Musketeers



This man welcomes sinners and eats with them...
Father, I have sinned agains God and before you. I no longer deserve to be called your son.
His father was so deeply moved with compassion that he ran out to meet him, threw his arms around his neck and kissed him.
We shall celebrate and have a feast, for this son of mine was dead and has come back to life.
He was lost and is found.
And for that we had to rejoie and be glad.

Hello mga kablogs. 6pm na rito na sana 5pm pa lang kung hindi dahil sa DST. Tuwing November ay nagbibigay sila ng 1 hour at binabawi naman kapag March. Wala lang nabanggit ko lang.

This week, halos lahat yata ng mga don'ts ko ay ginawa ko. Isang halimbawa ay ang pagsali ko sa usapang nakakasira sa ibang tao. Marami pa pero hindi ko na sasabihin... Baka kasi lalong bumaba ang tingin niyo sa akin. Hehehe.

Nararamdaman ko how Satan was tempting me do those things at ako naman na akala kong matatag na hindi madadala ng mga tukso, nakaya pa rin ni Taning. Narealize ko na habang nasa stage ng temptation, masarap ang feeling pero pagkatapos na nandyan na iyong mga regrets tapos hindi na mawala sa isip iyong mga nangyari. Na parang sa bawat bagay sa paligid, nakikita mo ang kasalanan. Nandoon din iyong pagsisisi at pagkahiya sa sarili lalo na kay Lord. Kapag nakakaviolate ako parang gusto ko nang itigil ang pagbabasa ng bible, pagsend ng mga verses at iba pa. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat. Haaaay. Mabuti na lang napakaganda ng pagbasa ngayon. Kahit pala gaano tayong nagkamali, God is always waiting for our return. Magcecelebrate pa nga Siya sa ating pagbabalik kasi nabuhay tayo mula sa kamatayan dahil sa pagkakasala. Talagang napaka-merciful ni Lord at palaging bukas ang puso Niyang patawarin tayo.

Para sa mga Kristiyanong isinasabuhay ang panahon ng lent, magpakatatag tayong lalo kasi ginagamit din ni Taning ang time na ito para tuksuhin tayo. Kung sinong kumagat ay talo. Kapag naging matatag naman, masaya sa pakiramdam at natutuwa si Lord.

Dahil nabanggit ko na ang temptations, medyo magdidiscuss na rin ako ng kaunti base sa mga natutunan ko. Sabi nila, ayos lang daw ang temptations. Hindi kasalanan na tinutukso tayo pero ang kasalanan ay kapag kumakagat na tayo sa tukso. Hindi kasalanan na alukin tayo ng mansanas pero kapag kumagat na sa mansanas doon na nagkakaroon ng pagkakasala. Napansin ko rin na ang kasalanan ay puwedeng sarili mo lang ang apektado, dalawa kayong apektado o maraming apektado at sa lahat ng iyon palaging kasali si Lord sa mga naaapektuhan.

Bigyan natin ng halimbawa. Mayroon akong kaibigan na gustong-gusto ng chocolates kaya lang hindi good sa kanya lalo na at nagdadiet sya. Sabi niya igi-giveup raw niya ang chocolates ngayon lent. Sobrang wise ni Taning na sa halos lahat ng pagkakataon ini-aattract niya sa chocolates ang kaibigan ko. Akala ng friend ko matatag na siya pero hindi niya mapigilan kaya napakain siya ng Musketeers, maraming musketeers. "Sobrang sarap talaga." comment pa nga niya. After naman noon, nagkaroon siya ng guilt feeling at nahiya siya sa sarili niya at kay Lord dahil nga nagpadala siya sa tukso. Kung wala siyang special someone na nagkacare sa figure niya, SIYA lang ang apektado sa "kasalanang " ginawa niya. Pero kung nakapangako siya sa kanyang special someone na magdadiet, DALAWA silang apektado. At kung pati pala mga kaibigan at kapamilya niya ay gusto rin siyang maging sexy all the time, MARAMI silang naapektuhan. At sa lahat ng pagkakataon, nalalaman ni Lord ang nangyayari sa atin. Kapag may mga nagagawa tayong mga bagay na hindi kaaya-aya, nalulungkot Siya.
Napakababaw lang na halimbawa ang chocolates pero it can be linked to other things. It can be linked to your own life depende sa kinakaharap mo ngayon. Habang maaga pa at ikaw pa lang ang naaapektuhan ng kasalanan mo, tigilan mo na. Kapag dalawa kayong naapektuhan, tigilan mong lalo at kapag marami kayo, maawa ka sa sarili mo, may pag-asa pa. And remember God is so merciful and really loves us.
Nagkakasala pa rin ba ako? baka tanong ng iba. Ang sagot ay OO. Ako ay makasalanan kaya't gumagawa ng paraan para makapagwarn. :-)

Ayun lang.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?