Ang pagbabalik - unang hirit
While he was praying, the heavens opened: the Holy Spirit came down upon him in the bodily form of a dove and a voice from heaven was heard, "You are my Son, this day I have begotten you." Lk. 3:21-22
Happy New Year sa lahat! Matagal din akong hindi nakapagblog kaya sobrang namiss ko talaga at pakiramdam ko ay parang may kulang.
Bagong taon, bagong buhay, bagong bahay, bagong pagsubok....
Isa sa mga matitinding pagsubok sa buhay ko ay ang period bago matapos ang 2009 at simula ng 2010. Ilan sa aspeto ng buhay ko ay magulo, sobrang magulo. Dumating ako sa Cinci from Bermuda on Dec. 28th 11:20pm tapos pumasok ako sa office kinabukasan. Gaya ng inaasahan sobrang daming dapat ayusin sa trabaho. Lagpas pa sa mga daliri ko ang mga mistakes na nacommit ko, ibang-iba sa Shiela na pagkakakilala nila. Sabi pa nga ng isa, "I couldn't believe that you enetered it incorrectly because you are known as good." Nakakataba ng puso pero pasalamat na rin ako sa mga nangyari para hindi mataas ang expectations sa akin. Sa trabaho pa lang yan ha.
On the other side, lumipat din ako sa bagong apartment. Aligagang-aligaga ako sa paglilipat ng gamit from one place to another. Mga gamit gaya ng mga damit at ilang bagay na nabili ko from my previuos roommate. Dahil sa hindi pa sa sanay sa bagong lugar at sa sobrang daming dapat gawin sa office, ilang araw din na ilang oras lang akong nakakatulog. Medyo maaayos na ngayon aang tulog ko at ang apartment pero may mga dapat pa ring bilihin.
Mayroon din akong big project bukod sa 4s na ipinagpaliban ko muna. Dapat this month ang accomplishment non pero ginawa ko ng February dahil nga kailangan ko ng mas maraming time.
Tama nga ang kasabihang "This too shall pass." Nalagpasan ko na rin at sobrang pasalamat talaga ako sa pagdinig ni Lord sa mga prayers ko. While he was praying, the heavens opened: the Holy Spirit came down upon him in the bodily form of a dove and a voice from heaven was heard, "You are my Son, this day I have begotten you." Salamat sa pagpapadala Niya ng mga taong tumulong sa akin. Salamat sa taxi driver na nakilala ko na tumulong sa paglilipat ng mattress at ibang gamit ko, sinamahan din nya akong bumili ng mga gamit sa Walmart. Salamat sa mga officemates kong kahit na usi matutulungiin pa rin, sila naman ang nagbigay sa akin ng dishes, utensils at tinulungan din nila akong maglipat ng ilang mga gamit. Higit sa lahat, lubos ang pasasalamat ko sa pamilya ni Ate Virginia. Sa bahay nila ako nagcelebrate ng new year at ramdam na ramdam ko na bahagi ako ng pamilya nila. Bukod pa diyan ay tumulong din silang maglipat ng iba ko pang gamit. Marapat ding pasalamatan si Fr. Joe na palaging nagbibless sa akin pag nagkikita kami after mass. Si Betsy din na kakakilala ko lang sa bagong parish na sinisimbahan ko ngayon. Inimbitahan nya ako sa isang festival na sobrang ganda. Salamat din kay Fr. (hindi ko pa kilala kung sino sya) na nagbigay ng ticket para mapanood ko iyon.
Ang hirap bumalik at magsimula ulit kapag galing sa ganyang stressfull period. Naisip kong ipagpaliban muna ang blogging at 4s ngunit may maliit na boses na nagsasabi sa aking dapat ipagpatuloy ko ang mga gawaing ito. Mabuti at mayroon akong video na kapag napapanood ko nareremind ako ng mission at accomplishments ko sa buhay. (sabihan niyo ako kapag gusto niyo ring mapanood)
Ang blog na ito ay nagpapaalala sa ating lahat na gaya ng taon na may katapusan ganoon din ang pagsubok na nalalagpasan. Manalig lang tayo at maging mas faithful pa na palagi nating kasama si Lord. bow.
Have a blessed new year everyone!
Comments