tyamba
"Rejoice in that day and leap for joy, for a great reward is kept for you in heaven." Lk. 6:22
Hello mga kablogs! Usually kapag nagbablog ako ang background ko ay religious songs, dahil valentine naman ang background songs ay Air Supply album. :-) Ang blog na ito ang isa sa mga simple at short pero sana matuwa pa rin kayo.
Sobrang adDickted ako sa kakaFB kaya marami akong nababasa tungkol sa love - may masasaya, may mga kinikilig, may mga nalulungkot, may mga nagmumukmok at kung anu-ano pa. Naisip ko rin ang mga love stories ng mga taong nakapaligid sa akin - may mga masasaya at may malulungkot din.
Nag-isip ako kung paano ko sya ililink sa isang bagay. Tamang-tama kasi nagexperiment akong magluto ng ulam kahapon. Para po sa kaalaman ng iba, piniritong ulam lang ang alam kong lutuin. Kahapon, sinubukan kong magluto ng "Shiela's menyudo," pinagsama-sama ko lang iyong karampot na hiwa ng baboy, green pepper, patatas at tomato paste. Maayos naman ang kinalabasan(?).
In relation sa pag-ibig, minsan may mga pag-iibigan na hindi tama ang timpla. Pero hindi ibig sabihin na kapag nabigo, katapusan na ng mundo. Dahil gaya rin ng ulam na walang lasa, maaari pang retokehin o kaya kung wala na talagang pag-asa, magsimula ulit ng bagong putahe.
Para naman sa masasayang pag-iibigan, ibig sabihin lang non at kagaya rin ng bawat rekado ng isang ulam, gumagawa rin ng paraan ang involved parties para pasayahin ang pagmamahalan.
Ayun lang!
Ito ang aking tyambang ulam... yummy!
Comments