Instant blog...
Hello mga kablog. Medyo maaga tong blog ko para habang mainit pa maishare ko na agad. Si Carla ay nagshare sa akin na pangblog kaya heto simulan na natin.
Naranasan mo na bang palabasin kang "tanga" ng katrabaho mo, kaibigan mo o ng ibang tao? Yan ang naranasan ni Carla. Baguhan lang si Carla sa department nila. Bilang bago syempre inaasahan na mangangapa pa sa lahat ng mga trabaho sa department na iyon. Natiyempo pa sya sa trainer na "shortcut" meaning kung anong maisipang ituro iyon ang ituturo tapos nag-eexpect na napick-up agad ni Carla ang itinuro nya. Sobrang pagsubok para sa kaibigan natin pero naging matatag sya lalo. Nakakatuwa naman kasi nararamdaman niya ang pakikiramay ng ibang katrabaho. Nagstay pa talaga sa office para lang masamahan sya at maalok ng tulong. Sasabihan ko kayo kapag nalagpasan nya na ang stage na 'to.
2 lessons ang gusto kong matutunan nating lahat dito.
Una, palagi nating tandaan na walang sinuman ang puwedeng humusga sa atin. Ang may karapatan lang na humusga sa atin ay si God, ang sarili natin at ang mga taong tunay na nagmamahal sa atin. Sa case ni Carla at knowing her, tama ang ginagawa niyang maging matibay pa lalo. Alam niya sa sarili nya kung anong kakayahan niya at isipin niyang palagi na this incident will not hinder her para magtagumpay. Sa halip ay gamitin niya ang sitwasyon para lalo syang umangat at balang araw ay ipamukha sa katrabaho niyang iyon kung gaano sya kagaling. O diba, wih conviction yan.
Ikalawa naman ay kasama. Naniniwala akong nagpatibay lalo kay Carla ay ang pakikiramay ng ilang katrabaho. Sabi nga ay "no man is an island." Kahit makaDiyos tayo kailangan pa rin natin ng kasama sa lahat ng ginagawa natin at mismong si God ang nagpapadala sa mga taong iyon. Ang kailangan lang nating gawin ay kilalanin sila at huwag mahiya kung anuman ang kinakaharap nating sitwasyon. Mas gumagaan ang problema kapag may karamay.
Dagdagan ko na ng bonus lesson tutal sinisipag naman ako. Instrument. - Sabi nga ng ate ko in relation to this "purify your heart daw para mas lalo kang pagpalain." Kaya Carla tanggalin mo ang galit mo sa katrabaho mo at isipin mong sya ay instrument ni God para lalo kang magsikap. Isang araw, magpapasalamat ka pa dahil sa paglubog nya sa'yo ikaw ay magsh-SHINE.
Dito nagtatapos ang instant blog ni Ate Shel at sana ay may napulot kayo. Muling paalala, sumali kayo sa 4s upang maexperience rin ang mga blessings na nararanasan namin. Kaya kami naghahanap ng sponsors hindi lang dahil kailangan namin ng suporta kung hindi dahil gusto naming ipasa ang blessings. Kayo rin… Share a Secret Spread Success. Malapit na malapit na.

Comments