Bola ng Kapalaran
They have no wine... "Do whatever he tells you Jn. 2:3-5
Hello mga kablog! Mahirap talagang bumalik sa mga nakasanayan na kapag itinigil pansamantala. Kahapon ko lang naaalala na dapat magblog pala ako. Kaya heto na ulit ako. Sana ay maenjoy niyo ang blog this week. Ang binasa sa mass ay Jn. 2:1-11 pero sa Pinas yata iba ang pagbasa kasi ipinagdiriwang ang Feast ni Sto. Nino. Sana magblog iyong sinabihan ko para may input din tungkol sa pagbasa na yan.
"Sana marami na lang akong pera. Sana mataas ang sahod ko. Sana lahat ng mga pangangailangan ko, madali kong makukuha." Ayan ang mga kataga ng kaibigan ko. Nahaharap kasi sya sa maraming gastusin. Gusto niyang magbakasyon kasama ang kapatid nya, gusto niyang paligayahin ang Nanay at kapatid niya by giving them a gift of SG trip, gusto niyang tumulong sa mga kamag-anak at mga kaibigan, gusto niyang mafulfill ang pangarap niyang magandang bahay para sa kanilang pamilya at maraming-marami pang pangarap. Pinilit niyang magpursue ng pag-aaral para nga tumaas ang market value ng salary niya pero dahil sa mga pinagdaanang unos, itinigil niya na muna. Nalagpasan niya na ang mga unos na iyon (Thank God) pero nahihirapan na siyang ibalik ulit iyong mood. Imbes na nag-aaral, inaatupag ay ang pag-iinternet.
Gaya ng pagbasa - naubos ang wine sa kasalan sa Cana - dumarating din sa buhay natin na nauubusan tayo. Nauubusan tayo ng lakas physically, emotionally, financially at spiritually.
Ngunit nagsabi si Mama Mary kay Hesus ng "They have no wine." Ganoon din ang inaasahan sa atin ng Diyos na magsabi tayo ng mga hinaing natin sa Kanya. Sa pagsasabi natin ng ating mga hinaing hindi natin namamalayang ginagabayan na tayo at sinasabihan ng mga instructions na makakabuti sa atin. "Do whatever he tells you."
Sa mga kataga niya, naaalaala ko rin iyong Kuya ko at ilang mga kaibigan na naniwala sa mga SPAM messages (kesyo nanalo ng 1M). Kahit nga ako, naniwala rin dati noong kasalukuyang naghahanap ako ng trabaho. Sabi roon, hiring daw ang isang big hotel sa London kaya todo pasa naman ako. Narealize ko tuloy na puwede tayong maging madaling mayaman kung totoo ang mga iyan pero hindi ganyan ang rule ng buhay. Lahat ng mga achievements at success ay kailangang pagtiyagaan at paghirapan. Kahit nga ang pagtaya sa lotto, kailangang pumila at magtitipid para may pantaya. Ayan ang tinatawag na success via hope at wala tayong control don kasi depende iyon sa mga bola. Pero ang magandang balita, there are ways para maging successful tayo at under control pa natin ang mga bagay-bagay. Gaya ng kaibigan ko, kung magiging disciplined sya at magpofocus sa pag-aaral, ilang taon lang ay makakamit niya ang higit na tagumpay. Maaaring tulad mo rin na may mga gustong gawin pero natatakot sumubok. Nagtitiyaga ka sa isang bansa na hindi masyadong mataas ang kita pero kung susubok kang magpasa ng CVs sa Bda o sa iba pa baka mas tumaas ang sahod mo. It reminds me of my friend na talagang nagtitiyaga sa pag-aapply sa Auzzie. Tandaan nating tayo ang gumuguhit ng ating kapalaran. Samahan natin ng sipag, tiyaga, disiplina at dasal siguradong magandang bukas ang naghihintay. bow.

Isang mapagpalang linggo para sa lahat. Hanggang sa muli.
Comments