I love you Tay!


"Be glad and joyful for a great reward is kept for you in God." Mt. 5-12

Haaaaay. Hiiiiiiiiii. Actually, 2 ang ibig sabihin nyan. Una ay nakakapagod pero masayang weekend at pangalawa naman ay mahabang hi. hehehe.

8:16pm rito. Salamat sa very inspiring blog ng isang sharer. http://cancinomsm.blogspot.com/2009/11/he-will-raise-me-up.html. Nakakatuwa kapag may mga nagbabahagi na rin ng kani-kanilang mga sariling experiences. Mas mabuti ang pakiramdam kaysa sa nagbabasa lang. Kaya iniencourage ko iyong iba na magbahagi rin. Anonymous naman e kaya no one will know na kayo iyong nagshare.

Birthday ng Tatay ko ngayon! Tatay kong namatay at inilibing noong 1996 pero bago pa lang mag-1996 inilibing ko na sya sa puso't isipan ko. Ganyan ako kasamang anak. Iba kasi ang ugali ng Tatay ko, para syang si Hitler sa loob ng bahay tapos bihira pa kaming mag-usap-usap sa bahay... Kanina sa misa, gusto kong maiyak habang naiisip ko si Tatay. Lalo pa akong naiyak kasi wala akong maalalang nagsimba kami nang sabay-sabay, kumain sa labas na sama-sama at family picture (meron pala pero ISA lang). Pero kahit anong klase pa ng ugali nya, kung hindi dahil sa kanya wala ako sa kinakalagyan ko ngayon. Nagpapasalamat din ako sa pagiging mahigpit nya kasi talagang lumaki kaming magkakapatid na disiplinado. Isa sa mga halimbawa na "mapapalad ang mga nahihirapan dahil may naghihintay na kaginhawaan" somewhere along those lines. Alam kong masayang-masaya si Tatay habang pinagmamasdan niya kaming pamilya niya at alam ko rin na palagi niya kaming pinagdarasal. Tay, salamat po sa inyo dahil nahubog kami nang maayos. Hindi man po namin kayo kasama physically, in spirit po sama-sama tayo. Hindi niyo man po nawitness ang mga tagumpay ng mga anak at apo niyo, alam ko pong proud na proud kayo sa amin at gustong isigaw ng puso niyo "Mga anak at mga apo ko iyan... Ang mga bunga ko!" I love you Tay.

Medyo madrama iyong unang part. Ishift natin ng channel.... Salamat sa Diyos at nakaraos na ako sa another low point ng buhay ko. Grabe talaga ang struggles pero muli Nyang tinupad ang mga salita Nya - "Be glad and joyful for a great reward is kept for you in God." Sobra talaga ang mga pinagdaanan ko nitong mga nagdaang linggo pero lahat naman ng panalangin ko ay tinugon Niya. Sobra-sobra pa nga ang mga sagot Niya. Halimbawa na lang ay ipinagdasal ko na sana ay maenjoy ko ang time ko. Grabe ang sagot ni Lord e, talagang bawat oras pinag-enjoy Nya ako. Sabi ko nga, Lord sobra na po. hehehe. Patunay lang na basta kapag ipinagkatiwala natin sa Kanya ang lahat madali nating malalagpasan ang mga pagsubok. Malaki rin ang tulong ng pagdarasal ng mga kapamilya at mga kaibigan natin. Salamat nang marami uli sa lahat ng mga nagdasal sa akin lalo na sa Nanay kong nagnonobena pa para lang ipanalangin kami.

Tanong - Shel, ibig sabihin ba kapag nagdasal ka at nakalampas ka sa low points ng buhay mo TAPOS na iyon?

Sagot - Hindi pa tapos iyon. Natatapos lang ang mga pagsubok kapag tapos na ang mission natin sa mundo. Iyon bang isa ka na sa ipinagtitirik ng kandila kapag Nov. 1. Ayk. Habang nabubuhay ako, I will not be surprised kung may mga dumating pang mas low low points. Ibig sabihin kasi nakapasa na ako sa ibang mga pagsubok kaya He will give me more low points not to harm me but to make me stronger and more faithful.

Naalala ko tuloy iyong advice ko sa kaibigan ko - 2 lang ang choices kapag nakakaranas ng low points - magmukmok o magmove on. Kung ako ang papipiliin magmo-move on ako lalo na't alam kong in His time I will be glad and joyful for a great reward is kept for me in God. bow.

4S - ssssssssoooooooooooooooonnnnnnnn....

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?