Triduum - SILP vs Cinci

Set your mind on the things that are above, not on earthly things. Co. 3:2
Hello everyone! Kamusta naman ang lent at easter niyo? Ako, heto hinahatak na ng aking higaan dahil antok na antok na. Sana may mapulot pa rin tayo sa blog na ito.
Sisimulan ko ang aking blog sa pamamagitan ng pagkukuwento ng aking usual lent at easter sa Pilipinas. Kagaya ng palagi kong sinasabi, busy kami sa pagpapractice ng plays at sa mga gawaing simbahan. Though hindi ako isa sa mga gumaganap, umaattend pa rin ako para maipakita ang aking support.
Huwebes. Ang unang araw ng Triduum at sa Pinas holiday na kaya nakakadalo ako sa washing of the feet. Ito iyong simbolo na dapat tayong magsilbi sa ating kapuwa. Kasi si Jesus nga na anak ng Diyos ay nagawang magpakumbaba sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga paa ng mga disciples. Pagkatapos niyan, ipuprusisyon namin ang "katawan ni Kristo" papunta sa simbahan.
Biyernes. Alas-tres y media pa lang ng madaling araw, gising na kami kasi mag-start ang Stations of the Cross ng 4am. May mga ibang pari naman na nagstart at 5am. Siguro inaabot ng 3 oras ang procession. Nakagawian na rin ng family namin na hindi kumain ng mabigat. Tinapay lang solved na kami. Pagkatapos ng procession, tutulong naman sa simbahan sa pagdedecorate ng cross para sa another procession pagkatapos ng service sa hapon. 1pm naman sisimulan na ang 7 Last Words at susundan ng Good Friday Service. Naaalaala ko pa nga na usapan naming magkakaibigan na nakablack top kami para ipakita na nagluluksa kami sa pagkamatay ni Hesus. Siyempre, procession to the max na naman. Matatapos siguro ito ng around 6pm tapos iimbitahan kami ni KC sa bahay nila para sa pabasa.
Saturday. Huling araw ng Triduum. Medyo ito iyong may recovery ng tulog kasi nagsisimula sa gabi ang event kaya lang kailangan pa ring magpractice ng play o may ginagawang ibang bagay kaya medyo puyat pa rin. Nagsisimula ang misa ng 9pm. Madilim ang paligid at ang haba-haba ng misa. Ang dami-daming pagbasa at salmo. Kapag nagkailaw na, ibig sabihin iyon na ang talagang simula ng misa. Pagkatapos ng misa, susundan na agad namin ng salubong kaya procession na naman. Magkahiwalay ang mga babae at lalaki at magtatagpo na lamang sa covered court. Dito na iyong magsasalubong sina Mary at Jesus, magkakantahan ang lahat kasama ang mga anghel ng ALLELUYA ALLELUYA. May kalapati pang kukuha ng belo ni Mary kaya nakaksabik talaga.
That was my lent/easter experience in the Philippines. Let's now check what's it like in Cinci...
Thursday. Mas maaga akong pumasok dahil may kailangan akong i-meet na deadline. Thank God He guided me. Sobrang busy sa trabaho na hindi ko na nagawang makalabas during lunch. Masaya pa rin ako kasi naka-attend ako sa Washing of the Feet Ceremony kinagabihan. Hindi man ako ang isa sa mga nahugasan ng paa, oks na rin kasi narefresh pa rin ako ng mga pangyayari noong mga panahon ni Hesus. Pagdating ko sa bahay nagwash naman ako ng clothes....
Friday. Nakapangako ako ng gimik with Kuya John na supposedly gaganapin sa Saturday kaya lang nagchange ang plan kaya kailangan ko nang tuparin ang pangako ko on Friday. May service at 12nn at masasabi kong maganda rin. Nakakatouch iyong mga songs lalo na iyong "Were you there"- English version ng Naroon ka ba ng Siya ay namatay... Sabi ko noon gagawin ko pa rin ang panata kong hindi kakain ng buong araw kahit na Cinci ako kaya lang sa pagkakataong ito sumablay ako. Sino ba namang magreresist sa isang "Eat all you can restaurant?" Kahit ganyan I'm still glad (sinasabi ko not to by being proud but to inspire) kasi nagawa kong iwasan ang meat at chocolates na ginive-up ko this lent. Sa restaurant na iyon, ang daming temptations pero takip-mata kong dinaanan lang ang mga foods na iyon. So puro sea foods lang pero lamon pa rin. hehehe.
Saturday. Ito ang gimik ko with Pinoys na nasa Cinci ngayon. I don't think of any weekends kagaya nong Sat na magiging available ako habang nandito sila kaya sabi ko igagrab ko na ang opportunity na ito para makabonding sila. Sa mga panahong ito sa Pilipinas, ngalay na ngalay ang mga paa ko dahil sa sobrang dami ng processions. Kahapon, sobrang nangalay din ang mga paa ko dahil sa kakalakad sa iba't-ibang outlet stores. Akala ko pa hindi ako makakaabot sa 8:45pm mass kaya todo dasal talaga ako na sana i-allow akong makumpleto ang Triduum. I made it!
Easter was concluded by going to a family reunion of my officemate/friend. Nakakatuwang umattend sa mga ganitong events na nagpaalaala ng family bondings, nagpapaalaala ng kahalagan ng isang pamilya. Habang tinitignan nga sila kanina, naiisip ko na ang mga kapamilya at kamag-anak ko kapag nagreunion kami next month.
Bilang pangwakas, ang naging lent/easter ko ay hindi naging kagaya ng palagi kong ginagawa noong nasa Pilipinas pa ako. Hindi man pareho ang mga ginawa ko, pareho naman ang nilalaman ng aking puso - ang papurihan Siya sa abot ng aking makakaya. Ang maging instrument Niya para ipadama sa ibang tao ang Kanyang pagmamahal. Hindi ibig sabihing natapos na ang lent, natapos na rin ang adhikain kong pagsilbihan Siya. Ito ay tuloy-tuloy-tuloy...
Comment naman dyan para mairelate ang selected verse sa blog... Antok na talaga ako.
God bless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?