan tayong lahat. Hindi naman necessary na magreunion tayo o pumunta sa mga probinsya. Sa simpleng text lang na “Kamusta na kayo? Palagi kayong mag-iingat. Mahal ko kayo” sapat na. Puwede ring gamitin ang Yahoo or Friendster.

Hanggang dito na lang muna. 12:26 am na rito kaya hinahatak na ako ng higaan. Zzzz.






Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?