Come Holy Spirit
When he, the Spirit of truth comes, he will guide you into the whole truth. He has nothing to say of himself but he will speak of what he hears, and he will tell you of the things to come. Jn. 16:13
Hello mga bloggers! Isang linggo na naman ang nakaraan. Sobrang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nasa Pinas ako kasama ng pamilya ko at mga kaibigan tapos heto balik-trabaho na naman. Parang kailan lang...
Sabi ng friend ko maganda raw ang message ng gospel ngayon. Maganda raw ang homily ng pari nila. (Hihintayin namin ang input mo.) Sa palagay ko nga rin pero dahil mamaya pa ako magsisimba, hayaan niyo munang ibahagi ko sa inyo ang isa sa mga experiences ko na ginabayan ako ng Holy Spirit.
Mayroon kaming teacher sa high school na ang surname ay "Espiritu." Sabi ng isa kong kaibigan na naging teacher din niya, "Alam mo Ate Shel, nandito si Maaam Espiritu." Nabigla ko namang sinagot, "Talaga?! Nasaan na si Maam" Loko-lokong sinabi niya, "Espiritu nga e, kaya hindi mo nakikita." Hehehe. Tawa naman kayo. Joke pala iyon.
Holy Spirit - nariyan pero hindi natin nakikita. Sa mga Charismatic na nadaluhan ko, nawitness ko talaga kung ano ang nagiging effect ng HS sa mga naniniwala rito. Una muna niyan ay kakanta kami ng Come Holy Spirit (Come Holy Spirit, I need You. Come Holy Spirit, I pray. Come with Your sthrength and Your power. Come with Your own special way.) Tapos maya-maya lang iba-iba na ang sinasabi ng mga believers. Hindi mo maiintindihan through your ordinary ears. Para silang may sari-sariling wika. Hanggang sa kinatandaan ko na ang ganoon at nang lumaon kahit ako mismo nakakapagsalita na rin. Hindi man kakaiba pero nasasabi ko na ang prayers ko nang malakas. Lahat ng mga sinasabi namin, iba-iba man pero naiintindihan lahat ni God. Naiintindihan Niya.
Gusto niyo bang malaman kung paano ko naipasa ang phone interviews ko? Nilihim ko sa pamilya ko ang pag-aapply ko sa ibang bansa. Pasa lang ako nang pasa ng resume tapos may biglang nag-email na iinterviewhin daw ako over the phone. Naku, katakot-takot na dasal talaga ang ginawa ko. Local interviews nga lang, taglish ang ginagamit ko tapos ngayon pure English na dapat. Naku po talaga! Tumawag na nga iyong initial interviewer. As I expected, hindi ko siya naintindihan masyado kaya hindi na ako umasa. Salita lang ako nang salita tungkol sa isang word na nabanggit niya. Pagkatapos ng interview na iyon, naghanap na ako ulit ng ibang company kasi para sa akin palpak talaga. Sino ba namang mag-aakala, qualified daw ako for second interview. Todo prepare na naman ako. Sobrang dasal ulit. Nagkataon pa nong gabi ng 2nd interview, may commotion sa bahay. Nakatago lang ako sa kuwarto kasi nga hinihintay ko iyong call. Kailangan ako ng pamilya kaya lumabas akong nakaheadset, kausap ko sina Nanay tapos biglang nagring ang cell phone. Buking! Tapos hindi ko alam all the way through pala ng interview nakikinig si Nanay. Sabi niya, "hindi ka papasa ron". Napangiti na lang ako kasi ako rin e, sa tingin ko hindi ko na naman siya naintindihan. In the end, pumasa ako! Salamat talaga sa HS.
The Holy Spirit works in mysterious ways. Kapag hiningi mo ang gabay Niya, gagabayan ka talaga kahit mahirap pa iyan! When he, the Spirit of truth comes, he will guide you into the whole truth. He has nothing to say of himself but he will speak of what he hears, and he will tell you of the things to come. Sa tingin ko ang nangyari sa akin non, baluktot man ang lumalabas sa bibig ko, iniiba ng HS ang message papunta sa receiver. Ang galing diba? Ganyan din ang napansin ko sa mga BEC na pinamunuan ko. Nagugulat ako minsan sa mga nasasabi ko. Akala mo kung sino akong napakarunong sa buhay. Palagi ko ngang sinasabi, kapag nagdasal tayo sa HS, Siya na ang nagsasalita through us. Kaya kayo aking mga masusugid na tagabasa kasama ang mga estudyanteng papasok na ulit, magpray din kayo sa Holy Spirit ha. Ginagawa ko iyan lalo na kapag busy ako sa trabaho. Gagabayan Niya tayo. Ang prayer na ito na ipinasa sa akin ni Nanay ang dinadasal ko:
Come Holy Spirit
Come Holy Spirit, fill the hearts of your faithful and kindle in them the fire of your love. Send forth your Spirit and they shall be created. And You shall renew the face of the earth.
O, God, who by the light of the Holy Spirit, did instruct the hearts of the faithful, grant that by the same Holy Spirit we may be truly wise and ever enjoy His consolations, Through Christ Our Lord, Amen.
O, God, who by the light of the Holy Spirit, did instruct the hearts of the faithful, grant that by the same Holy Spirit we may be truly wise and ever enjoy His consolations, Through Christ Our Lord, Amen.
Comments