Opportunity

This they did and caught such a large number of fish... Lk. 5:6

Hello mga kablogs! 12:51 ng hapon dito. Inaantok ako pero sabi ko magbablog muna ako kaya heto na.

Ang topic natin ngayon ay tungkol sa OPPORTUNITY. Naalala ko iyong isang reviewer sa ACE na si Sir Frank (sana tama ang tsamba ko sa pangalan). Kakaiba ang style nya 'pag nagtuturo - minsan bigla na lang syang sisigaw o kaya kakalabugin nya ung floor para magising kami. Ang pinakagusto ko sa lahat ng sinabi nya ay tungkol nga sa opportunity. Sabi nya kasi, "Bakit kayo matatakot sa board exam? Hindi ba dapat ay nagagalak kayo kasi opportunity iyon para makamtam niyo ang pangarap niyo?" Tama nga naman kasi ang actual board exam ang mag-eend sa hirap ng pag-aaral at iyon din ang magsisilbing simula sa pagtupad ng mga pangarap. Kaya simula nong sinabi nya parang naexcite ako sa exams pero may halong kaba pa rin syempre.

Narealize ko lang na depende nga sa tao kung paano nya tinitignan ang isang bagay. Maari nating tignan ang isang bagay as threat or opportunity pero mabuti na kung maging optimistic at tignan ang mga bagay-bagay bilang opportunities na dapat igrab...

Sobrang saya ko talaga sa pagsali ni Kuya Ryan sa International Chess Tournament sa Bermuda. Sya iyong tipo ng taong mahirap iconvince. Masyado kasi syang takot dati at hindi nya ini-enjoy ang risks. Kuntento na sya dati sa kung anong mayroon sya. Iyon ang pinagkaiba namin kasi ako, I always value once in a lifetime experiences kaya whatever it takes talagang pinipilit kong maging part ng events kagaya non. Kung nasa Bda pa nga rin ako, malamang kasali ako ron at naghahanda na para sa Chess Olympiad. He's changed at ngayon nga ay sumali sya sa tournament at naeenjoy niya ang saya na maging part ng big event na 'to. He's already won as 1st placer sa rating nila. Sa pagwelcome nya sa opportunities, nararanasan niya ang saya at lalo pa nyang napatunayan ang husay niya. Higit sa lahat, hindi niya batid na labis ang kaligayahan ng mga kapamilya nya lalo na siguro ang tatay kong pasimuno ng lahat kung bakit ang Cancino siblings ay mga chess players. I love you Bro and I'm very proud of you. Makahalubilo mo lang ang mga Grand Masters, malaking panalo na, idagdag mo pa ang saya at libreng food. hehehe. :-)

This they did and caught such a large number of fish... Lk. 5:6

Another topic ay tungkol sa 2010 election. Sa totoo lang dumating sa time na nawalan na ako ng gana sa election. Sabi ko bakit pa ako makikialam, wala rin namang patutunguhan. Bakit hindi ko na lang pag-igihan dito sa ibang bansa tutal wala na namang pag-asa ang Pilipinas. Hanggang sa napanood ko ang Harapan sa http://www.pinoychannel.tv/. Doon ko napakinggan ang mga sagot ng mga tatakbong presidente. Aaminin kong doon lang umikot ang aking judgment. Sobrang nakakaturn-off ang mga sagot ng iba at talagang napapailing na lamang ako habang naiisip kung sakaling ang mga iyon ang manalo. Iyong iba naman, sa tingin ko ay nag-aaksaya lang ng panahon kaya sana mag-give way na lang sa may tunay na abilidad. Pagkatapos kong mapanood, nakapili ako ng 3. Dahil hindi naman ako masyadong aware sa mga nangyayari sa Pilipinas, basta ko na lang ipinost sa wall ko ang tungkol sa napanood ko at sobrang pasalamat dahil may mga nagreact kaya hanggang sa naeliminate na ang 2.

Gusto niyo bang malaman ang napili ko? Obvious na obvious naman dahil sya na ang laman ng aking wall at naadDICK na rin ako sa panonood ng videos about him lalo na ang magagaling na pagtugon niya. Wala man ako sa Pinas pero batid kong mayroon pa rin akong opportunity para ipangampanya ang sa tingin ko ay makakatulong sa pagbabanibago ng ating bayan. Subok na matibay, subok na matatag, si Gordon ang magliligtas ng bayan.



Kagaya ko, mayroon ka ring pagkakataong maging change agent ng ating bayan. Ipangampanya natin ang makakatulong sa ating bayan! Who knows sa ating munting paraan ay maaaring marami tayong maimpluwensyahan.

This they did and caught such a large number of fish... Lk. 5:6


Huwag sana nating hayaang makaupo ang mga threats na lalong maglulubog sa ating bansa bagkus gamitin natin ang ating opportunities para makatulong sa pagsagip ng ating bayan.


Ngayon pa lang ay Gumising na tayo at sama-samang Gabayan ang ating mga kababayan nang sa gayon ay Guminhawa ang ating Bayan. Gogogo Gordon Bayani!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?