Be Not Afraid
Hello all!
Unang-una sa lahat, nagpapasalamat talaga ako sa blogs mo. Nakaka2 ka na. Alam mo kung hangang kailan ka... Saka na lang natin sabihin sa readers kung ano iyong 2 ha. heley. Gusto kong makapagshare sa gospel ngayon kaya heto na.
Ang tumanim naman sa akin sa homily ni Fr. ay tungkol sa pagpapadala sa mga alagad pero walang pabaon sa kanila. Walang pinadala sa kanila kasi He will provide. Hindi Niya tayo ipapadala sa isang lugar o sitwasyon na hindi natin kakayanin. Parang iyong kasabihan na hindi ka Niya bibigyan ng problema kung hindi mo kaya. Tapos sinabayan pa ng kantang "Be Not Afraid" kaya talagang natouch ako sa buong mass kahit na patawa iyong katabi ko (nauna kasi sa kanta eh ang lakas-lakas). Itong Be Afraid din kasi ang narinig ko noong nagsisimula pa lang ako rito. Ang pinakafavorite kong line ay You will speak in foreign language but all will understand... Pakinggan niyo iyong song at namnamin ang message. Kung gusto niyo puwede kong ipasa sa inyo iyong lyrics. Just let me know.
Tama ka sa sinabi mo na mahalagang may kapartner tayo sa buhay. mahalagang may nakikinig sa atin. At palagi nating tandaan na kung hindi available ang human partners natin God is 24/7 - He is always around. Sang-ayon din ako sa sinabi mo tungkol sa mga Katoliko. Naalala kong nasabi mo na sa blog mo dati yan. Libre ang celebrations pero few people know. Kung alam lang ng lahat kung gaano kasarap sa pakiramdam ang maging close kay God. Kaya nga nagpapasalamat ako at namulat tayo sa simbahan at members pa tayo ng PYM. Balita ko nga pala, nakafocus ang mga youth sa spiritual growth. Sabi raw ng ibang mga kabataan sa kanila dahil hindi nga visible sa mga social activities "patay ang PYM." Kibit balikat lang daw siya kasi he knows na buhay na buhay sila ngayon.
Sa mga readers mo, sana maging part din kayo ng ministry namin. You can help! Save a kid! Save a youth! Share!
Next big blog mo ulit ha. I can't wait.
Comments