KKK. (K)ovenant, Kalayaan at Kuya

This is my blood, the blood of the Covenant, which is to be poured out for many. Mk. 14:24

Hello ulit mga kablog. Happy Solemnity of the Body and Blood of Christ! Alam niyo mas ok pang magblog ako after kong magsimba kasi nadadagdagan iyong naishashare ko. I-expect niyo ang blog every Sunday ng gabi ng Pinas.

Okidok, hindi ko na kayo sasabikin. Sisimulan ko na. 3 points ulit tayo ngayong week, una ay kaunting paliwanag sa Celebration ng Simbahan ngayon (all idea ay galing kay Fr. Paul), pangalawa ay tungkol sa kalayaan at huli ay kaunting bahagi sa aking kapatid.

Maganda iyong kuwento na ibinahagi ng Fr. Paul sa mass. Nag-ipon daw ng pera ang isang mag-anak para makapagcruise. Siyempre kailangan nilang kumain pero dahil nga sapat lang ang pera naisip nilang punuin ng cheese sandwich ang isang maleta nila. Palaging ganoon, maglilibot sa cruise, abutin man ng gutom sa harap ng magarang resto didiretso na lang sa kuwarto at kakain ng cheese sandwich. Hanggang sa hindi na matiis ng isang anak ang puro cheese sandwich kaya ibinenta niya ang relo, ipod at ibang electronics at kumain sa restaurant. Hinihintay niyang ibigay sa kanya ang bill niya. Matagal ang waiter kaya siya na mismo ang nanghingi ng bill. "Magkano lahat ang kinain ko?" sabi niya sa waiter. "Sir, wala po kayong dapat bayaran dahil kasama po ang pagkain sa binayaran niyong cruise ship package." sagot ng waiter. Ano?! Waaah!! Ganoon siguro ang reaction ko. Ilan kaya sa atin ang nakaalam na libre ang osta at blood sa misa? Ilan kaya sa atin ang nagpupunta kung saan-saan kapag weekend pero hindi naiisip na mag-alay ng 1 oras para gunitain ang pagbabahagi ng katawan at dugo ni Kristo. Palagi sana nating alalahanin na tayo ay naligtas dahil sa katawan at dugo ni Kristo. This is my blood, the blood of the Covenant, which is to be poured out for many. Kaya nga kahapon kahit hininto ko muna ang pag-inom ng wine dahil sa swine flu nakiisa talaga ako at tinanggap ang body and blood ni Jesus.


Ikalawa na... Gaya ni Kristo na may covenant sa mga disciples Niya, ganoon din ang ginawa ng mga bayani natin. Naaalaala niyo ba si Andres Bonifacio? Oo, siya nga at ibang katipunan ang pumirma sa kasulatan gamit ang sarili nilang dugo. Wow! Salamat sa lahat ng mga bayani natin dahil tayo ay 111 years nang malaya - malaya sa mga nanakop sa atin. Tunay nga bang tayo ay malaya? Another story ulit. Kagaya ng Pinas, sinakop din ang Pinamalayan ng iba't-ibang lahi. Natamo rin nila ang kanilang kalayaan. Sa bayang ito nahahati ang kanilang lahi sa Puti at Itim. Kapareho rin ng bansa natin na parang mayroon silang division - ang mayayaman at mahihirap; ang may pinag-aralan at grade 1 lang ang tinapos. Nabigyan ng chance ang ibang mamamayan na magtungo sa isang mayamang bansa para magtrabaho. Mabuti ay nagamit ng iba ang kanilang pinag-aralan kaya computer ang kaharap. May iba namang nakapag-aral din kaya lang ay nagpakababa para lang kumita ng malaki. Heto ang nangyari, nagkaroon sila ng issue na hindi raw namamansin ang mga Puti na parang nagmamataas sa mga Itim. Naaalala ko tuloy iyong reunion namin sa probinsya. Magkausap sina Tita at Tiya tapos hinahanap ng Tita ko iyong isa na ang dating sa Tiya ko ay she is not important dahil bakit kailangan pang kausapin ang isa eh siya na ang nakasagot ng phone. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi niya. "Dahil ba mahirap ako kaya hindi niyo ako kinakausap?" (porket nakakaangat kayo ganyan na ang tingin niyo sa aming mahihirap siguro gusto niyang sabihin - dagdag ko na ito) Iyak lang ako nang iyak habang pinapakinggan ang mga katagang iyon. Nagpaliwanag kami na hindi ganoon dahil anuman ang mangyari mahirap man o mayaman magkakamag-anak pa rin kami. Sa issue na ito, nararamdaman ko ang nasa puso ng mga mabubuting itim. Ang tingin nila sa sarili nila ay mababa kaya minsan sila na ang umiiwas sa mga puti. Naiintindihan ko rin ang mga tunay na Puti. Palagi silang nag-reach out para hindi isipin ng itim na nagmamataas sila kaya lang sa pag-iwas mismo ng mga itim kaya nagkakaroon ng misunderstanding. Marahil mayroon ngang mga puti na nastiff neck for some reasons, sinasadya o hindi pero hayaan na lang ng mga itim dahil mayroon namang mabubuting puti. Anuman ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng "wall" ang mga puti at itim, idinadalangin ko na sana ay magkaayos na sila. Maisip nilang galing sila sa iisang bansa, isang bansang sinakop ng iba't-ibang lahi pero dahil sa pagkakaisa napagtagumpayan ang pakikipaglaban para sa ating kalayaan. Ano ba naman ang mawawala kung magbibigay ng smile ang bawat isa sa kapuwa nila? Hindi lang sa kalahi pero sa kahit kanino. Naeexercise na ang jaw, napapagaan mo pa ang loob ng isang taong may mabigat na dinadala. Tunay nga bang tayo ay malaya? Malaya sa mga nananakop sa atin pero kapag nagpatuloy ang division sa ating bansa gaya ng Pinamalayan na mayroong mayaman at mahirap, may pinag-aralan at grade 1 ang tinapos at Puti at Itim para pa rin tayong nakakulong....


