Connect!
"Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you." Jn. 21:21
Hello mga kablogs! Sabi ko mamayang gabi na lang ako magbablog kaya lang habang naghuhugas ako ng plato, nabubuo na sa isip ko iyong topic. Bago pa makalimutan, itype na agad!
Kaunting background muna sa personality ko in terms of sociability... Ako iyong tipo ng tao na mahiyain. Hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga usapan. Kahit nga noong Elem, HS, at College palagi lang akong tahimik. Mabuti nga kahit hindi ako sociable, nakatapos pa rin ako nang maayos. Ayan ang tingin ko sa sarili ko! May mga kaibigan naman ako sa PYM (Hilds, KC, Bok, Memey at Emanot) na ang tingin naman sa akin ay para akong politiko. Masyado raw akong machika. Madalas kapag may pupuntahan kami (kunwari from our place to Area IV) marami iyong times na hihinto ako dahil may makikitang kakilala at syempre maghaHI at mapapakuwento. Minsan nga, naalaala kong sinasabi nila sa akin "Puwede ba Ate Shel, huwag ka ng mag-estasyon?" Nakakatawa kapag naaalaala ko.
Sociable nga ba ako o hindi? Sa tingin ko hindi pero parang may talent akong magkeep ng connection. hmmmm. Sa recent career seminar namin, sabi ng speaker i-keep daw ang networking. May mga tao raw na daraan sa buhay natin - may matagal o panandalian lang. Ang mahalaga raw ay i-maintain ang networking. Parang flashback noong kagagraduate ko lang at naghahanap pa ng trabaho; sabi ni Tatay Tano, "Shel, iyong mga kaibigan mo rin ang makakatulong sa 'yo."
Habang pinapagnilayan ko ang blog na ito at ang pagbasa, naisip kong lahat tayo ay may connection sa bawat isa. Connected ako sa Cancino family, relatives ko ang mga Cancino at Manibo, supporter ako ng PYM, graduate ako ng NNES Batch '95, NHS Bacth '99 at Colegio de San Juan de Letran Batch '03, naging empleyado ako ng MS Banaria & Co, CPAs, Aqua Treatment Technology, Inc., Abba Motors, Inc. at Megaworld Corporation, naging taga-isla Bermuda, parishioner ng San Isidro Labrador Parish, batang Capri at higit sa lahat mamamayan ng Pilipinas - tunay na Pilipino. Idagdag pa ang paniniwalang lahat tayo ay anak ng Diyos kaya kahit nga mga tao sa Haiti may relasyon din ako sa kanila. Sounds weird pero totoo yata. Minsan kasi parang hindi na naiisip ng iba na ganito nga tayo connected sa isa't-isa. Nakakalungkot kasi iyong iba, hindi na nga nila nabalikan kahit minsan ang nakaraan nila. Palagi kong sinasabi at alam kong may isang blog din ako about sa pagbalik sa pinanggalingan, ang naalaala kong nilagay ko roon "Ang marunong lumingon sa pinanggalingan, makakarating nang matagumpay sa paroroonan."
Mahalaga rin ang nilalaman ng ating puso. Hindi ko sinasabing maging connected tayo sa mga kakilala at mga kaibigan natin kasi makakatulong sila sa atin. Dapat malinis ang puso natin sa tunay na intensyon natin kung bakit tayo connected still sa mga taong iyon. Hindi ibig sabihin na dapat maging connected lang tayo sa mga taong mahihingan natin ng tulong. Kapag hindi busilak ang nilalaman ng puso, mahahalata iyon. Dapat imaintain ang connection sa lahat, sa kahit na sino! Sa pagpasok sa ganitong pag-iisip, dapat hindi lang puro kabig. Mas mabuti nga iyong maraming gives kaysa sa takes. Mas mabuti sa pakiramdam iyong nagiging instrument tayo ni Lord na makatulong sa ibang tao. Kung ikaw naman iyong tipo ng tao na walang masyadong pangangailangan, puwede pa rin sa iyo ito kasi puwede mong irelate ang mga kaibigan mong nangangailangan ng tulong sa mga kaibigan mong kaya namang magbigay ng tulong. Para bang tulay...
In relation sa pagbasa ngayon, sa pagkabuhay ni Hesus - ibig sabihin napagtagumpayan Niya ang kamatayan - binalikan Niyang muli ang kanyang mga alagad at sinabi pa nga "Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you." Pinapaalalahanan tayong anuman ang nangyari sa ating buhay palagi tayong bumalik sa mga naging kasama natin. Mas lalo na kung naging matagumpay tayo para maikalat natin ang kabutihan at maimpluwensyahan din natin sila. Kung hindi man maging successful, bumalik pa rin sa nakaraan. Ang mga taong nakasama natin ang muling magpapalakas ng loob natin at maghihikayat na bumangon at magsimulang muli. So anuman ang kahinatnan, bumalik pa rin sa nakaraan at keep your communication lines open.
Syempre kailangang may promotion bago ko tapusin ang blog. Iniimbitahan ko ang lahat ng alumni ng NHS lalo na ang mga kabatch at kaklase ko. Mayroong ginawang site si Ms. Chona Go para sa atin. http://nhsoc.yabbers.com/post157150.html#p157150 Para rin itong facebook, ang kaibahan lang ay mas special ito dahil ito ay designed for all NHS graduates. Ngayong 2nd quarter, napili kami ni Mel Garcia bilang isa sa mga moderators kaya mabobongga ang mga entries especially ni Mel. Dito ko rin nakilala ang kauna-unahang sponsors ng 4S outside my friends circle na sina Sir Bill at Ka Roger.
Para naman sa NNES alumni, mayroon din tayong page sa FB http://www.facebook.com/#!/group.php?gid=296057823596&ref=ts. Please be part of it. Kapag naging 500 daw tayo, magkakaroon ng grand alumni homecoming. Iniimbitahan ko rin ang lahat ng Batch '86 at '87 sa reunion nila on May 1st, 2010. Nakakatuwa kasi isa sa mga projects nila ay magkaroon ng computer room para sa mga students. Suportahan natin sila.
Para sa lahat ng mga kachikahan ko sa FB, let's keep our lines connected.
Hanggang dito na lang. God bless everyone!
Comments