BIG little things with love

So faith, hope, love remains, these three, but the greatest of these is love. 1 Co. 13:13

Hello mga kablogs! Dumating na naman ako sa feeling kagaya last week. 2 lang ang choices ngayon, ang manood ng movie o magblog. Dapat kasi magchachat kami kaya lang may date sina Nanay. Kagabi ko pa naiisip iyong topic tapos pagkabasa ko sa gospel, sabi ko parang ang hirap irelate... Tignan natin kung papasa sa mga readers.

2 beses akong na-incomplete sa packets na sinubmit ko sa Boss ko kahapon. Ibig sabihin kulang ang information na nailagay ko at iyong isa naman hindi ko napirmahan. Nagkausap din kami ng isang client na hindi raw nailagay iyong fax number sa statements. Sa sunod-sunod na pagkakamali sabi ko parang tinuturuan ako ha. Pahabol pa pala at talagang nakapagtrigger ay tungkol sa bill ng apartment, sa sobrang excitement, hinulog ko agad sa mailbox iyong envelope with payment. Pagbalik ko sa bahay at pagtingin ko sa bill, may nakalagay palang "please return top portion with your remittance."
Maliliit na bagay pero kapag nakaligtaan maaaring maging malaki ang effect. Sa kabilang banda naman at gusto kong pagtuunan ng pansin ay maliliit na bagay pero kapag pinahalagahan siguradong mapapakinabangan at may magandang kahihinatnan.
Kung papansinin natin maraming mga bagay-bagay, mga pangyayari, mga opportunities at mga tao sa buhay natin ngayon ang nagpapaalala sa ating nakaraan.
bagay - unang-una na ay ang chess. Palagi akong nagpapasalamat na pinahalagahan ko ang bagay na ito noong bata pa lang ako at hanggang ngayon nga ay hilig ko pa rin though hindi na ako nakakapaglaro, pero naipasa naman kay Kuya Ryan kaya natutuwa talaga ako.
pangyayari - habang nagluluto ako kanina ng adobo na sobra-sobra sa akin, naalala ko iyong mga times na gipit na gipit kami at kapag adobo ang ulam tig-iisang pakpak lang kami ng manok... (meaning nito? see prior blog)
opportunities - ito iyong mga times na lumabas iyong talent natin tapos napapakinabangan natin ngayon. Halimbawa, bata pa lang ako parang pinuno na ako ng barkada namin. Ngayon, nagagamit ko iyong talent o nagamit ko nong active pa ako sa PYM.
tao - marami ito. Kay Maam Ramirez ako magkoconcentrate kasi nagtiwala talaga sya sa kakahayan ko nong High School pa lang ako. Nagbigay lakas loob sa akin na lalo pang magsikap.
Ilan lang ang mga iyan sa aking buhay. Kagaya ko marami rin sa iyong buhay na kung titignan ay maliliit pero kung iisipin mong mabuti may mga dahilan ang mga iyon kung bakit nangyari o nangyayari sa atin. Marahil, may mga nakakasalamuha ka ngayon na hindi mo masyadong pinapahalagahan kasi sa isip mo wala syang dating sa buhay mo pero wag ka baka sya pa ang may malaking impact sa buhay mo in the future. Marahil may mga pinagdaraanan ka ngayon na binabalewala mo ngunit kung titignan mo maaari mo palang dalhin ang lessons sa patuloy mong paglalakbay. Marahil ay may mga opportunities that come in your way na hindi mo pinapansin pero kung tutuusin, iyon pala ang magrereveal ng talents mo. Maraming-marami pang mga maliliit na bagay. Matutunan sana nating pahalagahan ang mga bagay na ito at ambunan ng kahit kaunting pagmamahal. So faith, hope, love remains, these three, but the greatest of these is love. 1 Co. 13:13
In addition to that, sa mga maliliit na bagay na ginawa natin sa ating kapuwa na may halong pagmamahal, hindi natin namamalayan na malaking bagay na iyon para sa kanila.
"Never get tired of doing little things for sometimes, those little things occupy the biggest part of their hearts." - text message
bow. sakit ng ulo ko...

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?