I'm ON again!



"If someone wants to be first, let him be last of all and servant of all." Mark 9: 30 - 37

You do not have, because you do not ask. You ask and do not receive, because you ask wrongly, to spend it on your passions. James 3:16-4:3

Hello mga kablog. Another week na naman ang lumipas. Kamusta naman kayo? Ako na lang palagi ang nagkukuwento ha? hehehe. Nakapagsimba na ako kahapon. Ang daming nagsimba at medyo casual na ulit ang pananamit kagaya sa Pilipinas. Sa Bermuda kasi mga nakacoat and tie pa iyong iba at talaga nga namang formal. Kahit na ganoon pinili ko pa rin iyong nakasanayan kong jeans at blouse/shirt. Hindi na nakakailang ngayon dito except wala pa akong nakikitang Pinoy sa simbahan. Simulan na natin ang blog...

Nagtatalo ang mga alagad kung sino ang greatest sa kanila. Kaya sinagot sila ni Jesus ng "If someone wants to be first, let him be last of all and servant of all." Tamang-tama sa naexperience ng department namin last week. Mayroon kasi kaming procedure na hindi pa smooth at sobrang haba ng process. Ayun, lahat lang naman sila ay dada nang dada. AVP, VP, Manager at ibang staff. Ang nakakaloka pa ay sabay-sabay silang nagsasalita kaya sa tantsa ko walang mapupuntahan ang usapan ng gabing iyon. Nakikinig lang ako sa kanila kasi wala pa naman akong K makisawsaw sa kanila. Malay ba nila na magaling ako. ehem. hehehe. Tapos, iyong isa kong katrabaho na tahimik lang pero magaling nagsuggest sya sa isa kong katrabaho. What if...? Sa lahat ng narinig ko sa iba't-ibang katrabaho ko nong oras na iyon, iyong suggestion nya ang palagay kong tama. Tama nga naman si Hesus na kung sino ang gustong mauna ay dapat alam kung paano maging huli at dapat ay marunong sumunod. Natutunan kong pahumble effect muna saka na bumanat kaysa iyong salita nang salita tapos nonsense naman. Let's examine ourselves, sino ka roon, iyong maboka o iyong tahimik pero may dating?


You do not have, because you do not ask. You ask and do not receive, because you ask wrongly, to spend it on your passions. Mayroon na akong computer finally. Grabe talaga ang paghihintay ko bago ako nagkaroon. Alam ko namang naiintindihan niyo ang pakiramdam ng isang OFW na walang computer. Bukod sa malayo sa family, baguhan pa sa isang bansa. Mabuti nga at nagtiyaga iyong kaibigan ko sa Bermuda na magsuggest sa akin ng mga dapat kong tignan sa isang computer. Ayun nga, the plan was to buy immediately kaya nag-order ako online. Akala ko marereceive ko na last week pero wala palang stock. Kaya nagpunta na lang ako sa ibang store, nakabuti pa nga dahil mas mura ang nasa store kaysa sa unang inorder ko. Nakabili naman ako at tuwang-tuwa talaga ako. Sa sobrang excitement hindi ko namalayan na wala pala iyong other part ng charger. Haaay. Minsan talaga hindi maganda na sobrang excited e. Kaya bumalik na naman ako kahapon para kunin ang missing part. In addition to that, bumili pa ako ng mouse na sobrang liit tapos gusto ko sanang palitan kaya lang hindi ako sure kung papayag. Sabi ng kaibigan kong cab driver, "always ask." It reminds me of the Aladdin Factor book. Naayos na naman ang lahat. Napalitan ko na ang mouse, nakuha ko na ang other part ng charge at may $20 phone pa ako. I'm ON again. In summary, kapag may mga kahilingan tayo let's ask God. Ibibigay Niya sa atin kapag makakabuti sa atin pero kung hindi idadirect Niya tayo sa best way. May mga nais ka bang makamit? Ipinagdasal mo na iyon kay Lord? Tandaan mong kapag makakabuti sa iyo, He will grant it.

Hanngang dito na lang muna. Hanggang sa muli. Gusto ko sanang ipakita ang mga pictures ko through Friendster at Facebook kaya lang Friendster doesn't upload more than 2MB files while Facebook needs application (plug-in?) which I don't have. Kaya ginawan ko na lang ng movie. Hope you like it.

My 1st week Chinchy settling in.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?