Shut up! Support us!

ssssssshhhhhh
10 And the multitudes asked him, "What then shall we do?" 11 And he answered them, "He who has two coats, let him share with him who has none; and he who has food, let him do likewise." 12 Tax collectors also came to be baptized, and said to him, "Teacher, what shall we do?" 13 And he said to them, "Collect no more than is appointed you." 14 Soldiers also asked him, "And we, what shall we do?" And he said to them, "Rob no one by violence or by false accusation, and be content with your wages." Luke 3:10-18
Hello mga kablogs! Ang bilis talaga ng panahon, natapos na naman ang isang linggo. Parang kailan lang nong dumating iyong roommate ko, ngayong araw paalis na sya. Nakaka-3 months na pala kami sa apartment na 'to...

Naaalaala ko tuloy iyong mga unang linggo ko rito sa apartment pati sa office. Para akong kalabaw na aligagang-aligaga na ultimong lunch break nagtatrabaho. Actually hanggang ngayon ganyan pa rin. Tapos sabayan pa ng project na ginagawa ko (iba pa sa 4s) kaya pagdating sa bahay parang nasa opisina pa rin. Paggising sa umaga, nasanay na iyong sarili ko na magbabasa ng bible, kakain ng agahan, maghahanda sa pagpasok, maglalakad ng 20 minutes; pagkarating naman sa office magpray saglit, magstart ng computer tapos hindi ko namamalayan ala-6 na minsan ala-7 pa at inabot pa ako one time ng 9:30; maglalakad ulit ng 20 minutes, mag-iinit ng walang kamatayang adobo para sa dinner tapos magsisimula sa project puwera pa iyong side items na pagrerespond sa mga 4s emails, siyempre may FB rin; magbabasa ulit ng bible tapos (hay sa wakas) matutulog na. Palaging maginhawa ang pakiramdam ko kapag nalalapat iyong likod ko sa kama. Ibig sabihin, another day has gone, tasks accomplished! Hindi ko pala naisama at ang pinakagusto ko sa lahat ay ang pagdaan sa simbahan on the way to office. Gusto ko nga sanang umattend ng mass kaya lang sobrang pagod na talaga kaya dumadaan na lang ako para magpray saglit. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag dumaraan ako sa simbahan na iyon. Una, nakakaiwas ako kahit saglit sa sobrang lamig nang paglalakad at huli ay nakakaranas ako ng silence moment with the Lord at with myself. Sa sobrang busy ng bawat araw ko, naiingayan na ako - ingay ng mga katrabaho ko, ingay ng mga sasakyan, ingay ng paligid at ingay ng inner self ko. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko na minsan hindi ko na mahabol. Nagkakaroon lang ako ng peace of mind sa tuwing dumadaan ako sa simbahan.

Kaninang umaga naramdaman ko na naman iyon nong umattend ako ng mass for the celebration of the Feast of Our Lady of Guadalupe. Kagaya rin sa mga nababasa kong inspirational books, mahalaga raw na tumatahimik tayo at kinakausap natin ang ating mga sarili. Sabi rin ng mga religious books na nabasa ko, mahalaga ang silence kasi nabibigyan ng pagkakataon na marinig natin ang Panginoon. Kapag tumatahimik ako, marami akong naiisip na makabuluhan. Parang binibigyan ako ng instructions kaya naman pag nagka-chance sinasabi ko agad sa mga kasamahan ko iyong mga naisip ko. Iniimbitahan ko rin kayong tumahimik kahit sandali. Pakinggan niyo ang sinasabi ng sarili niyo pati ni Lord. Baka sobrang busy ka sa pagtahak mo sa isang destination at hindi mo namamalayan na sinasabihan ka na ni Lord na "My child, change your direction."

Tungkol naman sa pagbasa. aha! Tamang-tama sa 4s promotion ha. hehehe. Hindi ko na kailangang ipaliwanag kasi self-explanatory na kaya nga inalagay ko na iyong mga related verses. Makikiambon lang sana kami ng mga blessings niyo kung gagawin niyo iyong sabi sa verse 11 "He who has two coats, let him share with him who has none; and he who has food, let him do likewise." Suportahan niyo naman ang project ng 4s sa pamamagitan ng pagbili ng lapis o kaya sa pagdodonate ng maluwag sa inyong mga puso at bulsa. Alam kong bawat isa sa atin ay may malasakit sa edukasyon ng mga kabataan. Hindi kakayanin ng isang individual na makapagpaaral ng isang kabataan kaya naman narito ang 4s para pagsasama-samahin ang mga donations ng mga mabubuting individuals na siyang isusuporta sa pag-aaral ng mga deserving youth.

For more information, please visit our website and to start watch the videos there.


bow. Next week ulit.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?