Ikatlo ay tungkol kay Kuya Ryan. Magtatrabaho siya rito sa amin. Thank God! Sobrang bilib ako sa kanya. Siya kasi ang kapatid kong may pagka-isip bata. Paanong hindi ko sasabihin eh halatang-halata naman. Kaya nga nong nagka-anak siya natatawa kami kasi sino ba namang mag-aakala na ang naglalaro ng tantsing at jolens ay magkakapamilya. hehehe. But the other side of him is very amazing. Siya ay isa sa mga leaders namin sa Youth sa simbahan noong binata pa siya. Marami siyang naiambag na ikinaganda ng grupo namin. Pinakahuli nga ay ang BEC. Siya kasama ang 3 kong pinsan ay regular na nagbubukluran. Nakakabilib talaga. Gusto ko ring bigyan diin ang nagyari sa career kanya. Pagkagraduate niya, matagal din siyang naghintay na makahanap ng trabaho. Nahire sya as crew sa Wendys. Bakas na bakas ang hirap at pagtitiis niya sa trabahong iyon. Tapos nahihiya pa sya kapag may kakain na kakilala niya. Nagamit kasi ng ibang classmates nila ang natapos nila pero si Kuya iba ang gusto. (Ewan ko kung ano.) In short, iyong trabaho niya sa Wendys ang naging susi niya para makapasok dito sa Bermuda as Cleaner. Para rin siyang isa sa mga itm na nagpakababa, iniwan ang magandang trabaho sa isang school sa Pinas para sa ikagiginhawa ng mga mahal niya sa buhay. I realized na may mga nangyayari sa buhay natin, madalas ay hindi natin gusto pero hindi natin alam in a bigger picture nakalaan pala para sa isang magandang opportunity. I bet na kung hindi dahil sa isinusukang trabaho ni Kuya sa Wendys hindi rin siya matatanggap rito. Kaya kayo rin mga readers anuman ang pinagdadaanan niyo ngayon always remember na HE knows everything. Basta itaas lang natin palagi sa Kanya and He'll lead us. Bro., with your faith alam kong malayo ang mararating mo. Makakarating ka sa Bermuda. hehehe. Matutupad na ang dream mong maging Chess Master. yehey! I'm excited to see u. mmmwah
Summary:
1. Maglaan ng time para magsimba. Makicelebrate sa paggunita sa pagbabahagi ng katawan at dugo ni Kristo.
2. Happy 111th Independence Day! Panatilihin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani. Smile. :-)
3. God knows everything. Magtiyaga ka lang sa paglagpas sa mga mahihirap na dumaraan sa buhay mo. You'll see one day why you need to experience that.
Wow. pinakamahabang blog na nagawa ko. gutom na ako.... hanggang sa muli.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?