OFW experience



Mahirap ang mag apply kung hirap lang ang pag uusap, dahil:

1. Maraming terminated na nandito pa rin sa dubai. Lucky sila dahil mababait naman ang companies, binibigyan sila period na hawakan ang labour permit hanggang magkaroon ng bagong employer, mostly three months ang iba pa nga until makakuha ka na work

2. Madaming work pero mabibigat karamihan with UAE experience ang kinukuha, sa dami ng na terminate, mahirap talagang makisabay sa kanila ang mga baguhan

3. Kapag qualifications naman pinag uusapan, kailangan talagang pangatawanan mo ang resume mo, kung sinabi mong marunong ka, dapat marunong ka tlaga, minsan pa nga, during interview ang trial ay, pahawak sayo ang ilang transactions then input mo sa actual accounting system nila, tapos gagawa ka pa ng whole financial statements (bs, is, cash flow at she), gagawa ka rin ng mga journal entries

4. I consider din sa hirap ng klima dito, usually ang interview pass lunch, ang lunch dito between 1pm to 3pm, isipin niyo na lang ang kasagsagan ng araw sa oras na ito, syempre ang alis mo kung 1pm ang interview around 11.30am, para may allowance sa paghahanp ng lugar

5. Kung magshortlist ang mga companies ng qualified applicant, parang around 6 persons lang, tapos from them mamimili na

6. Sa isang “accountant” na opening, malamang ang naglalaban-laban, lahat ng, may supervisor, manager at baguhan, kaya ganun talaga kahirap ang makipagsapalaran, pero kung decided ka naman, at confident sa qualifications mo, di mo sila iindahin, ang maiisip mo lang, I CAN DEFEAT THEM, heheh

7. Sa case ko, sinasama ko rin sa hirap yung communication, marunong naman ako kaunti sa English, pero parang kapag nakikipag usap na ako sa ibang lahi, nahihirapan akong makaintindi, siguro dahil sa way ng pronunciation nila, kaya keep in mind, YOU HAVE TO BE ATTENTIVE sa kausap mo during interview, dati sa pinas hindi ako madalas tumingin sa interviewer, nakikinig lang ako, ngayon dito, nakatitig pa ako, at pinag aaralan ko pa ang buka ng bibig, watch and listen ang technique

8. Tapos during interview you have to be very CONFIDENT, mahirap ito kasi halo ang kaba mo habang papunta sa lugar ng interview at habang naglalakad mismo, sa case ko ayaw na ayaw kong makakita ng taong naka “abito”, yung bang puting damit, ewan ko ba na nerbyos ako kapag nakikita ko sila heheh

9. Pagpasok din sa building kung san ka ma interview nakaka nerbyos din, kasi hihingin pa ang ID at mag log in ka pa, parang iiwan mo talga ang identity mo sa guard

10. Sa transportation, mahirap din kasi usually ang nasa bus mga lalaki, pero separate naman ang lugar ng babae sa lalaki, usually ang babae na pasahero nasa malapit sa driver ang area

11. Mahirap din kasi dahil siguro iba iba ang kinakain natin/ng bawat tao, kapag nagpawis iba rin ang result, at kung di ka sanay ang isang lugar minsan parang iba ang amoy

Kung employed na naman, mahirap din makisama, iba iba talaga ang ugali ng bawat tao, pinag sisimulan din ng di magandang pakikitungo ang sweldo, kaya kung ma employed na kayo NEVER TELL YOUR SALARY RANGE SA MGA KA OFFICEMATE MO, KEEP IT SECRET AS MUCH AS POSIBLE

Huwag din kayong basta magtitiwala sa bawat makausap mo, lagi mo isipin na may possibilities na HINDI SYA TUNAY NA KAIBIGAN OR NAGMAMALASAKIT

Hai ayan ang haba na, sana mabasa niyo or baka tamarin na kayo hehe

See you sa next blog kung meron pang pwede I blog

God Bless Us

*****Never Regret The Choices You Make. Just Believe In Yourself and Have Faith. Life Isn't Perfect. It's A Blend of Joy and Sorrow But Whatever Life Leads You, It's Because of A Purpose*****

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?