Suffering => Rewards



"...Everything crooked will be made straight and the rough paths smooth." Lk. 3-5

Hello mga kablog! Kamusta kayo? Ako heto, medyo inaantok dahil maaga akong nagising kanina at sobrang pagod din sa office nitong mga nakaraang araw. Kahit ganoon, masarap pa rin sa pakiramdam kasi kaya ako nagising ng maaga dahil pinilit kong makapag first friday mass. Thank God nakaabot ako. Okidoks, enough for the introduction. Ang kuwento natin ngayon ay tungkol kay Carla. Aariin kong ako ulit para mas madaling magkuwento.

Hi mga readers, ang dami kong gustong ishare sa inyo sana maaliw kayo habang nagbabasa. Sa mga naranasan ko recently, muli ko na namang narealize kung bakit ko kailangang pagdaanan ang lahat ng mga pinagdaanan ko dati. Isa akong Accountant at mayroon akong work experience na ang ginagawa ko ay ang magreconcile ng mga hiniram na pera ng mga empleyado. Madali lang sana ang trababho pero ang masaklap nyan ay ang maka-encounter ng mga "special officemates." Meaning akala mo kung sinong hindi nasisikatan ng araw. May mga times na gusto kong ibalik ang pasigaw o pagalit na pag-approach nila sa mga calls ko. Idagdag pa ang internal auditors na nangungulit ng mga reports.... Gone are the days...

Dahil sa ecomic crisis hindi na Accounting related ang trabaho ko ngayon at nangibang bansa na rin pala ako. Nandito na ako sa London, sa isang bagong buong department na ang main job ay makipagcoordinate sa mga mayayamang investors, sa mga managers na sobrang busy, sa mga tulirong Accountants at sa ibang mga officemates na hindi marunong magdala ng hectic schedule. Last week, may 3 bagong funds na ipinasa sa akin. Bagong clients kaya ibig sabihin mas maraming trabaho dahil launching. Sabayan pa ng isang onboarder na masyadong pushy. "How long will you do it? Why it's taking so long?" ang sabi nya na mataas ang boses. Ako naman kahit medyo ngarag na, cool na cool pa rin pero deep inside dasal na ako nang dasal. Tapos, naaalala ko pa iyong maraming files na nasa harap ko noong nasa Pinas pa ako sa mga files ding nakalatag sa table ko noong mga araw na iyon. Parehong-pareho at ang pinagkaiba lang ay ang bansa. Salamat sa Dyos kasi itinuro Nya na sa akin dati pa kung paano iapproach ang mga ganoong incidents kaya hindi ako masyadong nahirapan. Kauna-unahan ko ring umalis sa office ng 9:30pm pero sobrang sisiw dahil sa Pinas inabot ako ng 5:00 - - AM.

Basta isinusuko natin ang lahat kay God, He'll be with us and everything crooked will be made straight and the rough paths smooth. Sobrang tested na 'to at sobrang thankful pa nga ako sa lahat ng mga karanasan ko dahil marami akong natutunan gaya ng pakikisama sa mga officemates, pakikitungo sa mga managers, pagiging friendly, pagiging organized at higit sa lahat ay higit na pagtitiwala sa Dyos.

Oo nga pala mga readers, gaya ni Shel addicted din ako sa FB. Sa mga araw na iyon nakabasa ako sa wall posts:

...the fear of suffering is worse than the suffering itself. And that no heart has ever suffered when it goes in search of its dreams, because every second of the search is a second's encounter with God and with eternity... - The Alchemist (Jerielle Jade Dulagan)

Life is full of uncertainties and surprises...controlling the outcome is not a good option...having fun with the process is more likely to work...in simplier term, ENJOY LIFE! :) (Angelo Maduli)

Kung ieexplain ko pa iyong mga quotes, hahaba na naman 'to. Sa aking maikling pananalita, ang masasabi ko lang depende sa tao kung paano titignan ang suffering. Gaya kung paano mo titignan ang isang basong may kalahating laman. Is it half-empty o half-full. Sa suffering, pinapahirapan ka ba o pinapatatag ka para sa mas rewarding na roles. At sa kabila ng mga nararanasan nating paghihirap, let's enjoy life. Let's have fun.

Para sa mga BEC facilitators, puwede niyong gamitin itong thoughts to ponder:

Anu-anong mga sufferings ang nararanasan mo ngayon? Sinubukan mo na bang tignan positively kung bakit nangyayari sa iyo ang mga iyon? Higit sa lahat, humingi ka ba ng tulong kay God?

bow.

Thanks Carla at sa lahat ng umattend ng 1st meeting ng 4s. Umuusad na po kami. Para sa kinabukasan ng kabataan kami ay inyong samahan. Buy lapis for only Php50.00.

You can manifest your gratefulness by revealing your keys and extending your blessings.
Share a secret, spread success!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?