Don't judge if you're not a judge
"Can anything good come from Nazareth?" Jn. 1:46
Magandang gabi sa aking mga masusugid na tagabasa ng blog (nag-aassume ulit ako). Hehehe. Maaaring totoo, maaaring hindi.
Mayroon akong isang kaibigan na nagkuwento sa akin ng experience nya. Ipi-feel ko na parang ako sya para mas galing sa puso ang blog. Anyway, galing sya sa probinsya at napunta sa Maynila para magtrabaho. The story goes something like this...
Lumaki ako sa probinsya, kapiling ang pamilya ko at mga kaibigan. Pagkagraduate ko sa college at ilang taong experience nabigyan ako ng chance na makapagtrabaho sa Laguna with matching malaking sahod. Nanibago ako sa simula dahil namiss ko ang aking mga mahal sa buhay. Nagpapasalamat naman ako dahil mababait ang mga tao sa Laguna kaya hindi masyadong nakakatakot kahit gabi na. Nang dahil sa pagbagsak ng economy, isinara ang company namin sa Laguna pero naabsorb naman ako sa Maynila. Maraming gustong makapunta sa Maynila. Hindi ko alam kung isa ako sa mga taong iyon pero ang alam ko kailangan kong kumita nang malaki kaya kahit saang regions sa Philippines susuungin ko. Paggising ko na lang isang araw narito na ako sa Maynila para maghanap ng bahay na matutuluyan. I realized then kaya pala gusto ng lahat makaapak sa Maynila. Gugustuhin ko nga. hehehe.
Mayroon sana akong ilalagay rito na galing sa text message kaya lang nawala na ung phone ko... Ang sinasabi ng message na iyon ay "Hindi raw tayo hinayaan ni God na makabasa ng minds ng ibang tao para matuto tayong magtiwala at pagkatiwalaan din tayo."
Marami akong nakilala sa maiksing panahon ng pagstay ko sa syudad na 'to. May taga ibang probinsya at mayroon din namang mga kababayan ko. Sobrang pasasalamat ko nga kay God kasi parang pinapadalahan Niya lagi ako ng mga taong tutulong sa akin. May naging kaibigan akong jeepney driver at mga tindera sa mga carinderia. May 3 incidents akong ibabahagi para mabigyang diin ang topic natin ngayon tungkol sa trust.
Una ay ang pagkain ko sa isang carinderia. Pinalad ako dahil mayroon akong nareceive na free breakfast galing sa kuwartong tinutuluyan ko. Hanapin niyo sa Maynila kung saan mayroon non. Secret ko lang, Huwag daw ipagkalat e. Sa tutuluyang kuwarto may complimentary breakfast ang iba, ang iba naman ay wala. Dahil sabi ng book ("The Alladin Factor") na nabasa ko na nirecommend ni Ate Shel, ask and you shall receive, which the bible also says. Kaya nong pag-inquire ko sa guard sabi ko "puwede po bang makahingi ng free breakfast" kaya naman bingyan ako ng 2 coupons. Nagamit ko nang maayos ang unang ticket. Ang pangalawa naman ay bigla na lang naglaho nong magbabayad na ako. Dahil probinsyana ang hitsura ko, siguro akala nong tindera wala akong pera. Ang masama pa ay kinonfirm nya sa guard kung kasama ba sa room ko ang free breakfast, Syempre wala sa record iyon dahil nilibre nga lang ako. Mura lang naman ang bill Php15 pero gusto kong patunayan na nagsasabi ako nang totoo at hindi lumabas na nanloloko ako. Thank God dahil napulot ng 1 tindera ang ticket na nahulog lang pala. Don't judge a book by its cover.
Ang ikalawa naman ay ang manong na maraming tartar, maruming damit at nakakatakot na hitsura. Nakasabay ko sya habang naghihintay ng bus papunta sa Manila Zoo. Tanong sya nang tanong kaya medyo natatakot ako. Tapos nagsasabi pa sya na marami raw drug addicts sa Maynila. Mag-iingat daw ako palagi. Hanggang sa nagkatabi kami sa bus at todo explain pa rin sya sa akin ng mga nakakatakot na lugar. Hanggang sa huli, narealize ko na nagsasabi nga sya ng totoo kasi tiunulungan niya akong matunton ang Manila Zoo. Drug addict pala sya dati at nagrerehabilitate. Marami raw nawala sa kanya lalo na ang mahal niya. Natuwa ako sa maiksing conversation namin na parang napagaan ko ang loob niya nong sinabi ko "Ayusin niyo po ang sarili niyo. Kapag nakarecover na po kayo lahat po ng nawala ay magbabalik sa inyo." Ang tugon naman nya ay "Ayan ang gusto kong marinig." With that experience, I somehow realized kung bakit ako dinala sa malaking syudad na ito. Siguro God is giving me another mission, a bigger mission. I also learned that "Don't judge a book by its cover."
Ikatlo naman ay nong pauwi na ako galing sa zoo. Nakasabay ko ang isang dalaginding. Siguro she's 19 y/o. Hitsurang mabait at mapapagkatiwalaan. Hindi ko nga naramdaman sa kanya ang naramdaman kong kaba sa mga nakilala ko. Tska sa hitsura niya, kayang-kaya ko syang kutusan. Heto na ang thrill at halong katangahan ko. Dahil sa ako ay mainipin at walang sinasayang na panahon, tinawagan ko ang aking kaibigan while waiting for the bus. Bigla na lang akong nagulat nang wala na ang phone ko sa kamay ko. Magkahalong emotions ang naramdaman ko nong makitang tumatakbo nang mabilis ang batang pinagkatiwalaan ko at hindi ko inakalang gagawa ng masama. haaaaaaay. Don't judge a book by its cover.
"Can anything good come from Nazareth?" Hindi makapaniwala ang mga alagad na mayroong mabuting tao sa Nazareth at iyon nga ay si Hesus. Gaya ng sinasabi ng verse na iyan hindi rin tayo dapat nanghuhusga ng mga kapwa natin. Matuto tayong magtiwala pero huwag din tayong magpapaloko.
Sana ay may natutunan kayo at please ipagpray natin ang kaibigan kong ito na maging safe sya palagi.
God bless you.
4S in progress.

Comments