Follow Him
"Feed my sheep... Follow me."
7:43pm. Hello mga kablog! Kamusta ang nagdaang week niyo? Ako, heto parang nasasanay na sa dami ng ginagawa sa office. Sana one day, maiba naman. Sana talaga. Simulan na natin ang blog.
Follow me... Sa totoo lang ang ganda ng pagbasa at maraming puwedeng piliin para pagnilayan. Dahil sa palagay ko napapanahon ang napili kong topic, doon ako magpofocus-expectations. Expectations sa sarili o expectations ng ibang tao ay minsan mahirap i-carry. Kapag mataas ang expectations sa 'yo parang feeling mo bawal kang magkamali o kaya dapat lahat ng gagawin mo ay tama sa paningin ng mga nasa paligid mo. Gaya na lang ng pamangkin ko, simula 1st grading hanggang 3rd grading palaging top 1 tapos biglang naging top 2 noong 4th grading. May disappointment factor tuloy ang Tatay...
Ganyan din si San Pedro. Sya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Hesus pero siya pa ang nagkaila sa Kanya ng 3 beses. Siguro noong mga panahong iyon, ang mga alagad ay may mataas na pagtingin kay San Pedro at inaasahan nilang siya ang magtatanggol kay Hesus. Kabaligtad sa inaasahan, sya pa iyong walang tapang at imbes na magtanggol ay nagkaila pa na alagad sya ni Hesus.
Sa pagbasa ngayon, I see it as parang binigyan ng chance ni Hesus si San Pedro. Tatlong beses din Niyang tinanong si Pedro ng "Do you love me?" at sinabihan pang "Feed my lambs, look after my sheep, feed my sheep. Follow me." Kakaiba talaga si Jesus kasi imbes na magalit sa ginawa ni Peter, binigyan pa Niya ng mas mabigat na responsibilities.
I always believe na everything happens for a reason kasama na ang mga pagkakamali natin. Kaya lang may twist dito na dapat aware tayo at ipagpapasaDyos natin. Anong ibig kong sabihin? Kagaya ni San Pedro, gamitin natin ang ating mga pagkakamali para gumawa ng tama, ng maraming tama. Kagaya rin ng pamangkin kong naging top 2, maaari niyang ipakita sa ibang bagay na mahal niya ang mga magulang niya o kaya'y higit siyang magsikap sa susunod na pasukan.
Kapag nagstop tayo sa process na nadapa tayo, hindi natin matutupad ang mission natin. Medyo mahirap at malalim pero kapag maniniwala tayo na He knows everything, mag-iiba ang tingin natin sa mga nangyayari sa atin including our low points. Kaya ikaw kung may mga nagawa kang mali, isip-isip dahil baka may gustong iparealize sa'yo para gumawa ng maraming tama.
Bow. God bless everyone!
Comments