Smile

"Then he called his disciples and said to them, 'In truth I tell you, this poor widow has put more in than all who have contributed to the treasury; for they have all put in money they could spare, but she in her poverty has put in everything she possessed, all she had to live on.''" - Mark 12:43-44

Hello na naman ulit sa inyo mga kablogs! Isa na namang fruitful at blessed week para sa ating lahat. Ano man ang nangyari sa ating lahat ngayong week, marapat lang na tayo'y magpasalamat sa Poong Maykapal.

Picture-picture. SMILE. Click.

Iba talaga ang magic ng NGITI o SMILE sa ating mga buhay. Hindi ako maniniwala na merong isang tao na hindi pa ngumiti sa buong buhay nya. Kasi, bukod sa madaming ways and chances para mapangiti tayo, kahit na hindi mapangiti ang ating mga labi, ngumingiti naman ang ating mga puso, sa mga maliliit na kasiyahang ating nararanasan.

Pero bakit nga ba eto ang napili kong topic ngayong week? Actually, hindi ko rin alam kung bakit. Hehehe. HIndi ko rin alam kung papano irerelate ang magandang Gospel ngayon sa SMILE na naisip kong title. Siguro dahil nakangiti ako ngayon habang ginagawa ko itong blog? O dahil siguro hinahayaan ko lang ang Holy Spirit na pumasok sa akin at pinatype Nya sa akin ang title na to. Hehehe.

Maniniwala ba kayo na sa kabila ng title ko, sobrang nasa low point ako week before dumating ang linggong ito? That's true. Pagsimba ko nga lang kanina, kinakanta pa lang ang opening song, gusto ko nang umiyak. Tagalog mass kasi kaya sobrang feel na feel ko ang misa. Nung pumapasok na yung Filipino priest ditto na si Fr. Angel, nakangiti syang tinitignan at binabati lahat ng mga Pilipinong nagsimba habang papunta sya sa altar. Sabi ko sa sarili ko, kakaiba naman tong paring ito. Dahil nga nasa low point pa rin ako, hindi ko man lang nagawang bumati sa kanya gaya ng ginawa ng iba. Hanggang sa napakinggan ko ang Homily nya at sobrang natuwa ako at napangiti na rin dahil may pagkakomedyante sya. Sabi nya sa Homily, ang tunay na pagbibigay ay ang pagbibigay na galing sa kaibuturan ng puso, na masaya ka na nagbigay ka gaano man kaliit ang tulong na ibinigay mo. Tumanim sa akin iyon. Gaya ng widow sa Gospel na kahit maliit iyong binigay nya pero puno ng pananampalataya at tunay na pagbibigay, iyon ang mas naging kaaya-aya sa Panginoon.

Hindi rin sa pera lang nasusukat ang pagtulong sa kapwa. Hindi rin dapat sa excess lamang. Kung mayroon tayong kaibigan na nangangailangan ng ating pakikinig sa problema nya, hindi na tayo dapat humanap ng free time natin kung kaya naman natin syang gawin sa kabila ng busy nating schedule, na masaya tayong makikinig at bukal sa ating mga puso. Ganon ang tunay na pagtulong at pagbibigay.

SMILE. Sobrang napakasimple ng Homily ni Fr. Angel. Hindi malalim at napakababaw lang. Pero sa kabila ng kababawan at kasimplehan, naramdaman ko ang presence ni God dahil ang Homliy nya at galing sa puso at hindi sa isip. Galing sa sariling mababaw at fruitful nyang experience, at sa pakikibahagi nya ng experiences ng iba. Napakaliit pero ang laki ng naitulong sa akin. Natuwa pa nga akong lalo dahil first time kong nakakita ng pari na nakaSMILE pa rin kahit na namimigay sya ng communion. Nakakatuwa yun di ba?

Naalala ko nga dati sa blog ng mahal nating author iyong tungkol sa SMILE. Minsan kahit na walang dahilan o kahit hindi natin alam, ang pagsmile lang natin sa kapwa natin ay malaking tulong na pala sa kanila dahil iyon ang kailangan nila. Kaya naman, sa maliliit nating paraan, itry nating tumulong. Hindi mahalaga na maliit iyon, ang mahalaga ay ang saya na mararamdaman natin sa pagtulong.

Sana sa maliit kong blog na ito ay napangiti ko man lang kayo. Gaya ng pagsmile ko habang ginagawa ko ito.

SMILE.

Happy happy birthday sa aking minamahal na bro! Lab u.

God bless us all always.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?