Connected ka ba?









"What do you want me to do for you?"
"Master, let me see again."

Hello mga kablogs! Nakalipas na naman ang isang linggo na punong-puno ng challenges at excitements. Medyo nalate talaga ang blog ko kasi gusto kong i-include ang experience ko today. Mamaya ko na sasabihin...

Ok iyong tanong ni Jesus 'no? Kanina nga sa simbahan, iniimagine kong tinatanong Niya sa akin yan tapos kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Tapos na nga iyong time ng pagninilay hindi pa ako tapos sa mga requests ko gaya ng finances. hehehe. Ganyan naman talaga tayo mas marami iyong time natin kapag magrerequest kaysa magpraise. Ouch! Ngunit ipinapaalala sa pagbasa ngayon na dapat naiintindihan natin ang mga hinihiling natin. Kagaya nong bulag, kung mabuti ang hangarin niyang makakita igagrant ni Lord iyon. Kunwari, kapag makikita niyang mabuti ang mga taong nangangailangan, tiyak diringgin nga ang hiling niya pero kapag makakakita nga sya tapos magbubulag-bulagan naman sa mga kapwang nangangailangan mabuti pang manatili na lang syang bulag. Nawa'y buksan natin ang ating mga mata lalo na sa mga kapwa nating nangangailangan ng tulong para maging karapat-dapat tayong sumagot sa tanong ni Hesus... "What do you want me to do for you?". bow.

Isa pang gusto kong ipoint-out ngayong week ay tungkol sa REUNION. Sobrang in na in kasi lalo na sa batch namin na 10th year na after graduation. Naalala ko rin si Tatay Tano (SLN), sabi nya sa akin "palagi kang maging connected sa mga kaibigan mo kasi sila ang malalapitan mo sa oras ng pangangailangan." Dadagdagan ko lang ang statement nya ng kayo ang magtutulungan. Palagi kong dala-dala sa puso ko ang paniniwalang ito kaya naman every time na uuwi ako sa Pinas, naglalaan ako ng oras para magkasama-sama kami. Makikita niyo ang mga pictures ng mga kaibigan ko from elementary hanggang college. Kasama rin dyan ang childhood friends ko at church community. Nagpupunta rin ako sa mga offices na pinagtrabahuhan ko, wala nga lang pictures kaya walang ebidensya. Syempre hindi mawawala ang mga relatives ko sa Pangasinan at Mindoro. Naniniwala kasi ako sa kasabihang (Shiela's version) "kapag marunong lumingon sa pinanggalingan mas malayo ang paroroonan." Kahit na gaano kahectic ang schedule ko, God arranged time para makasama ko sila. Sa dinami-dami ng gatherings na yan at iba't-ibang klase ng mga tao, marami akong narerealize. Sa mga gatherings na yan, nakakahalubilo ko ang mga kaiibgan at mga kamag-anak kong nagsisilbing inspirasyon para lalo akong magpatuloy. Sa mga gatherings ding yan, lalong nabubuksan ang mga mata ko sa mga kamag-anak kong nangangailngan pala ng tulong.

To sum up, sa pagdalo ko sa mga reunion:

- lalo akong namomotivate na magpatuloy by meeting successful people. Kung nakaya nila, kaya ko rin!

- naiinspire ko rin siguro sila (?)

- narerealize kong may mga kailangan pala ng tulong

- nag-eenjoy sa mga kuwentuhan at masasarap na pagkain.

- at higit sa lahat I keep CONNECTED.

Nakilala ko si Kuya John sa internet by searching Filipinos na nandito rin sa Oh. Akalain niyo iyon sobrang liit talaga ng mundo. Naging teacher niya ang tiyo ko at maaaring magkamag-anak pala kami. Dahil sa pagiging connected ko sa aking relatives, nagkaroon kami ng connection ni Kuya John Cancino. Thanks po again sa time Kuya John. sa uulitin...

I'm inviting NHS graduates sa Dec. 27, 2009. Check this out. http://2009nhsreunion.shutterfly.com. Mayroon din ang sariling batch natin, wala palang exact date.

Have a blessed week sa lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?