ENGAGED NA TALAGA – Bonus Blog
Nothing that enters one from outside can make that person unclean. It is what comes from within that makes unclean (adultery, jealousy, greed, maliciousness, deceit, indecency, slander, pride and folly.) Mk. 6:15; 21
Hello na naman sa inyo mga kablogs! Umaasa ako na patuloy lang kayong nagbabasa ng blogs ko. Sana hindi kayo nagsasawa na may bonus blog ako palagi. Kayo rin pag nagsawa kayo. Hehehe.
Magdadagdag lang ako nang kaunti sa nauna kong blog. Naikuwento rin kasi ng isa ko pang kaibigan na selosa at sobrang mapagmahal din naman na isang beses din syang natauhan. Dumating kasi sa point na minsan silang nagkatampuhan ng minamahal nya dahil sa pagiging selosa nya dahil tumutulong ang mahal nya sa isang tao. Para syang nauntog nung sabihin sa kanya ng mahal na para bang tinatanong sya na kung mayroon syang isang kakilala na nangangailangan ng tulong at alam nyang malaki ang matutulong nya, hindi mo ba ito tutulungan? Nang mga panahon na iyon, guilt ang naramdaman nya sa sarili. Sa sobrang pagmamahal nya sa mahal nya na wala namang ginagawang masama, hindi nya alam na ang pagseselos nya ay nagiging hadlang para makatulong sya pati ang mahal nya. Nagets nyo ba? Hehehe. (nagets ko, gets mo ba? hehehe)
Katulad nga ng sinabi ko, hindi ang pumapasok sa tao ang nakakapagpasama sa kanya kundi ang lumalabas sa tao. Masama ba ang magselos? Hindi naman di ba? Marami nga ang nagsasabi na normal lamang ito kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Pero ang masama ay kapag nagiging hadlang na ang pagseselos para makagawa ng kabutihan.
Gusto ko lang din magshare tungkol sa pride. Naikuwento rin kasi ng isa ko pang kaibigan na walang kapride-pride sa katawan (tide lang.ayk) na nahihirapan sya dahil nga wala syang pride? Malabu? Syempre ipapaliwanag natin yan. Hindi kasi sya makuwentong tao. Madalas, sinasarili nya ang problema na syempre hindi maganda. Lately lang nya narealize na dapat ay nagbabahagi tayo sa mahal natin sa buhay, sa mga kaibigan natin o kahit sino pa man. Kabaligtaran ang sitwasyon nya tungkol sa pride na pinapanatili na nyang maitama dahil merong isang anghel na nagsabi sa kanya ng kung anong tamang gawin. Dahil nga natututo na rin syang magshare. Ang natutunan nya sa kanyang anghel – Hindi porkit hindi marunong magalit sa kapwa at walang pride, magiging mabuti ka na o mapapabuti ka. May mga pagkakataon na dapat tayong magalit kapag alam natin na meron nang hindi magandang ginagawa ang kapwa natin sa atin. Hindi pwedeng magkibit-balikat na lamang tayo at palaging magbigay nang magbigay kapag tayo’y naaabuso na. Dahil bukod sa napapasama tayo, hindi pa natin natutulungan ang ating kapwa para magbagong-buhay. Sa pamamagitan natin, natotolerate pa natin sila sa paggawa ng masama.
Lesson ulit – Kapag ang kalooban natin ay hindi masama pero hindi rin naman tayo gumagawa ng mabuti, hindi pa rin tayo mabuti. Kaya dapat, gawin nating balanse. Magsimula tayong mag-isip ng kabutihan at isagawa natin at isabuhay ang kabutihang ito.
Maligaya ako dahil sa paggawa ko ng blog, nakakapagshare ako sa inyo. Magmahalan lang tayong palagi.
God bless us all always.
Comments