Dub experience of Ms. L

kumusta kayong lahat, sa mga nasa pinas kumusta kayo, kamusta ang Meggy

hai grabeng experience ito, malungkot ang pag alis, di na nga ako nagpahatid, kasi naiiyak na ako pag alis pa lang ng bahay, kung ihahatid pa ako till airport, malamang di ako makapag concentrate sa mga "alibis" ko s imichorba

aga ko sa terminal 1 dahil sobrang trapik sa Marikina, daming truck ng MMDA at ng mga sundalo, on mission sila to clean the entire Marikina, makapal ang putik, laht ng commercial areas affected, ang pila sa mga relief areas parang pila sa show ni willie, sa area lng namin maawa talaga kayo sa tao kasi, kapag nasisingitan ang pila sa relief good nagkakasigawan sila talaga, mabuti kahit papano, 3 kaming nagwowork sa family, ang tindahan kasi sa bahay grabe dilata na lang na save, ang mga dilata pang yun na lang ang lunch at dinner namin dahil sa hirap, kung meron kayong mga ways to help us please, sana masama kami ni ALT sa list, ang exact address namin, Libis Bulelak, Malanday, Marikina City (binigay ko na talaga heheh), if ever magawi kayo dun, please be ware tambak ang mga basura (at the time na umalis ako)

ito na ang kwentong pag alis, twice ako pumila sa imichorba, ang nasa isip ko, sa lalaki at matanda ako pipila para medyo may puso heheh, maawain, in fairness, baliktad ang nasa isip ko, ang unang pila rejected ako, ito ang mga tanong:

1. ano yan (pagka abot ko ng complete set ng papers, visa ticket passport)

2. ano gagwain mo dun (sagot ko, sponsored po ako for visit visa)

3. sang hotel ka (wla ako masagot kasi hindi naman talaga hotel ang titirhan ko, nabanggit ko na lang bigla kung san ako titira, sa osama deira)

4. bakit ka aalis ng pinas, naghihirap na tayo, dito ka na lang maghanap ng trabaho ( hindi po ako magwowork, may ticket na po ako pabalik hehe, sa isip ko pa naghihirap din kaya ako kaya aalis na ako ng pinas hehe)

5. ayaw ko sa mga tourist visa, dun ka na lang muna sa likod ng pila (no choice ako but to leave, syempre feel ko failure ko, pero mas alert pa mind ko, pumila ulit ako s ibang mas matanda na lalaki, at friendly ang face)

the next the pila, hai GODS WILL talaga, napaka smooth, as in wla ng tanong ni HA ni HO, ang una kong binigay ticket at passport lang, sa likod nun ang papel ng travel agent, then ang guarantee letter ni jade, at next ang visa. kung anong sequence sa unang kong pila, binaliktad ko ng ang sequence ng mga papel, umobra naman ang technique at ayun, lucky naman at tinatakan, ang feeling kapag natatakan na ang passport mo, AS IN TALAGANG RELIEF, KULANG NA LANG SUMIGAW KA NG THANKS GOD SA HARAP NG IMICHORBA OFFICER

after ko marelease ng officer, ayaw ko talaga lumingon, sa screening machine, halos nagdarasal pa ako ng thank you thank you jesus, after ng screening, a BIG SIGH ang narelease sa dibdib ko, sobra talga, at nangiti ako sa experience ko sa first na pila ko

4 hours ang waiting time sa hongkong, THE BEST ang hongkong airport, s mga airport na napuntahan ko, naisip ko pa nga pwede lumabas para mamasyal hehhe, malinis sya, yung nga lang mahirap sundan ang mga arrows nila papunta sa waiting lounge ng connecting flight, nakaktuwa at makakaupo na ako malayo sa imichorba ang naisip ko nung nasa airport na ako, iba ibang lahi makikita sa hongkong, bawat marining mong usapan as if HANGIN lang kasi di mo maintindihan, nakakagutom din, kaso ang pera ko in dollars, di pa dapat bawasan kasi alloted for the entire stay in dubai bago magka work, hai buhay talaga, nakakatuwang experience kasi kailangan talaga na GUSTO MO ANG GINAGAWA MO PARA MALUSUTAN ANG BALAKID, KAILANGAN MATAPANG, ALERT, HUWAG KAKABAHAN KAHIT PA REJECTED KA NA

masarap ang pagkain sa cathay, may mini tv pa, sa una mahirap pindutin at gamitin, syempre bago heheh, kalaunan naman masasanay ka na lang din, magand na on ang tv, kasi di mo dinig ang pressure, at na entertain kapa while waiting for the landing, the most awaited landing in dubai hehhe

around pass 3.3 am kami dumating sa dubai, super ganda ang view ng dubai sa taas ng plane, daming ilaw, una kong naisip parang nag aaksaya sa kuryente ang government ng dubai, ang linya ng kalsada makikita mo, kasi sunod sunod ang ilaw, wlang portion ng view sa taas ng hindi pinapalibutan ng ilaw, ang view na yun ang sign na WE ARE HERE FOR ANOTHER ADVENTURE

sosyal din ang pagbaba ng mga pasahero, kasi sasakay ka ulit sa minibus patungong arrival area, ang mini bus nila, isipin niyo na lng ang hitsura ng MRT, ganung at paluwagin niyo lang, lahat nga lang kami nakatayo, halo halo ulit ang amoy, ang salita na parang hanging kung pakikinggan ko, pero di na na sila iindahin, nwlan pa kami ni shane pareho ng load, sa hongkong pa lang wla na ako load dahil lagi akong check ng pamilya ko kung nasan na ako, kung nakasakay na, kung papunta na ng dubai, kung kumain na ako (sabi ko di ako makakain kasi wla akong pera na hongkong dollar heheh)

sa arrival area ng dubai , ayan na ang simoy ng aircon kakaiba talaga, pagpasok ayaw ko tumingin sa mga arabo, baka isipin nila nang aakit ako heheh, ang procedure sa dubai bago ka makaalis sa arrival area ay:

1. eye check up (para ata ito i monitor ang incoming people sa dubai , kaya di ka pwede magkasala dito heheh)

2. passport control (dito tatatakan ng entry ang passport mo, mga gwapo ang officers, yung officer na natapat sa akin crusk ko sya pero suplado, umiingos ingos pa ang ilong niya pero gwapon pa rin talaga kahit sumimangot na sya heheh)

3. baggage claim (nagkamali pa ako ng pila kung san ang area ng baggage namin, nagulat n lang ako may tumatawag sa akin ng MY FRIEND, MY FRIEND, sa isip ko sino itong tao na ito, wla naman ako kaibigan dito na lalaki heheh, MY FRIEND AT KABAYAN ang tawagan ng mga tao dito, di ko pa ma adopt, na asiwa ako heheh)

ngayon ito na kami ni shane hands on sa laptop, alam niyo na heheh

see you sa next kwento

God BLess Us

please include niyo lugar nmin sa mga relief goods na MC. thanks

Comments

Cris said…
sino po kaya itong si ms.L? taga libis Marikina pala sya.. tiga Libis Marikina lang din ako eh. baka kapit-bahay lang tayo...hehehe. mmppp..madami din naman ako fwendship dun eh, isa ka kaya sa kanila? god bless po..

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?