You are Mine

My sheep hear my voice and I know them; they follow me and I give them eternal life. They shall never perish and no one will ever steal them from me. Jn. 10:27-28

Hello everyone! Sabi ko sasanayin ko na ang mga nagbabasa ng blogs ko na magmiss ako para hindi na unusual 'pag nagbakasyon ako tska kung may mga times na hindi ako makakapagblog. Kapareho rin minsan kapag antok na antok na ako twuing gabi, sabi ko hindi na lang muna ako magtetext sa lahat. Pero parang may tumutulak sa akin na gawin pa rin itong mga bagay na ito. Naiisip ko iyong mga nakakabasa ng blog at iyong mga nakakareceive ng verses na baka sa isang beses na makamiss ako ay iyon ang panahon na mas kailangan nila iyon. Naiisip ko na siguro kahit paano nakakatulong sa iba iyon lalo na kapag kailangan nila ng pampalakas ng loob. Siguro kagaya ko rin sila sa mga panahong ito na kailangan ng pampalakas ng loob.

Shiela - matapang, matibay ang faith, masayahin, malakas ang loob, optimistic... mga katangian na (hindi naman sa pagmamayabang) naririnig ko sa mga nakakakilala sa akin. Sinusukuban ako ni pessimistic sa mga panahong ito at ako naman heto nagpapatangay. hehehe. Nakakatawa kasi bago ako magblog feeling ko marami akong iniisip pero ngayong ishinishare ko na wala naman akong maisip na talagang iniisip. Nagegets niyo ba? Kapag iaannalyze mo na ang mga pangyayari, hindi pala kaisip-isip ang mga bagay na minsan gumugulo sa isipan natin. Hmmm. Para magkaroon kayo ng better understanding, feeling ko lang hindi ako masaya. Gusto kong mag-iba ng linya. Gusto ko ring may ibang maachieve pero parang nahihirapan ako. Hanggang sa noong isang araw may nakausap ako, pangalan pa niya ay Peter. Sabi niya, "don't hesitate!" Kapag may gusto kang gawin, huwag mong hayaang makasagabal ang ibang bagay sa pag-achieve ng goals mo. Hindi pa rin ako sigurado kung anong kakalabasan ng career ko at ng mga binabalak ko sa aking buhay pero sigurado ako na kasama ko palagi si God. Sa totoo lang hiyang-hiya ako sa Kaniya kanina habang nagmimisa. Ang weak ko kasi at nakalimutan ko na naman iyong mga big hurdles na nalagpasan ko dati with His guidance; heto ako ngayon nagpapadala sa mga small things.

Marahil kapareho rin kita na may mga pinagdaraanan na hindi sigurado kung anong tinutumbok. Marahil kagaya rin kita na nag-aalala sa mga bagay-bagay... Magkasama nating balikan ang mga malalaking bagay na nalagpasan natin. Magkasama nating ipamukha sa mga agam-agam natin ang malaking si Hesus na palaging nakagabay sa atin. Kung bubuksan nating maiigi ang ating mga tenga, maririnig natin ang boses Niya!

Nabanggit ko dati sa isa kong blog na ang buhay ay parang tests sa school. Kapag naipasa natin ang short quizzes, kasunod ay prelims, midterms at may finals pa. Sa buhay natin, habang tumitibay ang ating pananampalataya, mas nadadagdagan ang mga pagsubok na ibinibigay sa atin. Ngunit lantaran ring sinasabi ni Hesus na "you shall never perish and no one will ever steal you from me because you are mine."
Hanggang dito na lang at have a productive week sa lahat.
Kinanta ito kanina ng Filipino community choir sa mass, sobrang ganda ng message ng song.
God bless us all!

http://www.youtube.com/watch?v=g1rCIw_o03E

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?