Partner in Life... (Sinong Pakner Mo Doon?)

“He summoned the Twelve and began to send them out two by two and gave them authority over unclean spirits.” – Mark 6:7


Kumustang muli sa mga kablogs dyan! Sobrang bilis talaga ng araw dahil nagdaan na naman ang isang mapagpalang week at panibagong blog week na naman. Hindi natin namamalayan na sa sobrang kabusyhan natin sa kanya-kanyang mga iniisip at gawain, nakalipas na naman ang isang linggo. Nagandahan ako sa reflection sa Didache ngayon tungkol syempre sa Gospel para sa linggong ito. Kaya dun ko ifofocus ang blog ngayon pero syempre may konting sharing pa rin tungkol sa Homily sa mass na naattendan ko.

Ang galing-galing talaga ng Holy Spirit. Iniisip ko kasi kung paano sisimulan itong naisip kong topic dumating na agad yung blessing Nya. Bigla ko kasing nabasa yung message ng taong malapit sa akin.

Learn, but always learn with other people by your side. Don’t be alone in the search, because if you take a wrong step, you’ll have no one there to help put you right.

Maging ang Labing-dalawang Alagad ay pinadala ni Hesus para maghatid ng Mabuting Balita by PARTNERS (Two by Two). Sa buhay natin, kailangan din natin ng Partner – Partner in Life. Hindi ito particular sa magboboyfriend/girlfriends, o mag-aasawa. Ipinapahatid ni Hesus na binigyan Nya tayo ng mga taong aagapay sa atin at magtuturo kung ano ang tama at mali. Hindi tayo perpekto at hindi rin perpekto ang mga tao sa paligid natin. Pero gaya ng sinabi sa message sa itaas, kailangan tayong magkaroon ng kasama para matuto sa buhay. Hindi natin dapat na sinosolo ang lahat ng problema. Hindi tayo dapat nagkikeep ng kahit anong worries. Maraming pagkakataon na hindi natin namamalayan na ang pag-ease ni God sa lahat ng mga problema at iniisip natin ay sa pamamagitan ng ibang mga tao.

Naranasan ko nga na makarinig ng mga problema ng mga kasama ko sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ako yung napapagbuhusan nila ng sama ng loob sa buhay to think na hindi naman ako expert pagdating sa buhay. Pero masarap sa pakiramdam na sabihin ko sa kanila na hindi lang naman sila ang nakakaranas ng hirap lalo na sa malayong lugar. Minsan nga may mga taong may mas mabibigat pang mga problema. Nakangiti ako sa kanila habang sinasabi na pagsubok lang yun ni God at darating din ang time na makakaraos tayo sa hirap. Naalala ko rin nung nakaraan na nagandahan ako sa Homily. Pag-uwi ko shinare ko sa kanila yung natutunan ko. Sa pamamagitan nun, nagiging partner nila ako kahit sa simpleng paraan. At sa pamamagitan nun, lumalakas ako dahil kapag pinapalakas ko ang loob nila, napapalakas ko rin ang loob ko.

Sa lahat ng mga kababayan natin sa Pinas, pahalagahan natin ang ating mga mahal sa buhay – ang ating pamilya, mga kaibigan, kasama sa paglilingkod kay Kristo, at iba pa. Sa katulad naming mga OFWs, sobrang napakahirap na mapalayo sa kanila. Sa ganitong kalayong pook mas kinakailangan ng tunay na makakasama. At ang ating mga mahal sa buhay ang tunay nating PARTNERS IN LIFE, dahil sa kanila natin mararanasan ang presensya ng Panginoon.


“He instructed them to take nothing for the journey but a walking stick – no food, no sack, no money in their belts.” – Mark 6:8


Dito naman nagfocus yung priest ditto sa Homily nya. Sinabi nya na mas mabuti ang buhay na simple. Simple sa lahat ng aspeto – wag maging materialistic, at tanggalin lahat ng bumabagabag sa ating pag-iisip. Isurrender lahat kay God lalo na ang mga worries, anxieties, at depressions. Sa nararanasan nating krisis ngayon sa mundo, wag nating solohin ang lahat ng problema. Ibahagi natin ang nasasaloob natin sa partners in life natin, at ipagpaubaya naman natin sa Panginoon ang lahat ng kalungkutan at pag-aalala natin. Sabi nga sa kanta, And He said, “Cast your burdens upon me those who are heavily laden. Come to me all of you who are tired of carrying heavy loads. For the yoke I will give you is easy and my burden is light. Come to me, and I will give you rest.”

Gusto ko rin ishare yung kwento nung kaibigan ko sa akin. Napasama kasi sya ng hindi nya inaasahan sa isang Christian service. Sobrang natakot daw sya ng mga panahon na iyon. Hindi naman daw kasi sya sanay sa mga ganoon na sobrang kakaibang type ng pagdarasal – iba-ibang language na lumalabas, may nahihimatay, tapos pasigaw at sabay-sabay na pagdarasal. Hindi naman sya against sa Christian. Alam naman nya na kapatid din natin sila kay Kristo. Yun nga lang, nakaramdam sya ng pagka-out of place na parang hindi nya naramdaman ang presence ni God. Nakakatuwa na mapatunayan nya na medyo matatag na ang kanyang Catholic faith although hindi naman sya perpekto. Naiyak sya during that Christian service dahil namiss nya ang pagse-serve kay God nung mga panahon na nasa Pinas pa sya. Okay naman pagkatapos dahil mababait naman ang mga pinoy na nakasama nya. Pero nalungkot sya sa realization nya pagkatapos noon. Sabi kasi ng nakasama nya dun sa Christian service, masaya daw sila doon kaya maraming nagkoconvert from Catholic to Christian. Dahil nga mas nararamdaman daw nila si God. Sa Katoliko daw kasi, puro misa lang at paulit-ulit na pagdarasal. Kaya nalungkot ang kaibigan ko. Marami kasi palang mga Katoliko na hindi nakakaalam na maraming paraan para mapalalim pa nila ang kanilang Catholic faith. Maraming programs ang simbahan para sa spiritual development natin. Na hindi lang ginagrab ng mga Katoliko at hindi lang sila gumagawa ng paraan para alamin kung anu-ano ito. Kaya para sa atin na nakakaalam, panatilihin at patataging lalo pa natin ang ating Katolikong pananampalataya. Dahil tunay na masarap ang maging isang Katoliko. Pero igalang din natin ang iba pa nating mga kapatid kay Kristo.

Sana may natutunan kayo kahit papaano sa blog natin ngayon. Ipagdasal natin ang lahat ng mga naapektuhan ng krisis sa mundo lalo na ang mga kakilala natin at ang kaibigan kong si Carla. Ipagdasal din natin ang lahat ng mga nabibigatan na ipaubaya nila ang lahat kay God nang gumaan ang kanilang mga dinadalang problema. At higit sa lahat, magpasalamat tayo kay God sa pagbibigay Nya sa atin ng ating partner in life.

God bless us all always.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?