Handa na ba ako?
PYM President with "5 years from now" drawings
syempre mayroon din ako
But watch at all times and pray, that you may be able to escape all that is bound to happen and to stand before the Son of Man. Lk. 20:36
Blog time! Kamusta ang week niyo? Ako, ayos naman, 4 na araw lang pero parang sobra pa sa limang araw sa dami ng trabaho pero ayos lang. Pati iyong sharer natin last week, maayos na rin sya. Nagfocus na lang sya sa kabutihan ng mga officemates nya kaya parang wala na lang masamang nangyari.
1st lighting of advent wreath. May mga ibig sabihin pala iyong mga kandilang iyon sabi ni Google - hope, love, joy and peace. Basta ang pagkakaintindi ko roon ay parang countdown, ibig sabihin malapit ng magChristmas. Ito rin naman ang period ng paghahanda natin sa pagdating ni Jesus symbolically. Heto rin iyong time na aligaga ang marami sa pagbili ng mga regalo, Christmas parties, carollings at kung anu-ano pa. Mabuti nang maging handa nang hindi mabulaga. - But watch at all times and pray, that you may be able to escape all that is bound to happen and to stand before the Son of Man. Lk. 20:36
Ang blog ko ngayong week ay tungkol sa paghahanda. Hindi lang paghahanda ng sarili religiously but iyong paghahanda ng sarili sa tunay na laban ng buhay. Kahit may pagka"manang" ako in terms of spiritual hindi ko pa rin nakakalimutang busugin ang sarili ko ng mga life's principles. Kahit kailan palagi ko talagang babanggitin ang "Begin with the end in mind." Isa kasi ito sa pinapaniwalaan kong principle ni Stephen Covey. Dahil nalalapit na ang panibagong taon, gusto kong samahan niyo ako sa paghahanda ng ating mga sarili.
Sa palagay niyo, sino ang mas makakahit ng target sa dart, ang nakatingin sa target o ang hindi nakatingin? Syempre iyong nakatingin sa target. Ganyan din sa buhay natin mas magiging successful tayo kapag alam natin ang ating target. Alam niyo bang every day na gigising ako, nakaplano na sa isip ko ang lahat ng mga gagawin ko sa buong araw? Nakakatulong kasi iyon kaysa sa susunod na lang sa agos ng buhay. Bukod pa sa pang-araw-araw, alam niyo rin bang kung anuman ang narating ko ngayon, inisip ko na iyon dati pa? Isa sa mga long-term goals ko dati ay "maemploy sa isang stable company before the age of 25." Akala ko nga Megaworld Corporation na iyon nong 23 ako. Kaya lang nong 24 ako pumasok naman sa isip kong sumubok sa ibang bansa kaya heto nag25 ako sa present company ko. Marami pa akong goals na natupad at natutupad na dahil inisip ko at inakong (claim?) mangyayari iyon. Sabi nga sa Law of Attraction by Rhonda Byrne, anuman daw ang iniisip natin the universe will connect us to those things. Sabi naman ni Jesus, basta't makakabuti sa iyo ang mga pinapangarap mo, ipagkakaloob ko in My time.
Actually, marami na akong pinuwersa na gawin din iyong ginagawa ko. Nong magbukas ang library last year (Oct. 4, 2008), pinagawa ko ang pamilya ko, mga kaibigan at PYM ng drawing ng "What I want to be 5 years from now?" Nakakatuwa kasi si Kuya Ryan, nagdrawing ng eroplano meaning gusto niyang mag-abroad. Napunta lang naman sya sa Bermuda noong June 2009. Ang galing kasi wala pang 5 years natupad na nya iyong gusto niya. Si Nanay, nagdrawing (ay nagpadrawing pala) ng malaking bahay with swimming pool at playground. Hindi pa natutupad gaya ng mabilis na pagtupad ng katuparan ng dream ni Kuya Rye pero hindi pa naman natatapos ang 5 years kaya who knows baka isang araw iyong pangarap niyang iyon ay matupad din.
Ano ang kabutihan kapag may target? Ang kabutihan nyan ay maia-align natin ang mga ginagawa natin sa kasalukuyan para sa ating kinabukasan. Halimbawa, pangarap ng isang kabataan na maging Cumlaude o kahit makapagtapos ng pag-aaral. Isang weeknight, niyaya sya ng isang kaibigan niyang tumambay at uminom ng alak. Para sa isang kabataan na walang target, go agad iyon pero para naman sa isang may pangarap ia-assess nya ang mga bagay-bagay bago sya magyes or no. Kung may pasok sya kinabukasan, siguradong hindi papayag iyon pero kung weekend naman makikijoin siguro sya pero not to the extent na magiging lango sya. Parang ganon lang. Dahil alam niya ang kanyang destinasyon, tinatahak nya ang tamang direksyon.
Walang masama kung sasamahan mo ako, ihanda natin ang ating mga sarili sa 2010! bow.
Isa sa mga pangarap ko ngayon ay makapagpublish ng book... ano naman iyong sa'yo?
Comments