Ang kuwento ni Lola BOWsyang
"For whoever is not against us is for us.""If anyone gives you a d rink of water because you belong to Christ and bear his name, truly, I say to you, he will not go without reward.""If your eyes causes you to sin...."
Hello mga kablog! 12:10am dito ng Sunday. Minabuti ko nang gawin ang blog ngayon para wala na akong utang.... 3 phrases ang nakastruck sa akin sa pagbasa this week. I'll explain them briefly through the help of my experiences.
For whoever is not against us is for us. Kung mag-iisip ka ng mga weird na kakilala mo siguraduhin mong kasama ang pangalan ko kasi talagang WEIRD ako. hehehe. Napansin ko kasi sa sarili ko na minsan ayaw ng mga tao sa paligid ko sa isang tao pero ang tingin ko naman ay walang problema sa ayaw nila. Kaya kahit magsabi sila ng mga negative tungkol sa kanya tahimik lang ako at ngingiti lang. Wala kang maririnig sa akin kahit na kaunting salita na aagree ako sa sinasabi mo. Simula pa iyon dati pa hanggang ngayon nga sa bisor ko. Bago pa lang ako lumipat sa bagong department, kabado na talaga ako kasi sabi nga nila mahirap daw pakisamahan iyong head tapos kakaiba pa iyong ugali. One incident pa nga that put me off ay may lumipat doon from our dept. tapos in two months lang nagdecide ng umalis nang tuluyan... Shocking di ba? Maniniwala ba kayong kabonding ko ang bisor ko buong araw kanina? Ang "kinaaayawan" lang naman nila ay kasundong-kasundo ko. Sa lahat nga ng mga naging kasama ko sa bagong department na iyon sya lang ang nagparamdam sa akin na welcome ako pati pala iyong isa. Siguro in general, kapag walang ginagawa sa aking masama ang tao kahit na may naririnig akong masama about sa taong iyon IN pa rin sya sa akin... For whoever is not against us is for us. Examine yourself my friend, aayawan mo rin ba agad ang isang tao kapag may narinig kang negative about him/her o you'll test it yourself?
If anyone gives you a drink of water because you belong to Christ and bear his name, truly, I say to you, he will not go without reward. Maulan dito ngayon at medyo malamig. Marahil sa ibang bansa ay sunny. Sa Bermuda naman ay sunny yata at kung umuulan man ay natutuwa pa ang mga tao kasi narerefill ang mga tanks. Haaaay. Sa Pilipinas ay nalulungkot naman ang lahat dahil sa bagyong nagdaan. Maraming nasalanta kasama na ang barangay namin. Opportunity ito para sa ating lahat na iextend ang blessings ni Lord through helping these people. Malapit na rin pala iyong 4s na hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa Team Pinas. Basta malapit na iyon. Ipagpray nating lahat ang mga kababayan natin.
If your eyes causes you to sin tear it out.... Medyo mahaba iyong verses pero super ganda ng message. Sinasabi roon na kung anuman ang dahilan ng pagkakasala natin kay Lord mabuti nang putulin na natin kaysa maging masaya tayo rito sa mundo tapos pag namatay naman tayo walang katapusang hirap ang mararanasan natin. Medyo mahirap nga lang pero if we look deeper into the positive side mas gugustuhin nating iend ang mga "maling kasiyahan" na nararanasan natin kapalit naman ay everlasting life sa piling ni Lord. Halimbawa. Isang student na imbes na nag-aaral nang mabuti ay nagpapakasaya lang like tambay magdamag or hindi na pumapasok sa school. Kapag ipagpapatuloy niya ang sayang nararanasan niya sa hindi pagpasok sa school hindi nya matatamasa ang saya kapag nakuha nya ang kanyang diploma. Kaya mas mabuti pang putulin na ang happy go lucky stuff at mag-stick sa pag-aaral nang mabuti. In the end, magiging successful ka. Handa ka bang putulin ang mga "maling kasiyahan" na nararanasan mo kapalit ang everlasting life with Jesus?
Haay natapos din ang brief explanation... hehehe.
I really feel guilt kapag nagsabi akong magkukuwento ako ng nangyayari sa akin pero hindi ko naman ginagawa. Pasensya na po. Iba't-ibang sets ang friends ko kaya hindi ko masimulan kung paano ako magkukuwento. Iniisip ko pa lang ang haba na. hehehe. Kaya magkukuwento ako rito nang ilan sa mga nangyari sa akin simula nang dumating ako.
1st week - sobrang pintig ng puso ko talaga. Kung puwede nga lang bumalik sa Bda nang mga panahong iyon ginawa ko na. Sobrang busy kami dahil nga simula ng operation sa isang lugar at halos lahat ng staff ay bago. Parang hindi nauubusan ng ginagawa tapos sabayan pa ng personal needs ko. Syempre hindi lang naman trabaho ko ang nagmove, pati ako nagmove rin. Wala pa akong computer, iyong housemate ko nagmomove rin at kung anu-ano pang mga kachorbahan. Kaya exhausted talaga kasi pagod sa office tapos pagdating sa bahay pagod pa rin. haaay. Pero in fairness ha, todo suporta pa rin sa akin iyong cab driver na nakilala ko nong nagvisit ako kaya sinamahan niya ako nong weekend na bumili ng computer at kung anu-ano pang mga kailangan ko.
2nd week - better na. Talagang may katapusan ang lahat ng paghihirap. Wag lang susuko. Mas maigi na ako ngayon kasi comfortable na ako sa trabaho ko, sa paglalakad ng 20 minutes from our place to the office, sa pagkain ng sarili kong luto (adobo all the time at kung anu-anong anik-anik), at sa kasama ko sa bahay na palaging busy. Medyo established na rin ang routine ko sa araw-araw.
Namimiss ko pa rin ang Bda lalo na ang aking kapatid pero sabi nga dapat magpatuloy, harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay at Never Give Up. Pakisama niyo pa rin ako sa prayers niyo ha. Sa lahat ng mga kaibigan kong pinagkakautangan ko ng kuwento, sana nagbabasa kayo ng blog ko. Kung hindi naman, I'll forward pa rin sa inyo para quits na. hehehe.
God bless us all. bow.
Heto iyong video na narinig ko kanina at nagustuhan ko. Ang ganda ng message...
Comments