Hello Chinchy
“Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it,but whoever loses his life for my sake and that of the gospel will save it.”
Hi mga kablog. Parang sinisindihan ang puwit ko nito e. hehehe. Nasa Public Library kasi ako at may limit lang ang paggamit ng computer. Hindi kumpleto ang week ko kapag hindi ako nakapagblog kaya heto ako ngayon nakikipagsabayan sa maraming users. Simulan na natin bago pa maubos ang oras.
Last week ang main topic ko ay tungkol sa masasayang alaala na iiwanan ko sa Bda. Ang blog naman ngayon ay tungkol sa pagwelcome sa akin ng Chinchy. Ano ang Chinchy? secret yan. check niyo ung ibang blog ko. hehehe.
“Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake and that of the gospel will save it.” Gusto ko lang sabihin na talagang totoo ang sinasabi ng verses na ito. Silipin ulit natin ang kuwento ni Carla. Naalala niyo bang nagsara ang company nila? Alam niyo bang of all things na dapat niyang isipin gaya ng Paano na ang career nya, paano na ang pansarili niyang pangarap nangibabaw pa ang isip nya tungkol sa paano na ang mga umaasa sa tulong nya? Marahil kaya pinagpala sya ni Lord dahil isinasama nya ang kapakanan ng kapwa nya sa pagdedesisyon nya sa kanyang buhay. Irerelate ko naman sa binabasa kong book entitled "The Prayer of Jabez" by Bruce Wilkinson. The prayer is...
Oh, that You would bless me indeed,
and enlarge my territory
that Your hand would be with me,
and that You would keep me from evil.
Pangatlong book nya na yan na nabasa ko at masasabi kong highly recommended talaga. May nakita ako nyan sa Bermuda library at National Bookstore kaya puwede niyong icheck. Natuwa ako sa paliwanag sa unang prayer ni Jabez na You would bless me indeed. Sinasabi ron na maraming biyayang nakalaan ang Diyos para sa atin pero kailangan nating humingi. Iyong iba nagtataka na mayroon 20 wishes pero 2 lang ang natupad. May magandang story na nakastruck sa akin. Mayroon daw namatay tapos inilibot sya ni St. Peter sa langit. Nakita nya ang isang room. Pinigilan sya ni St. Peter na pumasok don dahil ayaw niyang ma-upset ang lalaki. Pero pinagpilitan pa rin nyang pumasok at nakita nya ang maraming boxes na may pangalan. Nakita niya ang box para sa kanya na maraming biyaya pero hindi nya hiningi. Baka meron ka ring kahilingan na akala mo ay impossible kaya hindi mo na pinagdarasal? Huwag mo nang gayahin ang lalaking iyon at simulan mo ng magdasal para God will work in mysterious ways para sa katuparan non. Syempre kaakibat din nito ay God knows everything kaya kung akala mong hindi nya titunupafd ang kahilingan mo isipin mo na may mas maganda Syang plan for you.
Bonus - Thank God dahil may malapit lang palang simbahan sa lugar na tinitirahan ko. Kapansin-pansin na simple lang ang simbahan lalo na iyong altar. Hindi masyadong nadekorasyunan kaya nag-stand out si Hesus na nakapako sa Krus. Bigla kong naisip ang kalagayan ko ngayon. Nandito ako sa ibang mundo, panibagong housemate, panibagong officemates, panibagong work at lalo na ay panibagong culture. Narealize ko na after 3 days ng pagkamatay ni Hesus muli Syang nabuhay. Kaya naisip ko rin na kung anuman ang mga adjustments na nararanasan ko ngayon, time will come at makakasanayan ko rin sa tulong syempre ni God.
Kaya kayo mga bloggers kung anuman ang nararanasan niyo ngayon, ipagkatiwala lang natin lahat kay God. Palagi rin nating tandaan na He will bless us abundantly. All we need to do is ASK.
Bow. Hanggang sa muli.
4s malapit na malapit na.
Comments