Blind date...ni Jung
Blind Date
“Jesus said to him in reply, ‘What do you want me to do for you?’ The blind man replied to him, ‘Master, I want to see.’” – Mark 10:51
Hello mga kablogs! Another weekend na naman sa ating lahat. Kakaiba ang week na ito at super special dahil may kasabay ako ngayong gumagawa ng blog. Ayk. Mas masarap pala sa pakiramdam at nakakainspire kasi para kayong nagbebec dalawa. Binasa ko ulit yung Gospel for the week tapos yung sharing namin ay ginagawa namin thru blog. O di ba? High tech na bec. BEC online. Naisip ko tuloy ngayon na sana nga magkaroon ng BEC online. Para kahit nasa malayo, meron pa ring group sharing. Matutupad yun in His time.
Dumako na tayo sa topic natin ngayon. Nagustuhan nyo ba ang title ng blog? BLIND DATE. Hehehe. Hindi sya related sa pag-ibig pero related sya syempre sa pagbasa. Maganda kasi ang Gospel ngayon. Para sa akin, ang ibig sabihin nyan ay tungkol sa pagtupad ni God ng mga hopes, wishes and dreams natin. What do you want me to do for you? Tinatanong tayo ni God kung ano ba ang mga hinihiling natin. Syempre marami. Pero sabi nga sa Homily, alam ni God kung ano ang mga pangangailangan natin at yun mostly ang tinutupad Nya. Marami tayong mga hinihiling pero kadalasan palagi tayong nagiging bulag sa mga sagot Nya sa atin.
Dyan ko ipapasok ang words na BLIND DATE. Kagabi, bago magstart ang mass, nasabihan ako na ako raw ang magfafacilitate ng BEC ng ilang mga kabataan.Nung una, gusto ko na namang tumanggi na ginawa ko nung Saturday, pero sa loob ko, hindi ako tatangggi kasi feeling ko, tatawagin naman ulit ako ni God para makapagfacilitate kapag tumanggi na naman ako kaya bakit nga ba hindi ko na gawin? So, hinanda ko na ang sarili ko na ako ang facilitator. Kaya during the mass, nagpray ako na sana bigyan Nya ako ng Holy Spirit para makapaglead.
Syempre, iba talaga gumana ang Holy Spirit kaya naman nagkaroon ako ng idea kung paano ko padadaluyin ang BEC. Naisip ko na magdala ng bond papers at crayons. Isa-isa ko silang bibigyan ng bond paper tapos tig-iisang crayon din. Sabi ng isa kong malapit na kaibigan, “Ano ba yan, pangarap na naman?” Hehehe. Syempre iba naman. Naisip ko na papapikitin ko silang lahat tapos pagdodrawingin ko ng gusto nilang idrawing. Para bang mga bulag sila na magdodrawing. Gusto ko kasing kunin yung reaction nila sa dinrawing nila. Iniisip ko na mayroong hindi makakatanggap na iba yung kinalabasan ng drawing nila sa gusto nilang idrawing dapat.
Ang explanation ko ay karamihan sa ating lahat ay BLIND. Tayo ay mga bulag sa mga sagot ni God sa ating mga hiling. Minsan hindi natin matanggap ang sagot Nya. Binigyan Nya tayo ng DATES kung kelan matutupad ang mga hiling natin – NOW, NEVER, OR IN HIS TIME. Minsan, alam na natin na NEVER naman ang isasagot ni God sa atin dahil alam din naman natin na hindi gusto ni God na mangyari sa atin yun, pero we still keep on being blind na antay pa rin tayo nang antay sa sagot Nya kahit na alam na natin kung ano yun.
Dahil alam ni God ang mga pangangailangan natin, alam Nya kung ano ang makabubuti sa atin. Sa misa, tinanong ko ang sarili ko kung yung mga hiling ko ba ay para sa kabutihan ko at ng lahat at hindi makasarili. Naassess ko naman na OO. Para sa kabutihan yun, para sa pamilya, para sa kapwa. Sabi ko sa sarili ko, hindi naman siguro NEVER ang sagot ni God basta para sa kabutihan. Siguro nga hindi pa sya NOW. Pero IN HIS TIME, igagrant ni God ang mga kahilingan ko, ang pagtupad sa mga pangarap ko. And I promise, hindi ako magiging BLIND kapag dumating na ang DATE na iyon.
Bowowow.
Sa lahat ay may dahilan si God. Alam nyo bang hindi natuloy ang BEC kagabi? Hindi man LAST NIGHT, natupad ko sya dahil naishare ko yun sa inyo NOW sa pamamagitan ng blog kong ito. O di ba? Galing talaga ni God.
God bless us all always. |
Comments