Open Sesame

Say to those who are afraid: “Have courage, do not fear. See, your God comes, demanding justice. He is the God who rewards, the God who comes to save you.” Is. 36:4

Hello mga kablog! Ilang tulog na lang at magbabago na ang lahat ng mga nakasanayan ko. Kung nasubaybayan niyo ang blogs ko simula sa “Change” way back August o September 2008 maiintindihan niyo kung paano akong nagworry na mawalan ng trabaho, paano ako nalipat from Accounting department to other department, announcement ng pagsasara ng branch namin dito at ang pagbukas ng maraming windows matapos magclose ang isang malaking pinto.

Sana rin ay nabasa niyo na ang “Who Moved My Cheese” kasi napakaganda talaga non at naniniwala akong marami kayong matututunan. Pati na rin ang ibang books na sinasuggest ko.

Balik na tayo sa topic. Have courage, do not fear. Sa totoo lang halu-halong emotions ang nararamdaman ko ngayon. Nakakalungkot kasi ang nangingibabaw pa ay ang kaba at takot. Naoverwhelm din kasi ako ng maraming gawain sa trabaho, pampersonal at mga maliliit na bagay na sa palagay ko ay kailangan ng tulong ko. Nakalimutan ko tuloy humingi ng tulong kay Lord at nagrely lang ako sa sarili kong kakayahan. Kaya nga simula nong isang araw ang naidasal ko ay “Lord, bigyan mo po ako ng lakas para po maharap ang lahat ng gawain sa araw na ito. I-guide niyo po ako sa mga dapat kong gawin.” Medyo nakaramdam naman ako ng relief. Siyempre bukod sa kaba at takot, nalulungkot din ako lalo na maiiwan ko ang mga kaibigan kong para ko ng mga kapamilya at ang kapatid kong si Kuya Ryan. Haaaay. Ganito pala ang feeling ng despedida. Hindi ito same feeling ng pag-alis sa Pinas kasi alam kong babalik ako ron no matter what. Pero leaving Bda ay iba, maaaring makabalik nga ako pero alam kong hindi ko na ito “home.” Basta ganun.

Sinurprise ako kagabi ng grupong Kapatid sa pamumuno ni ate Maricel (Maria Sylvia Munar). Ipinagluto nila ako ng masasarap na pagkain, nagbigay sila ng book called “Love Your Life,” nakakatuwa at nakakaiyak na video of our pictures at naglaan sila ng oras para makapunta sa surprise party na iyon. Salamat Kapatid Team! Parang pamilya talaga ang turingan ng bawat isa kaya nakakatuwa. Sa totoo lang malaki ang naitulong ng party na iyon dahil marami akong mga nakausap na mga kaibigan na gumising sa akin by reminding me of my blessings. Dahil sa takot at kaba naging bulag at bingi ako sa blessings na nangyayari sa akin. “Maraming gustong makapunta dyan pero ikaw abot-kamay mo na. Opportunity na yan. Kayang-kaya mo yan, Ikaw pa.” Mga ganyang pananalita na talagang nagpalakas ng loob ko. Narealize ko rin na sa loob ng 2 taon nagkaroon ako ng maraming kaibigan, pagpapaalala na magagawa ko rin iyon sa bagong mundong pupuntahan ko. Ang lahat ay kakayanin dahil God will come to save me. God will come to save us.

Hingi ulit tayo ng input from my no. 1 sharer. Mamaya pa lang ako magsisimba kaya wala pang homily sa blog ko.

Para sa lahat ng makakabasa nito, sobrang natest ko ang “When door closes, windows open” kaya kung anuman ang pinapagdaanan niyo mapacareer, love matters o kung anuman magpray lang kayo kay God at magtiwala na He’s preparing for the best.

Tungkol naman sa 4s, nasa tabi-tabi lang kami ha. Mailalabas na soon ang plan at sana marami pa kaming maencourage na sumali sa project na ‘to.

God bless everyone.

Nalate lang ang post at maihahabol ko ang homily ni Father. HEAR AND LISTEN. Parang magkapareho pero magkaiba ang meaning nyan. Halimbawa ay nakakarinig tayo ng mga inspirational messages, advices, words of wisdom pero hindi naman natin inaabsorb kaya balewala rin. Inexample nga ni Fr. na para raw tayong binibigyan ng life-saver pero imbes na abutin natin ang life-saver na iyon itinataboy pa natin papalayo by not applying kung anong mga natututunan natin. Guilty rin ako jan at sana maiapply ko na rin sa buhay ko ang mga pinagsasabi ko.
Sleep na muna ako.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?