Engage...

This people honors me with their lips but their heart is far from me. Mk. 6
Nothing that enters one from outside can make that person unclean. It is what comes from within that makes unclean (adultery, jealousy, greed, maliciousness, deceit indecency, slander, pride and folly.) Mk. 6:15; 21
Hello mga kablog! Kababalik ko lang ditto sa Bda tapos pinagbantay naman kami ng bahay ni Kuya kaya heto nasa patio ako ngayon katapat ang napakagandang Devonshire bay. Isang blog sa tapat ng dagat habang nakikinig ng religious songs… Ano kayang kakalabasan?

Sobrang nakakapagod lately. Maraming dapat gawin at sa sobrang dami ang hirap simulan. Palagi pang napupuyat kasi hanggat maaari habang nandito pa makapagbonding kami ni Bro. Ryan. Pinili ko iyong Mk. 6 This people honors me with their lips but their heart is far from me kasi nagdecide ako kaninang madaling araw kung uunahin ko ang blog o ipagluto ng almusal ang aking kapatid. Batid sa kaalaman nating lahat na maraming parokyano ang palasimba at active sa simbahan pero ang sasagwa naman ng ugali. I admit na isa ako sa mga taong iyon. Akala mo kung sino akong makaDiyos pero makasalanan naman pala. Pero natuwa ako sa decision na pinili ko kanina. Imbes na magblog ako isinantabi ko muna dahil hindi ko matitiis na gigising nang maaga ang Kuya ko para maghanda ng pagkain niya. Pinapasok kasi siya ngayong linggo eh napuyat kami sa pakikipagchat kagabi. Ang gusto ko lang ipaliwanag ditto ay mapapatunayan nating mahal natin si Lord kung mahal natin ang ating kapuwa. Natutuwa nga si God sa pagshashare ko ng good news through blog pero nais din Niyang isabuhay ko ang aking mga ibinabahagi. Mayroon ngang verse sa bible na ang sabi ay “Paano mo sasabihing mahal mo ang Diyos kung hindi mo naman mahal ang kapuwa mo?” Kaya siguro challenge sa atin na i-aapply ang mga lessons na natututunan natin sa simbahan. Halimbawa na lang ay anong kabutihan ang maidudulot ng regular tithing natin kung hindi natin mabigyan ng bigas ang kamag-anak nating hirap sa buhay?

Naaalala ko iyong friend kong napakaselosa o sobrang mapagmahal I should say. Ano pa man iyon, ang effect ay over protective at parang nasasakal na niya ang kanyang mahal. Natauhan siya nong sinabi sa kanya ng mahal niya “Kung lumapit sila sa akin, papayag ba akong may gawin silang masama sa akin?” Hmmmm. Nothing that enters one from outside can make that person unclean. It is what comes out from within that makes unclean. Maraming dumarating na tukso sa buhay natin. Tandaan natin na hindi tayo napapasama ng mga tuksong iyon. Nagiging masama lang tayo kapag kumagat na tayo sa tukso. Halimbawa para sa mga chickboy (mahilig sa chick at sa boy. hehehe), kapag may nakita silang babaeng sexy normal sa kanila na maattract or minsan may naiisip pang masama. Sa mga panahon na iyon pumapasok si Taning at gusto niya na may gawin ka. Kapag may actions na saka lang nagiging kasalanan iyon. Hmmm, tama kaya ang sinasabi ko. Hehehe. Isa pang halimbawa, na-attract ka sa magandang relo sa shop. Naisip mo na “Wow! Ang ganda naman, gusto kong magkaroon din nyan.” Wala pang sin yan pero kapag kinuha mo na ang relo ng hindi mo binabayaran kasalanan na iyon. Sana nagets niyo. Ang hamon sa atin ditto ay ang pagtitimpi at AGAP. Kapag may mga tukso nang naglalaro sa isip mo, pukpukin mo na ang ulo mo para mashift sa ibang bagay ang isip mo. Dapat din na aware tayo kung nakikipaglaro sa atin si Taning para maagapan natin agad. Tandaan natin na we are weaker than Taning kaya kailangan natin ng aide from God. Magpray tayo na ilayo tayo sa tukso.

Last point. Inistress ni Father ang homily niya tungkol sa envy. Timely naman kasi nakaramdam ako ng selos at tampo sa company ko kasi nalaman ko na sobrang tataas ng salary ng mga katrabaho ko kumpara sa akin. Nagself-pity chorba tuloy ako at naisip kong dahil ba sa Asian ako at may um-um kapag nag-English hindi na fair ang treatment. Nagising ako sa paliwanag ni Father tungkol sa envy. Kapag inentertain daw natin ang negative thoughts na iyon, nagiging ungrateful tayo at hindi natin nakikita ang mga mabubuting bagay na ipinagkaloob Niya sa atin. Tska raw hindi natin alam kung ano ang mga bagay na isinacrifice ng mga taong kinaiinggitan natin para makamtam nila ang kaginhawaan. Dahil sa pag-entertain ko ng jealousy na iyon, nakalimutan ko ang maraming blessings na ipinagkaloob ni Lord sa akin. Hindi ko rin naisip na more qualified sila than me like they passed difficult exams kaya they deserve high salary. Kaya simula ngayon jealousy-free na ako. Narerecognize ko na ulit ang mga biyayang ipinagkaloob sa akin ni Lord at naisip kong gumawa ng paraan para magkaroon din ng mas mataas na sahod.

Hanggang ditto na lang. Pagpray niyo naman ako para matapos ko na ang mga unfinished business ko rito at sana magin maayos ang transition.

4s still in progess. I hope makapaglabas na ng report soon.

God bless everyone.




Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?